'Thump. Thump.'
"Mama's here?" sabi ni Rome habang papasok kami ng building. Matagal ko nang hindi nakikita si Madam. Pumasok kami sa elevator.
"Ano iniisip mo?" Napatingin siya sa akin tapos ngumiti.
"Wala.." Hindi na ako sumagot. Baka ayaw niya talaga sabihin, ayaw ko siyang pilitin. Bumukas yung elevator hinawakan niya yung kamay ko tapos lumabas na kami.
Nakita ko si Clau na kasama si Luke habang kumakain. Si Mandy kinukulit naman ni Caspian. Napapadalas si Caspian dito ah?
"Sir Rome, hinahanap po kayo ni madam." Sabi ni Mandy kaya napatingin sila Caspian sa amin tapos si Luke kinalabit si Clau tapos may binulong siya kay Clau. Nakita ko na pasimple na tumingin si Clau tapos tumawa siya. Eh? Pinaguusapan ba nila kami ni Rome?
"Sige, susunod ako."
"Pati daw po si America isama niyo." What? Pati ako kasama?
"Ah ganun ba.." Tumingin siya sakin. "Tara, puntahan natin si Mama." tumango na lang ako tapos sumunod na ako sa kanya. Pag pasok namin ng office ni Madam, nakaupo siya sa swivel chair. And as usual, she looks like a perfectionist pero playful. Parang si Rome..
"Ma, pinapatawag mo daw kami." Tumayo si Madam tapos lumapit sa amin.
"Uhm, good aft-"
"Hello my dear America!" Niyakap niya ako bigla. Oh. Wow.
"Mama naman.. pinapahiya mo ako." Kumalas si Madam sa pagkakayakap sa akin tapos tumingin siya kay Rome.
"Damien, niyayakap ko lang naman si America." Nagulat ako nung nag pout siya. Oh my god.
"Ma! Dont pout! Youre not a kid anymore." Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanilang dalawa or maiinis kasi wala naman palang sasabihin na importante.
BINABASA MO ANG
America & Rome: book 1 (KATHNIEL)
FanfictionMapapansin Kaya Series I: Sa buhay, may nagpapapansin, napapansin at namamansin. Saan ako nailagay? Sa hindi namamansin. Kasalanan ko ba na hindi ko mapansin na mahal niya pala ako at ang lagi kong napapansin ay...ang ex ko na hindi naman na ako gu...