CHAPTER 2:NAKILALA ULIT KITA

38 3 0
                                    

SKIE'S POV

Sya pala yun, yung babaeng matagal ko ng gustong makita, yung babaeng una kong nagustuhan, yung babaeng araw-araw kong iniisip at hindi kailan man nawala sa puso at damdamin ko. Matagal ko ng kilala si JL, ten years old palang ako non.Una ko palang syang  nakilala minahal ko na sya kahit alam ko ng hindi pa pwede kasi bata palang kami. Lahat ng nararamdaman ko tinago ko sa mahabang panahon, pero ngayon handa ko ng ilabas to dahil pwede na at dahil muli ko syang nakita.

FLASHBACK

"Hoy bata! halika dito"

"Ha? ako ba? tinatawag mo ba ko"

"Oo ikaw nga, ikaw na napakaganda kaya nga kita crush ehh"

"Ha? crush mo ako? naku hindi pa pwede noh bata pa tayo, pwede friends nalang?"

"Oh sige, friends nalang muna pero pangako mo na pag malaki na tayo, ikaw ang magiging girlfriend ko at ako ang boyfriend mo tapos pag pwede na tayong magpakasal, papakasalan kita"

"Ha? girlfriend at boyfriend alam mo na agad yun? ang bata mo pa eh."

"Hoy! ano na ang sagot mo?"

"Ah sige na nga pumapayag na ako, pero dapat malaki na tayo non ahh."

"Ha? talaga pumapayag ka na? basta pangako mo na ako lang ang mamahalin mo ah, wala ng iba ha? dapat ako lang ang magiging boyfriend mo. "

"Oo pangako ko, ikaw lang ang magiging boyfriend ko. Dapat ako lang din ang maging girlfriend mo."

"Oo promise! ikaw lang magiging girlfriend ko."

"Ayy!sige na nga uuwi na ako, baka hinahanap na ako ng mga kuya ko, sige ha sa susunod na lang."

"Babalik ka ha? hihintayin kita, mag iingat ka."

END OF FLASHBACK

Simula nung nakilala ko sya, sya na agad ang iniisip ko. Ewan ko nga ba kung bakit simula non hindi ko na sya nakita pa. Sayang nga eh, parehas na kaming nagkaroon ng karelasyon, nangako pa naman kami na hindi kami magkakaroon ng girlfriend at boyfriend. Kasi naman ehh, bakit kasi hindi kita agad nakita ulit, edi sana ngayon ikaw na ang girlfriend ko. Saan ka ba kasi nagpunta JL?, parehas tuloy nating hindi natupad yung pangako natin sa isat isa. Pero JL, pangako ko sa sarili ko, liligawan kita magiging girlfriend kita.

Pero buti nalang JL, nakilala ulit kita, buti nalang nahanap agad kita, pero bakit ba sa lahat ng magpapanggap na girlfriend ko ikaw pa, bakit ba pag dating sayo nahihiya ako. Sana,ako nalang yung dating bata na matapang ang hiya at walang takot pag kausap ka, kasi ngayon nahihiya akong kausap ka JL. Hindi naman ako ganito dati, pero nung dumating ka naging ganito ako. JL, ang lakas talaga ng epekto mo sakin, sa lahat ng babae na nakilala ko ikaw lang ang nakakagawa ng ganitong pakiramdam sakin.Sisiguraduhin kong magiging girlfriend kita, sa unang pagkakataon magiging malakas ulit ang loob ko para sayo, para maging akin ka lang. Dahil simula palang nung una, ikaw na talaga ang sinisigaw ng puso ko.

"Sana ikaw na lang talaga ang unang naging girlfriend ko. Sana hindi ka na lang umalis. Sana talaga ako nalang ang unang naging boyfriend mo at sana ikaw nalang ang makasama ko ng habang buhay, sana lahat ng sana natupad at matupad."bulong ko nalang sa sarili ko habang tumutulo ang luha ko sayang kasi eh hindi naging tayo, hindi kasi natin natupad yung pangako natin.

Dear Tadhana,
Sana manlang sinabi mong makikipaglaro ka sakin, para nakapaghanda ako diba? kasi ngayon hindi pa ako handa. Kaya sana tumigil ka muna.😂😂

IM INLOVE WITH THE BULLY KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon