CHAPTER 14:HELP( Part 2)

21 2 0
                                    

SKIE' S POV

Ngayon nandito na kami sa Ospital na pinagdalanan ng Mommy ni Loraine.

"Loraine? ayos ka lang ba?" nagtataka kong tanong sa kanya

"Skie? magiging maayos ba si Mommy? kung magiging maayos siya magiging ayos na rin ako."nanghihina nyang sagot.

"Wag kang magaalala magiging maayos rin ang lahat, magiging maayos rin ang Mommy mo. Kaya wag ka ng maging malungkot."sagot ko naman sa kanya

"Salamat  Skie dahil nandyan ka para damayan ako eh yung kuya ko wala, walang kwenta.Salamat talaga dahil hindi mo ako pinabayaan. Sana palagi ka nalang ganyan sakin."

"Kahit anong mangyari nandito lang ako para sayo. Dadamayan kita at tutulungan pa sa anumang problema mo."

Ngumiti lang sya sakin at ngumiti lang  din ako sakanya.

Nakita na naming lumabas yung doktor na tumingin sa Mommy nya.

"Dok!"tawag ni Loraine

"Are you the daughter of Mrs. Arevalo?"tanong naman ng Doktor

"Yes. Im her daughter, Im Jastine Arevalo."nagmamadali namang sagot ni Loraine.

"Kamusta na po sya?"tanong ko naman.

"Wag kayong mabibigla pero...."huminto sya saglit sa pagsasalita."She's comatose." muli nyang sagot.

"Ha? ano? hindi pwede!"maiyak iyak na sabi ni Loraine.

"Pwede na po ba namin syang puntahan, Dok?" tanong ko naman sa Doktor.

"Sige, maaari nyo na syang puntahan ngayon."sagot ng doktor at tsaka umalis na.

"Tara na?Gusto ka ng makita ng Mommy mo pero dapat hindi ka umiiyak." sagot ko naman sa kanya para pakalmahin sya.

"Tara na nga"sagot naman nya tsaka pinunasan ang mga luha nya.

Pumasok na kami sa kwarto ng Mommy nya.

Tiningnan ko lang si Loraine habang pinagmamasdan nya ang Mommy nya na nakahiga sa kama. Sobrang naaawa ako sakanya ngayon. Kung pwede nga lang na kuhanin ko lahat ng sakit na nararamdaman nya ngayon eh sana hindi na sya nahihirapan.Alam ko magiging maayos rin ang lahat dahil kahit na babae sya malakas sya, para nga syang si Bong Soon.Kung tutuusin mas malakas pa sya sakin dahil kahit anong problema iniiyakan lang nya hindi sya basta basta sumusuko.Makakaya mo rin
ang lahat basta wag ka lang susuko, Loraine.Andito lang ako para sayo hindi kita iiwanan mahal na mahal kita.

"Skie? sige umuwi ka na dadating na si kuya Kenjie kakatext ko lang sa kanya."

"Hindi kita pwedeng iwan lang dito ng mag isa. Baka kung anong mangyari sayo. Pag dumating na lang si Kenjie tsaka ako aalis pero sa ngayon hanggat wala pa sya,dito muna ako sasamahan kita."sagot ko naman sa kanya

"Sige" tipid nyang sagot sakin

"JL? Ayos ka lang ba?"napatingin ako sa nagsalita. Si Kenjie lang pala kala ko kung sino na.

"Kuya? Si Mommy..."napahagulgul nalang si Loraine nung nakita nya yung Kuya nya.

"JL, magiging maayos rin ang lahat kaya wag ka ng umiyak." sagot naman ni Kenjie habang hinihimas  nya yung buhok ni Loraine.

"Kenjie, Loraine sige maiwan ko na kayo."pagpapaalam ko naman sa kanila dahil kahit na gusto ko pang samahan si Loraine hindi na pwede kasi nangako ako sakanya na pag dating ng kuya nya aalis na ako.

"Salamat Skie" sabi naman ni Kenjie

"Maliit na bagay" sagot ko naman sa kanya habang nakangiti ako.

"Salamat"tipid na sagot ni Loraine.

"Sige mauna na ako sa inyo."

"Ingat ka."paalala naman ni Loraine

"Oo mag iingat ako dahil gusto pa kitang makita."sa hindi ko malaman na dahilan nasabi ko yun siguro nga gusto na ng puso kong aminin ang nararamdaman ko para sakanya.

"Sige na tama na ang pagiging sweet mo baka mamaya langgamin na kami dito."singgit naman ni Kenjie kahit kailan talaga to panira ng diskarte.

"Oo na aalis na ako. Babalik ako mamaya."

Pag kasabi ko nun umalis na ako.

---

Ngayon andito na ako sa bahay namin.

"Kapatuds!Kapatuds!"tawag ko kay Kiera

"Skie! Wala na si Kiera pumasok na sya.Bakit ba ano bang kailangan mo?"sagot ni Mama tsaka sya lumapit sakin.

"Mama, may sasabihin lang po sana ako sa kanya."sagot ko naman kay Mama.

"Ah ganun ba eh mamaya mo nalang sabihin,bago ko makalimutan saan ka ba pumunta? Pumasok ka ba?"tanong ni Mama

"Mama wala po kaming pasok ngayon may pinuntahan po yung mga teacher namin."

"Eh saan ka nga pumunta?"makulit na tanong ni Mam

"Sinamahan ko lang po yung kaibigan ko nasa ospital po kasi yung Mommy nya wala po yung kuya nya kaya ako nalang po ang sumama sa kanya."

"Si Azier o si Brent?"

"Ala po sakanila, si Loraine po ang sinamahan ko."

"Ha? babae sya?"

"Opo! ano naman po ang masama don nagmamagandang loob lang naman ako sa kanya."palusot kong sagot kasi si Mama pag babae ang sinasamahan ko o tinutulungan para sa kanya may  ibig sabihin yun.Hindi lang basta kung ano. Sigurado ako si Mama may iniisip na kakaiba kung kakaiba nga ang iniisip nya tama sya dun.

"Sino yun ha? maganda ba sya? ano?dali magkwento ka"excited na tanong ni Mama sakin

"Mama sikretong malupet lang to yah? wag mong sasabihin sa iba yah?"

"Oo anak! promise!"

"Sige Mama! sasabihin ko na sayo, yung sinamahan kong babae sa ospital gusto ko sya ay! mali MAHAL ko pala sya.Wag mong sasabihin yung secret natin yah? pag sinabi mo yun magagalit ako sayo hindi na kita papansinin."

"Oo syempre ako pa ba hindi ko sasabihin sa iba yun"

"I LOVE YOU MAMA!"paglalambing ko sa kanya para hindi nya sabihin yungsecret namin.

"Tse!" pangaasar ni naman nya.

"Ay! Mama pupunta po ulit ako sa ospital sasamahan ko po ulit si Loraine. Ma! yung secret natin wag mong sasabihin sa iba."pagpapaalam ko sakanya sabay paalala na rin mahirap na baka madulas pa sya minsan talaga kasi yung bibig ni Mama hindi mapigilan. Hahaha

"Sige ingat ka!"paalala nya naman sakin

Pagkasabi ni Mama ng palala nya umalis kaagad ako baka kasi umalis na naman si Kenjie at maiwan ng magisa si Loraine dun ayokong naiiwan siya ng nagiisa baka may kung anong mangyari.

IM INLOVE WITH THE BULLY KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon