[07]~Unexpected Mutual Feelings

18.9K 373 5
                                    


Lia's POV,

Oo, mahal ko na si Evan mula ng nakilala ko siya, mula ng naging malapit kami sa isa't isa, mula ng masaktan siya ng unang babaeng minahal niya.

Akala ko hindi aabot sa punto na mamahalin ko siya sa lahat ng oras at araw na palagi niya ko sinasabihan ng problema niya at kung paano niya sakin inilalabas kung gaano kasakit ang nararamdaman niya sa tuwing naiisip niya ang pag iwan sakanya ng babaeng mahal niya.

Kasalukuyan kaming nasa ilog hanggang ngayon pagkatapos kong sabihin kay Evan na narinig din ng dalawa niyang kapatid kasama sila Hazelle at Elyzza, lahat sila nagulat sa bigla kong pagsabi ng totoong nararamdaman kay Evan.

Tinignan ko naman si Evan sa reaksyon ng mukha, nakita ko ang malaking pagkagulat sa mukha niya hanggang ngayon. Ang cute niya parin talaga kahit mukha siyang ewan ngayon.

"Huy Evan ok ka lang?" Tanong ko sakanya.

Parang gwapong tulala.

Mukha namang natauhan na siya pagkatapos ko tawagin ang pangalan niya, Pikit dilat pa nga ang mata niya na para ba ngayon lang talaga nabalik sa ulirat niya... Gwapong cute talaga 'tong lalaking 'to kaya mahal na mahal ko talaga siya.

Napangiti nalang ako dahil sa totoo lang hindi ko na talaga mapigilan ang kilig na nararamdaman ko.

Bigla rin naman ako nanigas sa kinatatayuan ko ng bigla rin siyang tumingin sakin.

Mendoza wag mo ko titigan ng ganyan!

Nag wala na ang mga alaga sa tyan ko ng isang nakakakilig nangiti ang sumilay sa labi niya.

Huwag ka rin ngymiti ng ganyan Mendoza maawa ka baka lumala yung kondisyon ko na mas mahalin ka! Baka sobra na ko maadik sayo at hindi ko na magawang mabuhay ng wala ka, OA na ko alam ko yon pagpasensyahan niyo na po ang loka loka kong pag iisip.

"Are you really confessing to me right now?" Tanong nya.

"Hindi, nadulas lang ako kaya wag ka ngang ngumiti dyan na parang wala ng bukas!" Depensa ko, Syempre pakipot parin tayo ng kahit konti diba.

Sa sobrang laki ng ngiti niya ay parang mapupunit na ang pisngi nito, ang gwapo talaga niya lalo pag nakangiti pero bago ko makalimutan na Hard to Get nga pala ako ay ititigil ko na ang muling pagpapantasya ko sa kagwapuhang taglay niya.

"Ikaw talaga Lia babes hard to get ka pa sakin ha? Mahal mo rin naman pala ako eh" sagot nya at kinindatan pa ko.

Tusukin ko mata nya eh!
Joke ayoko ngang mabulag ang Evan babes ko!
Evan babes na talaga tawag ko noh?
Landi ko na putek hard to get nga pala ako!

Pinigilan ko ang sarili ko ipahalata sakanya na kinikilig ako at inirapan nalang siya.

"Paano ba yan Lia Babes, the feeling is mutual... Gawin na ba natin official 'to? Tayo na ba talaga? Sinasagot mo na ko?" Sunod sunod niyang tanung ng nakapaskil parin sa pagmumukha niya ang kasiyahan na na e-excite.

Nanlaki naman ang mata ko at umiwas ng tingin sakanya.

Kami na nga ba? Hindi naman sa ayaw ko pero Hard to get dapat ako at kapag sinagot ko siya agad ngayon, hindi pa talaga pwede Lia hindi pa ito ang tamang oras.

"H..hindi parin noh! Wag ka ngang feeling! Isang buwan mo pa lang ako nililigawan!" Pagdadahilan ko.

Magtiis ka muna sa Hot features niya, mapapasayo din yan in the right time.

Napanguso naman siya sa sinagot ko.

Parang nakonsensya naman ata ako, Bawiin ko nalang kaya? Pero may iba pa namang araw at oras para sa panahon na yon... konting hintay pa Evan babes.

I Unexpectedly Loved You (SERIES 1)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon