CHAPTER: 04

1.4K 45 16
                                    

'Stik-o'

"America." Tawag sa akin ni Sir Rome. Kaya naman nagmadali akong pumunta ng office niya. 

"Yes Sir?" Sabi ko. Nakita ko siyang nakaupo doon sa swivel chair niya at may inaayos na mga papers. At may ballpen naman na nakasubo sa bibig niya. Busy man, eh? 

Tinanggal niya ang ballpen sa bibig niya para makapagsalita. "I dont like how the coffee taste." Sabi niya kaya nanlaki ang mata ko. Oh no, dont tell me he's going to fire me? 

"Is that so, Sir Rome? Should I make a new one?" Umiling siya at sumulyap sa akin. Tumaas ang kilay ko. Hindi niya nagustuhan ang coffee na ginawa ko? The hell? Ayaw niya ng may sugar eh. I dont even know how to make coffee without sugar. Kahit na may milk at cream pa 'yon! 

"No. Just get me some stik-o. Sa cafeteria." Napakagat ako sa labi ko. Gusto kong tumawa, para siyang bata! Nagpapabili sa akin ng stik-o. Damn, ang tanda na niya but stik-o pa rin ang hanap niya? 

"Oh..kay Sir. Ilan po?" 

"Get me twenty." Sabi niya at ako naman ay lumabas na kaagad ng office niya dahil tawang tawa na ako. He wants twenty stik-o? What a man. Nagpunta na ako ng cafeteria para makabili na ako ng stik-o niya. Nakita ko si Claudette na nakapila for foods. At nakita niya rin ako kaya naman ngumiti siya. Ngumiti rin ako sa kanya at may sinabi siya. 

"Stik-o?" Sabi niya. Alam niya? Tumango ako sa kanya at ngumiti. Tumango rin siya at nagpatuloy na para sa bibilhin niya. Hinanap ko ang nagbebenta ng stik-o. At nang makita ko ito ay bumili ako ng twenty. At agad akong pumanhik sa office ni Sir Rome. 

"Sir, ito na po." Inabot ko sa kanya ang stik-o na pinabibili niya at kinuha niya naman ito. Hininto niya ang ginagawa niya at tumingin sa akin bago sumubo ng stik-o. 

"You want?" Umiling ako. "Alright, thats good then. Because I dont share my stik-o." Muntik na akong umirap sa sinabi niya. Magtatanong siya kung gusto ko ng stik-o tapos ganun? Aba matinde! 

"America, you might want to sit down." Sabi niya at kumagat sa stik-o niya. Umupo ako, dahil sinabi niya eh. At wala naman siyang pinapagawa. Nangangalay din ako. Tao din kasi ako. "Whats your ideal man?" 

America & Rome: book 1 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon