CHAPTER: 11

1.2K 29 1
                                    

 

 'He hates me' 

Kumakain ako ng breakfast ko nang marinig ko ang sigaw ni Pin. Ano naman trip niya ngayon? Narinig ko ang mga paa niya na tumatakbo pababa ng hagdanan. "Ica! You need to see this! My God!" Biglang nilagay ni Pin ang cellphone niya sa harap ng mukha ko. 

Picture ni Jayden at Rosetta sa beach, magkayakap. Ngumiti ako kay Pin. "Sweet!" Kinuha ko yung phone niya at ni-like ang picture gamit ang account niya. Inaamin ko, medyo nasaktan ako doon sa nakita ko. Pero at least, medyo nakakalimot na din ako. 

Kinuha ni Pin ang phone niya mula sa mga kamay ko. "Huy! Bakit mo ni-like?" Ngumiti na lang ako sa kanya tapos uminom ako ng tubig. "Hindi ka magrereact? Hindi ka iiyak?" Binaba ko yung baso at binatukan siya. 

"Hindi! Bakit? Kailangan ko ba umiyak? Kung iiyak ba ako babalik siya sa akin? Hindi diba? Tss."  Pagkatapos ko kumain ay pinatawag ko na yung driver namin at umalis na papunta sa trabaho ko. Pagkalabas ko ng sasakyan nakita ko si Rome na nasa labas ng building hindi siya naka-polo ngayon. Naka beach shorts lang siya, white t-shirt at naka shades pa. Ano meron? 

Lumapit siya sa akin at binuksan ang pintuan ng sasakyan niya. "Get in the car." Agad akong sumakay at sinarado niya ang pinto. Pumasok na rin siya sa loob at sinimulan na mag drive. "Pupunta tayo ng Manila, next week. May kukuhain tayong records doon. " Para akong nabilaukan sa sinabi niya. Gusto ko sana umangal, pero hindi ko magawa. Dahil kahit anong gawin ko, boss ko pa rin siya at siya ang masusunod. 

"Eh saan tayo pupunta  ngayon?" Tanong ko nang biglang tumugtog ang kanta na pamilyar sa akin. 

She’s watching the taxi driver, he pulls away
She’s been locked up inside her apartment a hundred days

"She's watching the taxi driver..." pabulong na kanta ni Rome. Pero narinig ko pa rin, maganda naman pala boses niya. Tumingin ako sa kanya, patuloy niyang kinanta yung kanta. Hanggang sa dumating na sa favorite part ko. 

America & Rome: book 1 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon