CHAPTER: 28

549 19 3
                                    

'Hindi ako mawawala sayo' 

"Your man's good, I like him!" Sabi ni Monte. Di ko na lang siya pinansin. "We should play with him again, Eli! Bumisita tayo sa Davao minsan." 

Kung pwede lang.. tss. Kumuha ako ng chips na hinanda ni Jash. Yogurt. I need yogurt. "Spacing out?" Napatingin ako kay Bianca. 

"Ha? Ako ba?" 

"Ay hindi, baka yung upuan!" Inirapan niya ako. "Tinatanong ko kung kailang ka babalik ng Davao?" 

"Ah... Bakit? Di ko pa alam eh." Babalik lang naman kasi ako doon para kunin ang gamit ko. Yun lang, uuwi rin ako agad. At baka pumunta rin ako ng US. Siguro doon muna ako.. 

"Wala lang, punta rin sa kami. You know? Pasyal mo kami doon!" 

"Sabihan ko na lang kayo." Tumango na lang siya sa akin. Binaling niya ang tingin niya kay Jash. Buti pa sila walang masyadong problema. Pinailaw ko ang cellphone ko. Mag 7 na pala? Bilis naman. 

"America." Napatingin ako. Si Daddy. Ano na naman ba? Tumayo na ako at nagpunta sa kanya. "Ano nangyari kanina?" 

So, ano? Magiging reporter naman ako? "Wala. Nagbasketball lang kasama sila Eli."

 "Thats all?" 

"Yup." Kairita. Sarap patayin. Umalis na siya sa harap ko. Bahala siya sa buhay niya. Umakyat na ako sa kwarto ko at tinatawagan si Rome pero hindi naman niya sinasagot. 

To: Rome

Are you busy? 

Habang hinihintay ko ang reply niya ay nanood na lang ako. Boring. Pinailaw ko ulit ang phone ko. Nagbabaka sakali na nag reply na siya..Ganun pa din. 

Walang reply. 

America & Rome: book 1 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon