CHAPTER: 08

1.3K 30 6
                                    

 'Coffee' 

Pagkauwi ko ng bahay nakita ko na bukas yung TV sa living room tapos yung electric fan nakatapat sa may sofa. Papunta na ako doon sa TV para patayin nang biglang may tumawa. Tapos pag-tingin ko doon sa sofa, nandoon si Fran na nakahiga tapos nakatingin sa akin. "Oh? Parang nakakita ka ng multo ah!" Nanlaki yung mata ko. 

"Ano ginagawa mo dito!?" Kinuha ko magazine na nakapatong sa lamesa tapos binato ko sa kanya. "Hindi ka nagsasabi na pupunta ka pala dito!" 

Tinawanan lang niya ako. "Pinapunta ako dito ni Mommy! Sabi niya baka nagpapakamatay ka na daw. Ayoko nga sana pumunta e, kasi naghahanap ako ng boylet ko. Tch, panira ka! Epal ka!" Hinagis niya sa akin pabalik yung magazine. Pero nakaiwas ako kaya tumama iyon doon sa TV. 

"Umuwi ka na, 'di naman ako nagpapakamatay eh. Yung puso ko lang pero yung sarili ko hindi! Tanda tanda mo na wala ka pa ring boyfriend! Tatanda ka'ng dalaga!" Tumawa ako tapos pumunta ako sa kanya tapos dinaganan siya. 

"Aray! Hoy mabigat ka! Mukha ka'ng magaan pero mabigat ka! Alis!" Tinulak niya ako kaya muntik na ako mahulog sa sahig. "And sorry, hindi ako tatanda ng dalaga. Baka ikaw pa nga ang tumanda ng dalaga!" Tumayo na ako tapos umupo doon sa bean bag chair. 

"Bakit ako tatanda ng dalaga?!" Inirapan ko siya. 

"Ica, may amnesia ka ba? Hello! Family friend kaya natin si Claudette. So nai-kwento niya sa akin ang lahat." Nagulat ako doon sa sinabi niya. Kaya ba parang may alam si Claudette sa mga nangyayari sa akin? Bakit hindi niya sinabi sa akin na family friend pala namin siya? 

"Hay sister! Kung ako sayo susunggaban ko na yung Romeo na yun!" Binato ko siya ng unan. Ano daw? Sunggaban?! Mga term nito! 

"Ayoko nga kasi! Masasaktan ko lang siya..." Tumayo siya tapos sumiksik sa akin. "Doon ka nga! 'Di tayo kasya dito, ang taba mo!" 

"Uy asa ka! Ikaw ang mataba. America, alam mo kung ano ang kailangan mo? Yung tao na gagamot diyan ulit." Sabi niya sabay turo sa puso ko. "Huwag ka'ng magpaka-tanga lang sa iisang tao! Iniwan ka na nga tapos nagtatanga-tangahan ka pa din!?"

Tanga. Yan ang perfect word para i-describe ang isang America Perez. "Diba, ganun naman talaga kapag nagmamahal ka? Nagiging tanga ka?" 

America & Rome: book 1 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon