CHAPTER: 23

746 20 2
                                    

 'Im gonna miss you'

 

Pumasok ako ng building na namamaga ang mata. Nakakainis! Pagkabasa ko ng text niya, tinawagan ko siya agad. Pinilit ko siya na next month na lang. Pero ayaw niya. Dapat daw within 2 weeks ay nandoon na ako sa Manila. At isa pa, dapat lahat ng galaw ko maayos, dahil parang pinapasundan ng ako. Isang maling galaw ko lang, sigurado ako may magsasabi sa tatay ko. 

Binaba ko yung gamit ko sa table at padabog na umupo. Naiirita ako sa buhay ko. Naramdaman ko na nakatingin sila Clau sa akin. Pero hindi ko na lang pinansin. Wala akong balak na pag-aksayahan sila ng oras ngayon. Basta ang alam ko lang, gusto ko na umuwi at matulog. At sana kapag natulog ako, hindi na ako magising. Or sana, pag gising ko, okay na lahat. 

Biglang nag vibrate yung phone ko. Ugh. Ito na naman.

I was surprised na hindi pinsan ko ang nag text.

From: Nala Brian

Bodyguards. Hinahanap ka nila.

 

The hell. Akala ko matutuwa na ako dahil hindi pinsan ko ang nag text. Pero nung binasa ko, nairita lang ako lalo. Hindi na ako nagreply dahil alam ko naman na sasabihin ni Nala kung nasaan ako. At alam ko rin na anytime ay dadating sila.

Kinuha ko yung mga inuwi kong folder sa bag ko at tumayo para ibigay na kay Rome. 

Sana kapag nakita ko siya, mawala na yung init ng ulo ko. 

Pagpasok ko ng office niya, nakaupo siya habang tutok na tutok siya sa screen ng laptop. Napansin ko rin yung long sleeves niya na nakasabit sa swivel chair niya, naka v-neck shirt lang siya. Im easily attracted kapag ang isang lalaki ay naka vneck shirt. Hot at malinis kasi silang tignan. 

Pinatong ko yung folders sa table niya kaya tumingin siya sakin tapos ngumiti. Pero nawala agad yung ngiti niya. "Whats with your eyes?" 

"Ha? Uhm, di ako makatulog kagabi." Umiwas ako ng tingin. 

"Dont lie to me." I bit my lip. Magsasalita na sana ako pero biglang may kumatok. "Come in." Pumasok si Mandy tapos tumingin sakin. 

America & Rome: book 1 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon