[60]~Gr. 10 Womanizer

14.5K 242 0
                                    


Hazelle's POV,

2 linggo ng wala dito si Dylan. At halos isang linggo ma syang hindi nagpaparamdam. Ilang beses ko syang sinubukan tawagan pero ayaw nyang sagutin. Teka.... wag naman kayang.... MAY NAHANAP SYA AGAD NA IBA DON?

"Huy Hazelle, nakikinig ka ba?" Biglang sabi sakin ni Elyzza.

"H..ha? May sinasabi ka ba?" Sagot ko.

Biglang naman syang umirap.

"Kanina pa ko nagsasalita dito wala ka naman palang naintindihan" aniya.

"Sorry may iniisip lang ako" sagot ko.

"Si Dylan nanaman ba?"

"O..oo eh. Kasi naman isang linggo na syang hindi nagpaparamdam" ani ko.

"Hay nako miss mo lang kasi eh noh. Wag ka ngang mag isip ng kung ano ano. Malamang busy yun sa pagbabantay at pag aalaga sa tatay nya" sabi nya.

"Sigurado ka yun ang ginagawa nya dun? Baka naman may iba na sya don?" Sagot ko.

"Ewan sayo apaka paranoid mo talaga. Wala ka bang tiwala sakanya? Tsaka mag isip isip ka nga, ilang linggo palang naging kayo sa tingin mo papaltan ka nya agad? Di pa sya sawa sayo wag ka mag alala, ARAY MAKAHAMPAS KA NAMAN!"

Binatukan ko kasi. Lalo akong pinapakaba eh!

"Grabe nakakatulong ka talaga eh noh!? Pabayaan mo na nga lang ako at isipin mo yang LQ nyo ni Levi" sagot ko at iniwan sya dun sa may bleachers.

Bigla naman akong may nakabanggang isang lalaki kaya muntikan na kong nadapa, buti nasalo nya ko.

"Okay ka lang...Hazelle?"

"F..felix?"

Tinayo na nya ko.

"Bat ngayon ka lang nagpakita? Simula nung naging ka-" hindi ko na sya pinatapos.

Hazelle, may Dylan Chua ka na, move on ka na sakanya diba!?

"U..uhm busy kasi talaga ako kaya pasensya na hindi na kita nakakausap, sige ah una na ko" palusot ko

Agad akong naglakad palayo sakanya pero bigla nyang nahatak ang braso.

"Iniiwasan mo ba ko?" Tanong nya kaya napaiwas ako ng tingin.

"H..hindi, bat naman kita iiwasan?" Palusot ko ulit.

"Bat nga ba?" Tanong nya ulit.

"Felix, may girlfriend ka na, tapos na ang misyon ko sayo diba? B..bat pa tayo magkikita?"

"Bakit hindi ba tayo magkaibigan?"

Natahimik ako sa tanong nya.

"H..hindi mo maiintindihan kung sasabihin ko sayo" sabi ko

Bumuntong hininga naman sya.

"Kung ano man ang rason mo, I hope one day malaman ko din yan. Pero please, wag mo naman akong iwasan. Pakiramdam ko kasi, nawalan ako ng isang matalik na kaibagan, isang importanteng kaibigan, ikaw yun Hazelle" aniya

Agad ko naman sya yinakap at naramdaman ko rin ang pagyakap nya sakin.

"Im sorry" yun nalang ang nasabi ko.

"Kung una siguro kita nakilala, baka ikaw ang minahal ko" aniya

Pero hindi talaga kami ang para sa isa't isa. May iba ng nagmamay ari ng puso nya, at ganun din ang puso ko.

***

Elyzza's POV,

Naglalakad ako ngayon papunta ng classroom ng biglang may humatak sakin at hinatak nya ko papunta sa may storage room.

I Unexpectedly Loved You (SERIES 1)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon