CHAPTER: 07

1.3K 49 2
                                    

 'Ako na papalit' 

"Oh, ano balita?" Sabi ni Claudette sa akin saktong pagbaba ko ng bag ko sa table ko. Tumingin lang ako sa kanya. Anong ibig niyang sabihin? Anong balita saan? Sa amin ni Jayden? Bakit may alam ba siya? 

"Ano balita sa inyo ni Sir Rome?" Sabi niya na para ba'ng nabasa niya ang isip ko. Umiling ako sa kanya. 

"Wala. Friends lang kami, bakit?" Tinignan ko yung folder na nakalapag sa table ko. Pagbukas ko puro files ng mga investors. Wala naman akong gagawin dito eh, aayusin ko lang naman in order. Tapos papapirmahan ko na kaagad sa kanya. Umupo ako at sinimulan na ayusin. Pero si Claudette hindi pa din umaalis sa tapat ko. 

"May past ka no?" Hindi ko siya pinansin. Sobrang big deal ba kapag may past ang isang tao? "Ano nangyari?" 

Tumigil ako sa ginawa ko tapos tumingin sa kanya. "Wala, niloko ako. Yun lang." Sabi ko tapos tumingin na ulit doon sa ginawa ko. Ganun ba talaga kapag nagmahal ka? Masasaktan ka talaga? 

"You know what, lahat ng tao ay normal, lahat ng tao may mga flaws din yan. Parang ako, at minsan kailangan rin natin mag share sa iba hindi yung sa'yo lang. Paano mo mailalabas kung ayaw mo naman? Kasi hindi lahat ng problema, nasosolve mag isa. Minsan kailangan mo rin ng kadamay. Hindi mo alam na may isang tao pala na gusto kang tulungan pero ikaw naman 'tong tulak ng tulak palayo sa kanya. Kaya kung may mga tao na lapit ng lapit sa'yo para pasayahin ka, pabayaan mo. Sa buhay kailangan natin matuto, at matututo lang tayo kung gagawa tayo ng bago na hindi pa natin nasusubukan. Kaya wag kang matakot na sumubok ulit." 

Hindi ko alam kung ano ibig sabihin niya na tinutulak palayo dahil wala naman talaga akong tinutulak palayo. Pero yung sinabi niya na kailangan ko mag share ng problema sa iba, nakuha ko ang ibig sabihin nun. Pero ang tanong, kanino? Kay Rese? Ayoko. Sawang sawa na ako masermonan yun. Kay Frances? Wag na lang.. 

Pagkatapos ni Claudette sa speech niya ay pumunta na siya pabalik sa table niya. Ako naman, tinuloy ko na ang ginawa ko. Pero hindi ako makapag-focus dahil sobrang naguguluhan ako doon sa sinabi niya. Anong ibig sabihin niya? May tinutulak ba ako palayo? 

Biglang nag vibrate ang phone ko. 

Unknown number.  

From: 09********

America & Rome: book 1 (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon