CHAPTER: 25

672 24 7
                                    

 'Crash us down'


Tahimik lang ako buong biyahe, habang ang mga pinsan ko ay pinaguusapan ang gusto nila mangyari mamaya. 


Bumaba kaming lahat. This is it. Hinintay ako ni Elijah sa may entrance. "I know what's gonna happen.." Tumingin ako sa kanya. 


"What do you mean?" Pero  hindi niya ako sinagot. Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng room ni Dad. 


Unang pumasok si Fran. Ako ang huling pumasok. "I want to meet that Romeo Damien." Sabi sakin ni Dad kaya napatingin ako sa kanya agad. "Papuntahin mo siya dito with his parents." Hindi ako kumibo. "I want to meet him as soon as possible." 


"He's busy." 


"I dont care. Gusto ko by saturday nandito na siya." 


"You want to meet him? How? Eh nandito ka pa nga sa hospital!" 


"No. By tomorrow, magpapaout na ako dito. Let's have a dinner with his family." 


This is why.. Kaya kumpleto kaming magpipinsan, may plano sila. Lumabas ako agad. I dont want to cry in front of them. It hurts to know na ayaw nila kay Rome. Kahit hindi nila sabihin, ramdam ko iyon. 


Sumunod sa akin si Elijah sa labas. "Trust me, okay? This is for your own good." For my own good? Asshole! Hindi ito para sa akin, para sa inyo 'to! 


Maya maya ay lumabas ang mga pinsan ko. Nagyaya sila na magpunta na sa bahay. Doon na din daw sila matutulog. Pinabayaan ko na lang sila sa gusto ko. Huminto muna kami sa 711 para bumili ng beer. Mga kababaeng tao, ang hilig uminom. 


"Lets watch a movie!" Sabi ni Jash pagkapasok sa bahay. Sabi ko sila na lang at nagkunwaring inaantok. But in the end, napilit din nila ako. No choice. 


"Minsan lang tayo makumpleto. Wag kang KJ!" Sabi ni Bianca. 


Hinanda na nila ang foods at mga papanoorin namin. "Saan na yung popcorn?" Tanong ni Fran. Si Jash naman ay nilapag na yung mga beer sa table. Oh god. We're going to watch a movie tapos maglalasing sila? Baliw talaga. 


To: Rome

Hey, can you ask your parents? Gusto kayo mameet ni Dad. 


There. I finally got the guts to tell him. 

"Ano ba ang papanoorin natin?" Tanong ni Elijah kay Jash. I can tell that he's really bored, whatever, ako rin naman bored na bored na. 


"Horror." Sagot ni Jash habang nilalagay ang DVD na Carrie sa player. This movie isnt scary. Bakit ito ang naisipan nilang panoorin? 


"Gay. We should watch po--" Binatukan ni Elijah si Monte. What the hell. 


America & Rome: book 1 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon