CHAPTER: 02

1.5K 40 4
                                    

'Well Known' 

Nag send ako ng message kay Rese na sinasabi ko na nakarating na ako ng Davao. Hindi siya nag reply at tinawagan na lang ako.

"There's a car waiting for you outside, pinahanda ko na iyan." Sabi niya sa kabilang linya.

"Oh...kay, where am I going to sleep?" Sabi ko habang hinahanap ang pinadala nilang driver at sasakyan.

"Sa bahay na lang namin. Doon ka na tumira, wala naman nang gumagamit doon."

May bahay sila dito since maraming hinahandle na business ang Daddy niya at kinailangan nilang magpagawa ng bahay sa iba't ibang parte ng Pilipinas at maging sa ibang bansa na rin.

"Okay, I'll call you kapag nakarating na ako doon."

Binaba ko na ang tawag niya at saktong nakita ko ang driver. Bumaba siya sa Fortuner na itim. "Miss America Perez, ito po ang hinandang kotse ni Mrs. Stanford." 

Tumango ako sa kanya at iniwan ang luggage ko para ilagay niya sa likod ng kotse. Agad akong sumakay at pinaandar niya ito hanggang sa makarating kami ng bahay nila Rese. Hindi na ako nagulat na isa itong mansyon. Bumaba ako at sinalubong ng ilang mga maids. 

Nilibot ko ang buong bahay, may fountain ito sa harap at isang malaking pool naman sa likod. May mga 'modern kubo' rin ito sa paligid na ikinatuwa ko. Masaya tumambay sa kubo na ito dahil sa Fresh Air. 

"Ms. Perez, may tawag 'ho kayo sa telepono." Sabi ng maid at inabot sa akin ang wireless telephone. 

"Hello." Hindi na ako nagtaka kung sino ito dahil alam ko na si Rese ito. 

"Where are you?" 

"Sa bahay niyo? Why?" Umakyat ako sa taas para hanapin ang kwarto ko. There are 26 rooms here kaya mahihirapan akong maghanap. Second and Third floors ay puro kwarto at ang fourth naman ay ang game floor nila at ang fifth floor ay rooftop at may swimming pool rin doon. 

America & Rome: book 1 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon