LORAINE'S POV
Saan na ba yung kuya kong yon? Kahapon pa sya wala,ano kayang nangyari sa kanya? Hayss! si kuya talaga napaka! napaka! ewan ko mahirap na magsalita buhay nya yon kaya dapat wag ko ng problemahin pero sa ngayon dapat mas inuuna nya si Mommy nakakainis na talaga si Kuya! Bwiset! walang hiya!
Lumabas ako ng Room ni Mommy dahil bibili ako ng pagkain pagkalabas ko nakita ko si Skie na papunta sa direksyon ko. Napakabait nya talaga sakin ayy! baka kasi pag tinutulungan nya ako parang tinutulungan nya na din siguro ang Mama nya ikaw kasi eh! Loraine! napaka assuming mo! hahhahha
"Skie!" tawag ko sakanya
"Oh! Hello Loraine!"tawag din nya sakin
"Ano naman bang ginagawa mo dito?"tanong ko sakanya
"Eh ano pa ba? syempre sinasamahan ko yung girlfriend ko!"sh*t ako girlfriend nya! Bakit ka ba ganyan sakin Skie? May gusto ka ba sakin? Hindi ko na maintindihan! Naguguluhan na ako!Sobra na akong stress kay Mommy pati ba naman ikaw Skie dadagdag ka pa!
"Ha? Skie are you sick? You must be in rest!"ayan tuloy napaenglish ako ng hindi oras ganito pala ako pag nabibigla napapaenglish hahhahah
"Loraine! stop that! remember! may atraso ka sakin! ikaw ah kung ano ano ang sinasabi at iniisip mo yah! iniiba mo yung usapan, may gusto ka ba sakin?"yuck ako magkakagusto sa kanya? No way Over my sexy body! hhahah hindi naman ako sexy eh payatot hhaahh
"Ikaw ang tumigil! kasi eh marami lang naman akong problema kaya siguro muntik ko ng makalimutan yung pinagusapan natin pero buti nalang pinaliwanag mo kung hindi naku! nasapok na kita hhahah biro lang papatayin lang kita hahaha it's joke again!"pagbibiro ko sakanya
"Aish! you're so funny and i love that! baka mahulog lalo ako sayo!"ha? lalo eh di ibig sabihin matagal na syang nahulog sakin.
"Ano? lalong mahulog?"tanong ko naman agad sakanya
"May sinabi ba akong ganun? bingi ka lang siguro diba nga may mahal akong iba? tapos ikaw?"pagpapaliwanag nya
Wala ba? eh parang meron hayss! siguro nga wala tsaka baka stress lang nga toh ay! tama stress lang to wala talaga syang sinabi walang wala. Tsaka baka bingi na nga ako! OMO! kailangan ko na sigurong mag pa check up ng tenga ko. Hays ano ba tong nangyayari sakin? Nabibingi na nga ako naii-stress pa ano toh parang kape? 2 in 1?
"Ay siguro nga bingi na nga ako! kailangan ko ng mag pa check up!"
"Oo mabuti pa nga! tsaka saan ka ba pupunta? bibili ka ng pagkain?"
"Oo bibili ako sobrang gutom na kasi talaga ako eh samahan mo ako?"
"Wag na! ako nalang ang bibili bantayan mo nalang ang Mommy mo"sagot naman nya
"Edi sige ikaw nalang ang bumili baka kung ano naman ang sabihin mo sakin eh!"pagbibiro ko naman sakanya grabe ang hilig ko talagang mag biro!
"Bye! magbantay ka na lang dyan ah! wag kang aalis dyan kung hindi may mangyayari sayo!"pananakot nya edi wow kala mo na takot ako.
"Edi wow! grabe naman may mangyayari talaga sakin? ano naman?"
"Basta ako nalang ang nakakaalam non! chismosa ka rin eh!"
"Eh syempre baka anong malay ko patayin mo na pala ako pag umalis ako hahaah joke lang"
"Ikaw papatayin ko? ayoko nga baka makulong pa ako... "huminto sya saglit "dyan sa puso mo!"sabay kindat nya sakin sh*t Skie bakit ka ba ganyan? siguro kong wala akong atraso sayo iisipin kong may gusto ka sakin.
"Tse! corny!"corny daw? pero kinilig ka naku! naku!
Pagkatapos kong sabihin yun umalis na sya ng tuluyan.Tanging likod na lang nya ang nakikita ko habang papalayo sya ng papalayo.
"Akala ko ba badboy sya pero bakit palagi nalang nya ako tinutulungan?"bulong ko nalang sa sarili ko.
Siguro kung wala kaming fake relationship aakalain kong gusto talaga ako ni Skie tsaka baka pati ako mahulog sa kanya at makalimutan ko yung pangako ko sa sarili kong hindi ako magmamahal ng kagaya nya. Kaya siguro maraming babae ang naiinlove dyan eh kung anong ginagawa nya sakin ngayon ganon din siguro ang ginagawa nya sa mga babaeng gusto nya. Tsaka hindi naman mahirap mahalin si Skie eh .Hayss! Ano bang nangyayari sakin? nababaliw na ba ako?Ang gulo gulo ng isip ko ngayon!Bakit ko iniisip yun?
________________________
Dear Readers,I Love you all❤️❤️❤️Thank you very much for reading my wattpad story. Please enjoy the story!💞
BINABASA MO ANG
IM INLOVE WITH THE BULLY KING
Teen FictionSa Panahon ngayon marami na ang hindi tumutupad sa mga pangako. Paano kung nangako ka sa sarili mong hindi ka maiinlove sa taong pinakahate mo? Paano kung lahat ng bagay magkagulo dahil sa pagmamahal mo sa kanya? Kaya mo bang isakripisyo ang lahat...