'Without Sugar'
Kahapon ay nag facetime kami ni Rese at kinuwento ko sa kanya na natanggap ako sa konpanyang inapplyan ko. Nagtaka pa nga siya kung bakit daw hindi na lang ako doon sa Perez Corp nagtrabaho at agad agad naman daw akong matatanggap, walang interview pa daw ay tatanggapin na ako. Ang sinabi ko naman ay, gusto ko makaranas ng interview at makaranas na maging secretary.
"Kapag pinahihirapan ka doon, mag resign ka ha? Huwag kang magpapa-api doon dahil isa kang Perez! And no one dares to mess with a Perez!"
Natawa na lang ako doon sa sinabi niya. Naghahanda ako ngayon dahil ito ang unang araw ko sa papasukan ko. Hindi ko nga alam ang isusuot ko. Kung mag cocoat ba ako or mag dress na lang. Wala naman sinabi sa akin kung ano ang sinusuot ng secretary.
Napagdesisyunan ko na lang mag suot ng dress at lagyan ito ng blazer. At nag flats na lang ako dahil sabi sa akin ni Rese na dapat raw hindi ako mag heels. Uutusan raw kasi ako ng kung ano ano ng boss ko. Lakad daw ako ng lakad doon kaya hindi na ako mag heels.
Dumiretso na ako doon sa building at hindi ko pa rin maiwasan na maisip si Jayden. Kanina habang kumakain ako eh sya pa rin ang naiisip ko. "Miss America Perez? You're spacing out."
Nagulat ako nang tawagin ako ni Claudette. "Uh, saan ang table ko?" Tinuro niya ang table na nasa harap ko.
"Wala pang name plate yan, pero baka bukas ay lagyan na. Pinapagawa pa kasi." Sabi niya at biglang tinawag ang ibang mga katrabaho namin.
"New girl?"
"Yes, Luke. She's America Perez." Luke pala ang pangalan niya.
"Oh, unique name like sir Rome!" Sabi naman nung babae na katabi niya.
"Oo nga eh, parehong country pa." Humalakhak naman sila sa tawanan na sinabi ni Luke. Inabot sa akin nung babae ang kamay niya.
"Amanda pala, but you can call me Mandy! Ako ang secretary ng president dito. Ang mommy ni sir Rome, si Madam."
BINABASA MO ANG
America & Rome: book 1 (KATHNIEL)
FanfictionMapapansin Kaya Series I: Sa buhay, may nagpapapansin, napapansin at namamansin. Saan ako nailagay? Sa hindi namamansin. Kasalanan ko ba na hindi ko mapansin na mahal niya pala ako at ang lagi kong napapansin ay...ang ex ko na hindi naman na ako gu...