CHAPTER 20:MEET THE FATHER IN LAW

12 1 0
                                    

LORAINE'S POV

Pagkagising ko wala si Skie sa tabi ko kaya kinabahan ako lumingap lingap ako at nakita kong paparating si Skie kaya yung kaba ko biglang naglaho unti unti nakahinga naman ako ng maluwag

"Loraine!"bati ni Skie

"Hello!"

"Buti naman nagising ka na"

"Syempre gigising ako kasi buhay pa ako"pilosopo kong sagot

"Baliw ka rin minsan eh!"pangaasar nya pa

"Matagal na!"

"Hay! bago pa tayo magasaran kumain ka muna dahil alam kong nagugutom ka na dahil puro ka tulog"sabay abot nya ng pagkain sakin

"Salamat"tipid kong sagot tsaka ko kinuha ang bigay nya

Pagka kuha ko ng pagkain pumasok na si Skie ng kotse at ako naman kinain ko yung bigay nyang pagkain dahil tama nga siya gutom na ako kasi puro ako tulog. Pagkakain ko kinuha ko yung cellphone ko tsaka ko tinawagan si kuya

"Hello"

["Oh JL! Bakit ngayon ka lang napatawag ha?"]

"Eh nakatulog ako eh ano bang magagawa mo"

["Sige na baba mo na to!"]

"Oo!"sabay baba ko ng cellphone jusko yun lang pala sasabihin eh pinatawag pa ako

Pagkatawag ko kay kuya tinawagan ko agad si Daddy.

"Daddy! hello?"

["Yes my daughter? how are you?"]

"Daddy I'm fine how about you?"

["Ahh I'm also fine why do you call me is there any problem?"]

"Yes there is a problem Daddy"tapos binaba ko agad ang cellphone ko dahil mamaya ko na lang ikekwento ang lahat.

"Oh anong problema mo?"nagaalalang tanong ni Skie

"Si Daddy kasi eh nagaalala ako sakanya pag nalaman nya kung anong nangyari kay Mommy"malungkot kong sagot

"Wag mo ng intindihin yun magiging maayos din ang lahat."hindi mo aakalain na bully king ang kausap ko dahil napakamature nyang mag isip kadalasan kasi sa mga kagaya nya mga immature.

"Oo tama ka magiging maayos din ang lahat."sagot ko naman sakanya

Medyo malapit narin kaming makarating sa pupuntahan namin kaya dumaan muna kami sa isang coffee shop dahil malapit ng mag gabi at baka parehas kaming antukin ni Skie.

"Hello po Ma'am, Sir!"bati ng waitress samin

"Hello din po"sagot ni Skie

"Sir bagay na bagay po kayo ng Girlfriend nyo"ha? girlfriend ako? si Skie boyfriend ko?hindi noh?

"Ayy hindi..."pinigilan ako ni Skie

"Talagang bagay kami dahil maganda sya at gwapo ako"sabay kindat sakin

"Sige Sir pasok na kayo at i-aassist ko napo kayo"sabi ni miss waitress hahah

"Thank you"sagot ko naman sa waitress tsaka pumunta na kami sa lugar namin at umupo don

"Ma'am,Sir what's your order?"tanong ni miss waitress

"Ahh wait a minute!"paalam naman ni Skie

"Ahh okay!"

"Ano ba order mo Prinsesa ko?"wow! prinsesa ko?ang galing naman! hahahah kinilig naman si ako! lukaret ka Loraine napakilig ka ata ng bully king na yan naku! hindi pwede omo!chura taas ng pride mo ahh! bakit hindi ka pwedeng kiligin kahit minsan lang? hahhah

"Hoy! Loraine!"malakas na tawag sakin ni Skie kaya naman napatingin ako sakanya.

"Oh? bakit?"nalilito ko pang tanong sakanya

"Tinatanong kasi kita kung ano ang order mo eh parang nakatulala ka kanina kaya inorder na kita"

"Ah ganun ba?"nakatulala kong sagot

"Hi! ano bang nangyayari sayo?"tanong nya sabay kaway sa harapan ko

"Ahh ala"tipid kong sagot

Dumating na yung waitress at binigay na samin yung order namin

"Mabuti pa Loraine kumain ka na lang dahil baka gutom lang yan."sabay bigay sakin ng isang slice ng cake at kape

"Salamat"tipid kong sagot kaya napatingin naman sya sakin

"Ayos ka lang ba?"nagaalala nyang tanong

"Parang hindi ehh"sagot ko

"Ha?bakit parang hindi? hindi ka pa ba sure?" sunod sunod nyang tanong

"Ewan ko ba kung anong nangyayari sakin"sagot sa kanya

"Kumain ka na lang at pagkatapos natin kumain sumakay ka na agad sa kotse at matulog ka na lang baka paggising mo wala na yan."

"Sige susundin kita"

Pagkayari naming kumain pumunta na agad kami sa kotse at sumandal ako sa balikat ni Skie at nakatulog ako.

"Hays bakit ba ang ganda mo?" nagulat ako dahil ngayon lang sinabi ni Skie sakin yun ng seryoso gusto ko sanang dumilat kaso baka nakatingin sakin si Skie at mailang lang akong tingnan sya at siguro baka mapahiya pa ako kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagtulog ko.

Dinilat ko ang mga mata ko at sa wakas andito na kami sa bahay namin sa Cebu miss ko na yung bahay namin at syempre si Daddy! kaya nung nakita kong bubuksan na ni Skie yung pintuan bigla akong dumilat at tumayo na

"Hello!"nagulat sya dahil siguro hindi nya alam na gising na ako.

"Hayss nagulat naman ako sayo!"

"Sorry!"

"Ayos lang! bumaba ka na dyan at hinihintay ka ng bahay nyo at ng Daddy mo"

"Sige!"excited kong sagot

Pagkababa ko pumasok agad ako ng bahay namin at pumunta ako sa direksyon ni Daddy dahil nakatalikod sya hindi nya ako napansin.

"Hello Daddy!"bati ko sakanya

"Anak! ikaw ba yan? Ang laki mo na!"excited nyang tanong

"Opo ako po si Loraine! yung maganda nyong anak"pagbibiro kong sagot

"Hahaa totoo naman ehh maganda ka"

Tumingin sa direksyon ni Skie si Daddy

"Hello po!"bati ni Skie tsaka sya lumapit kay Daddy at nag mano sya aba! magalang si Mr Bully King

"Is that your boyfriend?"tanong ni Daddy no! hindi yan ang boyfrien ko

"Hindi po kaibigan lang po nya ako"aba nag deny sya ngayon

"Ahh kala ko naman boyfriend ka ehh sayang bagay pa naman kayo"si Daddy din ba boto sakanya? naku! hindi po yan ang type ko

"Ahh daddy sya po si Skie"pagpapakilala ko sakanya

"At sya naman ang Daddy ko si Daddy Kenneth"pagpapakilala ko kay Daddy

"Nice to meet you"bati ni Daddy at pumunta na kami sa kusina para kumain

IM INLOVE WITH THE BULLY KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon