CHAPTER: 17

1.1K 40 14
                                    

 

A/N: Ah! MALI ako dun sa chapter 16! Nasa Davao na sila nung nag date sila pero sa Manila ko ginawa yung date nila. Ang gulo tuloy. Haha. So, yung Chapter 15 pinalitan ko yung isang part doon na sa Davao sila magdadate. Ginawa ko na sa Manila sila magdedate. Tapos itong Chapter 17, yung day na nasa Davao na talaga sila. Gets? Yung lang. Sana wag kayo maguluhan. Pag natapos ko na yung story, doon ko aayusin lahat lahat. Yun lang, thank youu! :) ♥

--------------------

 "Nakakainis ka" 

"Ate. Where's kuya?" Sabi ni Lean habang kumakain kami ng lunch. Kuya na ang tawag niya kay Rome. Sabi ko kasi sa kanya wag na Tito, wala lang, feeling ko parang ang tanda na ni Rome. Hahaha! Wala rin akong pasok ngayon, off ko. Pati ilang araw rin naman niya akong kasama..  Kakauwi lang namin galing Manila. Kaya medyo bangag pa ako. "Ah! Ate Nala!" Sabi ni Lean kay Nala na ginugulo ang buhok niya. Natawa na lang ako. 

"Office. May pasok yun." Sabi ko habang nilalagyan ng tubig ang baso niya. Bigla akong napatingin sa kanya, nakatingin lang siya doon sa tubig niya. Bigla kong napaisip na nag-aaral nga pala siya. Napa-iling na lang ako. Tatawagan ko na lang si Daddy mamaya. Kinuha niya yung tubig niya tapos uminom. 

"Punta tayo sa office niya." Ngumiti siya sa akin. Dont do the puppy eyes Lean.. 

Too late..  "Okay. Sige. Pagkatapos natin kumain pupuntahan natin siya." No choice. Ugh. 

"Yie. Rome!" Inirapan ko si Nala. Psh. 

---------- 

"Kuya!" Sigaw ni Lean. Wow. Saktong sakto, pagkababa namin ng elevator nandun si Rome sa table ko. Psh. Table ko yun ah? Bakit siya nandun? Nakita ko na napatingin sila Mandy kay Lean. Oh yeah guys, I have the cutest brother ever. Nakipag apir si Rome kay Lean tapos niyakap siya ni Lean. "Kuya! namiss kita!" 

Oo. Sobrang namiss ka. Walang ibang word kung hindi  "Ate si kuya?" "Ate ang gwapo ni Kuya." "Ate Kuya" "Kuya" "Kuya" Ah! Nakakainis puro siya kuya! Bakit hindi ate? Ako yung palagi niyang kasama pero kuya siya ng kuya! Lumapit ako sa kanila tapos nagulat ako kasi biglang tumayo si Rome. "Oh, upo ka." Ngumiti siya sakin. 

Wow. Ang bait ha. Umupo ako tapos kumuha siya ulit ng panibagong upuan. Nakita ko si Lean na tumakbo papunta kay Clau. Ah, kids. Madali silang makipag communicate sa ibang tao. Umakbay si Rome doon sa upuan na inuupuan ko. "Ikaw? Di mo ba ko namiss?" Conceited. 

America & Rome: book 1 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon