CHAPTER: 14

1.2K 27 3
                                    

 'Lean'

"Bagay kayo!" Sabi ni Nala at uminom ng inorder niya. Nandito kami ngayon sa Starbucks, nagpatulong ako sa kanya. Yung Operation: Move On. Nag skip ako ng isa.. Hehe. Hindi ko kasi kaya mag overhaul ng memories kasi mamaya iiyak lang ako. Ayoko na umiyak. Nakakasawa na. 

"Ni Rome? Kadiri ka, Nala." Kinagat ko yung donut tapos tumingin sa kanya na busy sa cellphone niya. Sino ba ka-text nito? "Oy, ano yan ha?" Tumingin siya sa akin, halatang pinipigilan niya na ngumiti. Siraulo. Tsk tsk. 

"Ha? Wala ah.." Patuloy pa rin siya sa pag type, habang kinakain ko yung donut. "Paano pag niligawan ka ni Rome?" Nilagay niya ang cellphone niya sa bag. Tapos ako tinignan lang siya at inirapan. 

"Asa. Yun? Manliligaw? Pakamatay muna ako." Tinawanan niya lang ako. "Problema mo?" 

"Kakainin mo rin yang sinabi mo!"

"Nakakain ba ang salita?" Binatukan niya ako, pero syempre bumawi ako. Inubos na namin ang inorder namin at lumabas na ng Starbucks. Balak ko na sana bumalik sa trabaho kaya lang sabi ni Nala mamaya na daw, mag shopping daw kami. Um-oo na lang ako kasi priority ko muna ang sarili ko. Pero hindi ibig sabihin nun kakalimutan ko na yung trabaho ko. Nag text na rin ako kay Rome na mamaya pa ako babalik. 

Namili kami ng mga damit, at pagtapos ay umuwi na. Ipinakuha ko na lang sa maid yung mga folders, at dito ko na lang gagawin. Dahil nag text si Amanda na tambak na daw ang mga gagawin ko. Kaya pinauwi ko na lang yung iba. Para bukas konti na lang gagawin ko. Hindi na rin kasi ako makakapunta kasi malapit na rin mag 9. Ganun katagal mamili si Nala....ako saglit lang mga 5 minutes. Joke. 

Habang inaayos ko yung mga papers biglang pumasok si Nala sa kwarto ko. "Si Jayden, tumawag.." Hindi ko siya pinansin. Tuloy tuloy lang ako sa pag-aayos ng papers. Ano ba kasi problema nila? Ako na nga yung lumalayo, lapit naman sila ng lapit. "Sabi niya, mag-usap daw kayo." 

"Wala nang dapat pagusapan pa..." Sabi ko habang binabasa yung isang article. Wala naman na kaming dapat pagusapan pa, kasi nung umalis ako iniwan ko na lahat. "Masaya na sila, bakit pa ako makikigulo? Mamaya bigla na lang magpakita sa akin si Rosetta at sasabihin niya na naman na nanggugulo ako." 

"Nagkita kayo ni Rosetta?" Tumango ako, inilapag ko na sa table yung mga papers dahil kung makikipag-usap ako, wala na akong maiintindihan. "Talaga? Nasundan ka niya dito? Wow, desperada!" 

America & Rome: book 1 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon