CHAPTER: 15

1.1K 29 1
                                    

 'Kiss'

 

Umuwi kami kaagad sa bahay dahil ipapahanda pa namin yung kwarto ni Lean. Pag dating namin ng bahay, agad na binuksan ni Lean yung TV kaya nanood muna sila ni Rome. Tapos ako, pinaayos ko na yung kwarto ni Lean. Pagbalik ko sa living room natawa ako. Si Lean nakaupo sa lap ni Rome tapos pisil pisil niya yung ilong ni Rome. 

"Ahhhh!" Sigaw ni Lean tapos si Rome natatawa lang. 

"Ferb! You look like Ferb!" sabi ni Lean kay Rome pero si Rome tawa lang ng tawa. Napansin ako ni Lean na nanonood sa kanila kaya binitawan niya yung ilong ni Rome. "Ate!" Tawag sakin ni Lean kaya napatingin sa akin si Rome. Tinaas ko yung kilay ko. "Diba kamukha niya si Ferb?" 

Oh. Phineas and Ferb. "Nah. That cartoon is lame." Sabi ni Rome tapos tinignan siya ni Lean ng masama. Tumawa lang si Rome sa kanya. Bipolar. 

 Pinapanood ko lang silang dalawa na mag asaran tapos biglang lumapit sa akin yung maid. "Ma'am, may tawag po." Inabot niya sa akin yung phone. 

"Hello?" 

["America!"] Ah. Si Nala. Naiwan pala siya doon sa bahay mag isa? Hahaha! Dapat sinama ko na lang, kawawa. Di ko siya naalala.. Haha. 

"Miss mo na ko?" Tumawa ako. Tapos nakita ko na may nakahawak sa t-shirt ko. Si Lean. Ngumiti ako sa kanya tapos hinawakan ko yung kamay niya. "What do you want?" 

["Ano? What do you want? Bakit?"]  Sabi ni Nala. Napairap ako bigla. 

"Sira! Di ikaw, si Lean. Kapati--" 

["What?! You have a brother!?"] Hinila ni Lean yung kamay ko papunta sa.... 

"Ay hindi. Sister." papunta sa tabi ni Rome.  "Ate, tabi kayo. Ako sa gitna niyo. Para family tayo." Namula ako bigla. Family? Ako mommy, si Rome ang daddy siya ang anak? My god.. Umupo na lang ako sa tabi ni Rome, at gaya nga ng sabi niya, umupo siya sa gitna. 

["Weh. Ang corny mo Ica!"]  Tumawa na lang ako. Kinalabit ako ni Lean. Tinuro niya yung cheeks ni Rome. Oh my, dont tell me... 

America & Rome: book 1 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon