CHAPTER: 01

2K 43 10
                                    

'Fix Myself' 

"Are you really sure na gusto mo itong gawin?" Tanong sa akin ni Rese na nakahawak sa kamay ni Jon. Nandito kami ngayon sa 'Perez Airlines' na pagmamayari ng kanyang Daddy.

Ang mga Perez ay isa sa kilalang mga tao dito sa Pilipinas at maging sa Abroad. Maraming napagawang mga industries ang mga Perez, isa na doon ang 'Perez Brewery Incorporated' o ang PBI. 

Tumingin ako sa kamay nilang dalawa. Na-insecure naman ako bigla, naalala ko na naman si Jayden. "Oo, doon ako magsisimula. I want to fix myself." Ngumiti ako sa kanilang dalawa. 

Ang mga bagahe ko ay nakalagay na sa private plane ni Rese. Hinihintay na lang ako ng piloto na sumakay nang makaalis na kami. Pupunta ako sa Davao dahil nandoon naman ang iba namin pinsan. Doon sila naka base dahil sa business.

Ayoko naman umalis pero kailangan. Kailangan dahil para sa akin din naman ito. Silang dalawa na ang naghatid sa akin dito at hindi na hinayaan si Mommy para maghatid sa akin. Dahil panigurado na kapag siya ang naghatid sa akin ay hindi na ako makakaalis dahil iiyak ako. 

"Sige, but be sure to come back. Okay?" Tumango ako at niyakap sila pareho. Umakyat na ako ng eroplano at agad naman itong pinaandar ng piloto. 

I will start a new life there. Doon ako magsisimula ulit. Because I am America, and America can do anything. 

Hindi pa ako nakakapunta ng Dvao pero kakayanin ko at susubukan ko mamuhay ng normal. Kakalimutan ko lahat ng ginawa sa akin ng lalaking kinamumuhian ko ngayon. 

Jayden Martin is his name.

"Ica, baby.. I wont leave you." Sabi niya sa akin nung mga panahon na masaya pa kami. "Youre my life, my everything, my forever.." 

He's 21 years old. Mas matanda siya sa akin ng isang taon. I believed in him, every word he said. Naniwala rin ako na happy ending kaming dalawa. But I was wrong, really really wrong. Hindi pala kami happy ending. He used me, he sued me as his rebound. 

Rosetta is his his girl. Nakilala niya sa University na pinapasukan ko. Sa Hawtorn University. Naging sila for almost 2 years, at hiniwalan ito ni Rosetta dahil ayaw ng mga magulang ni Rosetta kay Jayden. 

At ako naman, nakilala ko si Jayden sa Sweet Leaf. Nandoon ako dahil birthday ni Bianca, ang ate ni Rese. Nagpaparty kami noon at naisipan kong sumayaw. Nakipag sayaw sa akin si Jayden. We exchanged numbers. Lasing siya noon alam ko, hindi ko alam ang dahilan at ngayon ko lang napagtanto na dahil pala kay Rosetta ang pagka lasing niya noon. 

We arrived at Davao. 

New Life, New Me.

I am going to fix myself. 

America & Rome: book 1 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon