CHAPTER: 05

1.4K 47 2
                                    

'meeting'  

 

Meeting here. Meeting there. Meeting everywhere. Yung feeling na gusto ko na mag resign pero hindi ko magawa? Gusto ko kasing asarin yun boss ko eh. Alam mo na, madaling maasar yun eh. "America, in my office." Sabi ng boss ko kaya naman sumunod ako sa kanya papuntang office niya. 

"Sir?" Sabi ko at iniabot niya sakin ang 50 pesos. 

"Bili mo ako ng stik-o." Na naman? 'Di ba siya nagsasawa sa stik-o? 

"Sir lahat 'to?" Sabi ko. Tumango siya. Ano? 50 pieces na stik-o? Pero 'di na ako nakipag away at bumaba na lang ako sa cafeteria para bumili ng stik-o niya. Hindi ba siya nagsasawa sa stik-o? Bumili ako kaagad ng stik-o, at tatlong plastik ng stik-o ang hawak ko. 

Siraulong Romeo talaga yun! 'Di niya ba naisip na mahihirapan ako? Tss. Bumalik na ako ng office niya at nilapag ang stik-o niya sa table niya. Kinuha niya yung isa tapos kumuha ng tatlo at sabay sabay sinubo. The hell, manners please? 

"May meeting mamaya. Tatawagin na lang kita." Sabi niya tapos kumagat ulit ng stik-o. Tumango na lang ako at lumabas na para magpunta sa table ko. 

Tumambay ako sa table ko nang lapitan ako ni Claudette na may hawak na kape. "Bakit ganun, America?" Tumingin ako sa kanya. Anong sinasabi nito? 

"Anong bakit ganun?" Inilapag niya ang kape sa lamesa ko at ngumiti siya. "Puro America ang sinasabi ni Madam." Tumawa siya ng malakas. Oh, sana naman hindi kumalat yun. Tss. 

"America, America, America, bla bla bla." Nagulat ako dahil may biglang umakbay sa akin sa likod ko. Si Claudette. "Huwag niyo pahihirapan si America, bla bla bla. Gosh! May favoritism ata si Madam?" 

"Huh? Impossible! Isang beses pa lang kami nagkikita." Umiwas ako ng tingin. Kinabahan tuloy ako bigla, kasi baka kapag kumalat asarin nila ako. Psh, pagtitripan ko lang naman si Rome eh. Hehe, sama ko talaga. 

"Eh bakit parang favorite ka?" Biglang singit ni Luke na may hawak na folder. Napataas na lang yung kilay ko. 

"Alam niyo, wala akong pakialam kung favorite ako ni Madam. Tss, basta ginagawa ko yung trabaho ko." Sabi ko at saktong lumabas si Rome sa office niya ang tinignan kami. 

America & Rome: book 1 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon