CHAPTER 12:THE TROUBLE IS ON!

21 1 0
                                    

KENJIE'S POV

"Sh*t! Pare! gusto ko silang suntikin ngayon. Naiinis na ako sa kanila,bakit ba ayaw nilang lumaban ng patas? duwag ba sila? P*cha talaga oo!"galit na gait kong sabi.

"Pare! gusto mo bang tayo na ang sumugod sa kanila? kayang kaya nating talunin yang grupo nilang Cosmic League! malakas ata tayo. Grupo tayo ng malalakas at gwapo."kahit sobrang naiinis na ako, natutuwa pa rin naman ako kasi yung tarant*do kong kaibigan nangangarap na gwapo sya. Ako lang ang gwapo sa grupo namin! wala ng iba pa ako lang! maging si Skie hindi!

"Hoy! Bayaw ano problema natin dyan! yung Cosmic League ba? Tara sugudin na natin!"tingnan mo to kakadating lang, kayabang na! Suntikin ko kaya to!

"Hoy! anong bayaw? hindi ako boto sayo noh? tarant*do ka eh. Ayokong maging asawa ng kapatid ko ay bully king! Kaya wag mo akong tawaging bayaw! Naiintindihan mo?" galit kong sabi sa kanya. Totoo naman eh ayokong maging asawa ng kapatid ko ay kagaya ko at ni Skie, pati nga sya ayaw nya sakin eh. Ewan ko ba dun sa payatot kong kapatid. Naku! pabayaan ko na nga lang yun.

"Tara na? sugurin na natin yun! Kating kati na yung kamao ko! Bilisan na natin"Naku! mga atat sa away sige nga payagan ko sila pero dapat hindi ako kasama. Hahaha baka magulpi sila pag hindi ako makasama.

"Sige papayagan ko kayo! basta hindi nyo ako kasama? Ano deal?" nagtinginan muna sila sakin bago sila sumagot.Kasi ako ang leader nila at hindi sila makakalaban pag wala ako. Magaling kasi ako, kung baga sa basketball at volleyball, ako yung team captain nila!

"Sige! payag kami!"si Skie pa talaga ang sumagot. Yabang nya! Tingnan natin kung kaya nya!

"Oh sugurin nyo na! Bilisan nyo baka mahuli pa kayo!" Umalis na ako pag katapos kong sabihin yun.

Nainis na ako kay Skie! masyadong mayabang eh.Ngayon hindi muna ako makikipag away.Kahit na gustong gusto ko ng pagpapatayin ang mga g*gong yun.Isa pa baka pumanget ang napakagwapo kong mukha noh? mahirap na baka wala ng babaeng magkagusto sakin noh?Pero hindi rin! kahit na pumanget ako marami pa ring babae ang hahabol sakin noh? Malakas kaya ang sex appeal ko at malakas din ang dating ko.Syempre Kenjie Arevalo to eh! Ako pa ba papatalo? wala sa bokabolaryo ko yun!Syempre iba ang mga Arevalo.

---

SKIE' S POV

Naiinis ako sa sinabi ni Kenjie, bakit porket ba ganito ako, isang bully king? Wala na akong karapatang magmahal?Bakit ba kasi ang hirap mong makuha Loraine?

"Haaaaaa!Ayoko ng maging ganito, hirap na hirap na ako! nahihirapan na akong ipaglaban ang nararamdaman ko sayo! Mahal na mahal kita kahit na sobrang manhid ka. Bakit ba sa lahat ng babae sayo pa ako nahulog? Eh? ang hirap mo kayang makuha! ang hirap hirap mong maangkin!"Sigaw ko habang may tumutulong luha sa mata ko

"Oh? Skie? Bakit nandito ka?" isang pamilyar na boses ang narinig ko kaya agad kong inangat ang ulo ko at tinuon ko sa kanya ang pansin ko.

"Ha? kasi may hinihintay ako."nanghihina kong sabi

"Sino? ikaw ah! may nililigawan ka na ba? sabihin mo lang na may nililigawan ka na at ititigil na natin ang pagpapanggap natin."

"Wag!" gulat kong sabi sa kanya

"Bakit wag? may problema ba kung ititgil na natin yung fake relationship natin?"

"Oo may problema!" sa puntong yon nasigawan ko si Loraine,siguro dala lang to ng galit ko kanina sa kuya nya,pero bakit mo naman ibinuhos sa kanya?Hay! maling mali ka Skie sa moves mo! maling mali tskkk.

"Sorry kung napagalit kita. Sige mauna na ako sayo. Paalam" malungkot nyang sabi sakin.

Hay! nakokonsensya na talaga ako sa ginawa ko.

Lumapit ako sa kanya dahil medyo malayo na sya sakin.Sa hindi ko malaman na dahilan agad ko syang niyakap kasabay non ay ang pagpatak ng mga luha ko na unti unting umaagos sa pisngi ko.

"Sorry sorry sorry Loraine sa ginawa ko sayo.Sana mapatawad mo na ako."

"Skie ayos lang pinapatawad na kita kaso lang pwede bang bumitiw ka na sa pagkakayakap sa kin?Hindi na ako makahinga eh."nung sinabi nya yun agad akong bumitiw sa pagkakayakap sa kanya.

"Oi! sinuswerte talaga tayo! andito pa si Skie, si Mr Bully king at mukhang may kasama pang chicks ah"Nako! sa oras na madampi ang mga kamay nyo kay Loraine sinisigurado kong makikita nyo ang hinahanap nyo! Hay*p kayo! lalaban ako! para kay Loraine mag kamatayan na!

"Sige kahit akong mag isa lang lalabanan ko kayo! pagbibigyan ko kayo basta wag nyo lang gagalawin ang Prinsesa ko.Let the game begins!" maangas ko pang sabi sa kanila.

"Wow! prinsesa? tingnan natin kung kaya mo kami eh nag iisa ka lang! baka mapahiya ka sa prinsesa mo?Babe! watch me!" walang hiyang to may pahabol pa! Hindi pwedeng may tatawag ng ganon sa Prinsesa ko. Pumapatay ako!Hahaha

"Tara*tado ka! ang dami mo pang satsat dyan simulan na natin ang laban!"

Agad kong sinuntok ang pagmumukha ng hayup na yun. Nung susugurin na ako ng mga walang hiya may nakita akong malaking bato binato ko sa kanila yun. Yung dalawa sa kanila nagtaob at yung tatlo naman itinuloy parin ang pagsugod sakin mga hayup hindi na nadala pero dahil ayokong masaktan si Loraine nilabas ko ang tinatago kong galing, galing sa pakikipagaway.Lahat naman ng sumusugod sakin nag tutumba, kaya hindi rin nagtagal ang labanan namin. SWABE!

"Okay ka lang ba Loraine? nasaktan ka ba kahit konti lang?" nagaalala kong tanong sa kanya, syempre mahal mo eh! tsaka patay ako kay Kenjie pag may nangyaring masama sa kanya, sabihin pa non hindi ko pinagtanggol si Loraine eh ako ang kasama nya. Iba ka talaga! Loraine! Kaya mahal kita eh. Kahit kailan hindi kita kayang balewalain, hindi ko gagawin ang ginawa sayo ni Ivan.

"Ikaw ba ayos ka lang hindi ka ba nasaktan?" nag aalalang tanong din ni Loraine

"Syempre hindi ako nasaktan noh? malakas ata ako at tsaka isa pa andyan ka naman eh, ikaw ang inspirasyon ko at ikaw ang lakas ko.Tsaka hindi kita hahayaang magalaw ng mga hinayupak na yun! baka mapatay ko sila!"

"Wow! pero thank you dahil hindi mo ako pinabayaan siguro kung ibang lalaki ka tinakbuhan mo na ako. Siguro pinabayaan mo na lang akong mag isa dun, salamat talaga Skie. You're the best! Kamsahamnida!"wow! nagkorean pa! buti nalang naintindihan ko yun.

"Wala yun maliit na bagay. " sagot ko naman sa kanya.

"Para sakin malaking bagay yun, niligtas mo ang babaeng kagaya ko na hindi naman mahalaga sayo.Maraming salamat talaga."

Napakahalaga mo kaya sakin. Isa ka sa pinakamahalagang babae sa buhay ko.Kaya dapat lang na iligtas kita. Kasi mahal na mahal kita eh, higit pa sa buhay ko.Ikaw ang lakas ko sa bawat laban na kakaharapin ko. Kahit kailan hindi kita papabayaan palagi kitang papahalagahan, kahit na walang tayo. Kahit kailan hindi ko magagawang magalit sayo. Kahit kailan hindi ko magagawang balewalain ka.Dahil handa akong gawin lahat para lang sa yo, handa akong magtiis para lang sa ikaliligaya mo.

"Hatid na kita? baka magalit pa yung kuya mo. Tara na Prinsesa ko?"

IM INLOVE WITH THE BULLY KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon