'Chance'
"Ahh! Ano ba isusuot ko?" Hindi ako sanay sa mga dates okay? nagdedetae kami ni Jayden pero biglaan. Hindi scheduled. Halos natanggal ko na nga lahat ng damit sa cabinet ko. Yung iba kong damit nasa Davao. Pati yung mga loboutin ko nandun.
Wala naman kasi sa maleta ko yung iba kong damit. In short, wala akong matinong damit dito! Kaiyak diba? Anong oras na ba? 2:47 PM. Mag shopping kaya muna ako? Ayoko! Matagal ako mag shopping. Ah! Alam ko na! Tawagan ko kaya si Rese? Mangheheram ako. Hehe. Ay hindi, magpapatulong na lang ako pumili ng damit.
Agad kong dinial yung number niya. ["Hello?"]
"Rese!"
["Uh, sino to?"] Di tumitingin sa callers ID.
"Gaga! Si Ica to!" Tapos bigla siyang tumawa. Siraulo lang?
["Alam ko! Pinagtitripan lang kita! Hahaha"]
"Wow. Gandang trip ha?"
["Thanks! Oh? Ano kailangan mo?"] Kilalang kilala na talaga ako nito. Hahaha
"Hmm..punta ka dito. Hehe. Tulungan mo ako mamili ng damit."
["For?―Uy! Eli!"]
Elijah.. Uh-oh. "Date...uhm, friendly...date."
["DATE!?"] Oh no! Sana hindi narinig ni Elijah. Hala. Patay ako nito.
"No! Friendly date lang." Friendly date lang naman yun diba?
["(Who's that?)―Uh, si Ica.."] No! Ugh. Elijah..
"Tell Elijah its a friendly date!"
["Friendly date lang naman, Eli"] Nakahinga ako ng maluwag. Please buy my aliby Elijah.. Narinig ko'ng sinabi niya "I dont care, fck!"
["Eli! Pabayaan mo na! Let her have a date with the guy!"] Gusto ko hampasin yung ulo ko gamit ang kaldera. Thank God for Rese!
BINABASA MO ANG
America & Rome: book 1 (KATHNIEL)
FanficMapapansin Kaya Series I: Sa buhay, may nagpapapansin, napapansin at namamansin. Saan ako nailagay? Sa hindi namamansin. Kasalanan ko ba na hindi ko mapansin na mahal niya pala ako at ang lagi kong napapansin ay...ang ex ko na hindi naman na ako gu...