SKIE'S POV
---
"Good Morning Mama!"bati ko agad sakanya
"Mukhang masaya ata ang anak ko yah! bakit hah? sinong nagpapasaya sayo? si Ano ba?"tinakpan ko yung bibig ni Mama. Napakakulit talaga ni Mama oh!
"Ma!stop it! dont tease me!"
"Ok son! see you later! aalis na ako."pagpapaalam nya sakin
Buti naman umalis na na si Mama. Ang kulit talaga nya pero kahit ganun yun mahal na mahal ko yun sobra sobra pa lahat ng trip ko sinasabayan nya sa lahat ng problema ko dinadamayan nya ako parang si Loraine lang at yung Mommy nya. Ayyy! oo nga pala pupuntahan ko nga pala sya sa ospital ako nga muna pala yung magbabantay sa Mommy nya dahil hindi pa sya umuuwi buhat nung dinala yung Mommy nya sa ospital
Lumabas na ako ng bahay namin tsaka ko nilabas ang kotse ko. Tapos bumalik ulit ako sa loob ng bahay dahil hindi pa pala ako nakapagpaalam kay Kiera baka kasi hanapin nya ako, hindi man lang ako nakapag paalam sa kanya.
Nakapag paalam na ako kay Kiera. Lumabas na ako ng bahay namin at sumakay na ng kotse at nagdrive ako dumaan ako saglit sa coffee shop ng tita ko para bilhan ng kape at cake si Loraine pagkatapos kong pumunta sa Coffee shop dumiretso na ako ng ospital.
Ngayon nasa parking lot ako ng ospital.Nakahanap naman agad ako ng pagpaparkan kasi talagang halos mapuno na yung space ng parking lot sa ubod ng daming kotse. Napakaswerte ko naman ngayong araw na to dahil gumising ako ng masaya, nakausap ko si Kiera ng matino, at nakapagpark pa ako siguro ngayon ang lucky day ko tsaka baka may swerte pang dumating sakin. Hahhaha makaakyat na nga sa room ni Tita Jenny tsaka baka wala na namang kasama si Loraine don siguro umalis na naman si Kenjie makaakyat na nga para sure.Loraine wait for me parating na si Ako!
Ngayon nasa room na ako ni Tita Jenny sakto namang nakita ko si Loraine na palabas ng room ng Mommy nya kaya tinawag ko sya
"Hello gorgeous!" bati ko sa kanya
"Oh good morning Skie! ang sipag mo naman palagi ka nalang andito hindi ka ba nagsasawang makita ang pagmumukha ko? tsaka tama na yung sinamahan mo ako ng isang araw dito hindi mo na nga dapat ako sinamahan kahapon tsaka ngayon dahil kaya ko naman na at isa naaabala ko lang ang araw mo noh? naiistorbo lang kita."sagot naman nya,daming sinabi eh parang nag hello lang naman ako sakanya tssk! iba talaga tong mahal ko ibang iba!kaya siguro patuloy parin akong naiinlove sakanya sa ibat ibang dahilan at pamamaraan.Hayss! araw araw talaga lalong nagiging malalim ang pagtingin ko sa kanya.Mike Enriquez ba sya? Kasi ayaw nyang tantanan ang puso ko palagi nya nalang itong kinukulit hahhahha corny!
"Ano ka ba? kahit kailan hindi ako magsasawang pagmasdan ang mukha mo kahit nga paulit ulit ko pang titigan yan eh hindi ako magsasawa kasi mukhang angel yang aura mo tsaka hindi ka kaya abala noh? pag nga kasama kita nagiging masaya ako eh." paliwanag ko naman sa kanya
"Oh sige na nga! samahan mo na nga ulit ako mag nonovela ka po sa pagpapaliwanag mo eh"sino ba ang nagumpisa diba sya pasalamat sya mahal ko sya kung hindi napatulan ko na sya joke lang✌️✌hindi ako ganun.
"Eh ikaw kaya ang nagumpisa dyan tinapos ko lang hahhah umpisahan mo, tatapusin ko ganun"
Parehas kaming tumawa sa sinabi kong yun.Sa tuwing tumatawa sya mas lalo syang nagiging maganda sa paningin ko na para bang nasa langit na ako pag tinititigan ko sya.Grabe talaga ang tama ko sakanya kahit anong anggulo para sa kin maganda at perpekto sya.
"Skie? bakit ka nakatitig sakin may dumi ba ako sa mukha?panget na ba ako?"habang sinasabi nya yun kumakaway sya sa harap ng mukha ko na akala nya natulala na ako pero hindi naman talaga ako nakatulala dahil pinagmasdan ko lang naman talaga ang mukha nya.
"Wala kang dumi sa mukha noh? tsaka hindi ka panget noh? ang ganda ganda mo nga eh. Para kang anghel."
"Tse! bolero ka" sabay irap sakin
"Hindi noh?maganda ka naman talaga eh, ayaw mo lang mag ayos para mas lalong lumabas ang ganda mo."
"Tingnan mo bolero ka talaga eh! kahit ano sinasabi mo para lang mabola mo ako"
"Ang kulit mo! hindi naman talaga kita binobola eh nagsasabi lang ako ng totoo."
"Naku! totoo ba? eh si Skie Ash Morales ka kaya! at kilala kang bully king at bolero sa buong campus. Paano kitang paniniwalaan kung kilala kang bolero, sige nga paliwanag mo, aber!"
"Nagbago na ako noh? hindi na ako yung dating Skie Ash Morales." sagot ko naman
"Hah?hindi naman halata eh sige nga paano ka nag bago? kwento mo nga!"
"Ganito kasi yun, may babae akong nakilala noon matagal ko na syang mahal kaso mukhang malabo nya akong mahalin din eh."
"Bakit naman malabo ka nyang nagustuhan?" tanong naman nya, kung alam mo lang ikaw yung mahal ko
"Kasi ayaw nya sa isang bully king, ayaw nya sa mga kagaya ko"
"Ah pano mo naman nalaman na ayaw nya sa mga katulad mo? kilala mo na ba sya?"
"Oo kilala ko na sya matagal na matagal na! kaya lang napakamanhid nya talaga eh, pero kahit anong mangyari aaminin ko parin sa kanya ang nararamdaman ko kahit na hindi nya ako magustuhan. Kasi nga mahal ko sya at kahit na hindi nya ako gusto, lahat ng nararamdaman ko sa kanya ay aaminin ko parin."seryoso kong sagot
"Kilala ko rin ba sya?sabihin mo lang baka pwede kitang tulungan na aamin ang nararmadaman mo sakanya."oo kilalang kilala mo nga sya eh! kasi ikaw yun sadyang manhid ka lang talaga.
"Oo kilalang kilala mo sya!"sagot ko naman sakanya.
"Sige na sabihin mo na kung sino sya"pagpupumilit nya,bakit ba kasi hindi mo mapansin na ikaw yung mahal ko? bakit ba kasi napakamanhid mo?
"Secret ko nalang yun tsaka problema ko to noh? kaya dapat hindi na kita idamay pa." sagot ko naman sa kanya.
Tumigil na sya ng pagtatanong. Dahil siguro napagod na sya, mabuti narin siguro yung tumigil nasya kasi baka mamaya madulas pa ako at masabi ko sa kanya lahat naku!hindi pa pwede noh? hindi pa ako handa wala pa akong lakas ng loob na aminin lahat sa kanya oo na! torpe na kung torpe basta sigurado ako.Wait ka lang Loraine maaamin ko rin ang lahat sayo at sana wala ka pang mahal non para kahit papano may pagasa pa rin ako sayo kahit na alam kong ayaw mo sa kagaya ko. Lalaban parin ako hanggat gusto ko at kaya ko! Fighting!
BINABASA MO ANG
IM INLOVE WITH THE BULLY KING
Teen FictionSa Panahon ngayon marami na ang hindi tumutupad sa mga pangako. Paano kung nangako ka sa sarili mong hindi ka maiinlove sa taong pinakahate mo? Paano kung lahat ng bagay magkagulo dahil sa pagmamahal mo sa kanya? Kaya mo bang isakripisyo ang lahat...