[01]~Ang Simula

73.3K 843 26
                                    


Hazelle's POV,

My full name is Hazelle Lynne Mendoza. I'm a Grade 11 student and 17 years old. Naghahanap pa ko ng bagong school na papasukan and gladly, nakatanggap ako ng scholarship mula sa isang magandang University. Mayayaman lang daw ang nakakapag aral doon. Well, hindi naman kami mayaman. Nagkataon lang na naging Valedictorian ako nung High school kaya nabigyan ako ng scholarship.

Nakakalungkot nga lang dahil hindi ko na makakasama ang mga kaibigan ko noong nakalipas na taon, mahihirapan nanaman siguro ako makipag-interact sa mga estudyante duon because of their status. Pero ayos lang, mababait naman daw lahat ng estudyante 'don kaya wala naman siguro akong makakaaway.

"Hazelle kailangan mo ba talagang lumipat ng ibang school? Nakakalungkot naman at hindi na tayo magkakasama ni Elyzza ngayong taon" Sagot ni dahlia sakin.

Sya nga pala si Dahlia Doringuez o kadalasan ay Lia ang tawag namin sakanya. Sya ang matalik kong kaibigan mula kinder hanggang nag high school kami. Ngayon lang kami magkakahiwalay dahil nga sa scholarship na natanggap ko.

Magkapit bahay lang din kami kaya madalas nandito sya sa bahay namin katulad ngayon. Nalaman niya kasi na lilipat na nga ko ng eskwelahan kaya sumugod sya kaagad dito.

"Gustuhin ko man na hindi lumipat kaso may natanggap kasi akong scholarship, sayang naman kung hindi ko tatanggapin diba?" Sagot ko.

Ngumuso sya. Hilig talaga magpacute ng babaeng to.

"Ano pa nga ba magagawa ko? Naiintindihan ko naman tsaka mag-kapitbahay lang tayo kaso, paano si Elyzza? Bihira na sigurado tayo magkikita kita ng magkakasama. Alam mo namang malayo bahay niya satin"

"Oo nga eh, sabihin nalang natin na lumabas tayo every weekend na tatlo o kaya pag may oras siya, pwede sya dumalaw dito. Alam naman nya papunta dito diba?" Sagot ko.

"Pwede rin, sige tanungin ko mamaya. Nga pala nasaan mga kuya mo? Ang tahimik dito sa bahay niyo ah?" Nagpalingon lingon siya sa buong bahay namin na para ba may hinahanap.

Si Elyzza Frances Hermido ang isa ko pang matalik na kaibigan. Galing sa mayaman na pamilya. Oo mayaman si Elyzza at kami lang ang nakaka alam non. Dahil nga sa mayaman sya, nakatira sya sa magandang subdivision kaya talagang sa school lang kami nagkikita.

Sa tatlo ko namang kapatid, Panganay sakanila ang kambal kong Kuya. Oo may kambal akong mga kuya, maraming namamangha sa tuwing nalalaman nila 'yon pero para sakin wala naman pinagkaiba sa iba 'yon na may kuya rin.

Ang pangalan nila ay Ethan at Evan. Si Kuya Ethan ay matanda lang ng 5 seconds kay Kuya Evan.

Parehas silang 4th year collage na sa darating na pasukan. 21 years old na sila ngayon.

Si Kuya Ethan ay ang pinaka suplado sakanilang tatlo kong mga kuya. Panganay kasi kaya ang suplado. Ewan ko ba dyan napaka lamig makitungo sa kahit sinong tao. Kung ano daw ang iki na 'hot' ng itsura nya, kabaliktaran naman non ang malamig niyang pag uugali. Hindi ko naman talaga maitatanggi na gwapo talaga si Kuya Ethan kaso nga lang dakila talagang suplado pero ayos lang sakin, alam kong mahal parin niya ko.

Si Kuya Evan naman ay ang dakilang 'babaero'. Napaka chick boy ng kapatid kong yan. Bukod sa pagiging babaero niya ay napaka bilis pa mapikon. Pag binibiro namin sya ni Lia napaka bilis mag init ng ulo. Dahil kambal sila ni Kuya Ethan, syempre parehas silang gwapo. Pero hindi ka naman malilito sa kanila kahit magka mukha sila dahil si Kuya Evan ay palabati samantalang si Kuya Ethan naman ay hindi. Suplado nga kasi.

Sa pangatlo kong kuya, ang pangalan nya ay Matt Jackson Mendoza. Kuya Matt ang tawag ko sakanya. 3rd year collage na sya sa darating na pasukan. 20 years old na sya.

Ang kuya ko namang ito ay napaka kulit. Ewan ko kung bakit pero napaka kulit talaga at parang isip bata. Pero matakot kayo pag nagalit yan. Terror kapag nagalit yan kaya kung ako sainyo, wag na wag ninyo siyang gagalitin. Pero hindi naman sya nananakit pag nagagalit, naninigaw lang siguro? Pero kahit magalit siya, mukha paring anghel ang mukha.

Sa tatlo kong kuya ang pinag kapareha nilang lahat ay napaka sweet nila pagdating sakin, kay Kuya Ethan may pagka cold parin pero kahit papaano pinaparamdam niya parin na sweet siya sa simpleng paraan.

"Malay ko sa mga 'yon. Malamang si Kuya Evan naghahanap nanaman ng babae, si Kuya Ethan baka nasa tabi tabi lang at nananahimik sa isang tabi, si Kuya Matt naman baka naglalaro nanaman ng basketball sa court" sagot ko.

"Alam mo ibang klase din talaga ang mga kuya mo, ang gagwapo pero iba iba mga ugali" sagot ni lia.

"Sinabi mo pa, pero bakit hanggang ngayon ayaw mo parin sagutin si Kuya Evan?" Tanong ko.

Oo nililigawan ng dakilang babaero kong kuya ang bestfriend ko. Pati bestfriend ko pinatulan at hindi pinaglagpas. Sinubukan ko siya pigilan pero ayaw niya talaga magpaawat.

"Utot nya noh! Alam kong magsasawa rin yun at titigil! Alam mo namang napaka babaero ng kapatid mong 'yon" Sagot ni lia.

Mabuti at hindi katulad si Lia ng mga ibang babae na niligawan ni Kuya Evan, hindi siya mabilis na nadadala sa mga ginagawa o sinasabi ni Kuya.

"Oo nga hayaan mo na si Kuya Evan. Kilala ko 'yon, hindi siya nagtatagal ng isang buwan manligaw. Kapag hindi parin siya sinasagot ng babae niya, tumitigil narin sya. Ayaw sa mga 'hard to get'. Malas nga lang niya sayo, 'hard to get' ka."

Hindi ko rin maintindihan si Kuya, alam kong alam niyang hindi madaling ligawan si Dahlia. Pero bakit parang desidido siya rito na mapasagot ng Oo?

"Oo nga, kung maghahanap lang sya ng easy to get na babae? Mali sya ng napili nya. Hindi ako katulad ng mga babaeng nililigawan niya noon" Paniniguro naman ni Lia.

Nagtawanan nalang kami. May biglang pumasok sa isip ko.

"Diba mag iisang buwan ka ng nililigawan ni kuya? Edi malapit na syang tumigil?" Pag alala ko habang nakakunot ang noo.

"Ewan ko sakanya, pero p..paano kung tumagal ng isang buwan ang panliligaw nya?" Tanong ni lia.

"Hindi rin ako sigurado sa tumatakbo ngayon sa isip ni Kuya pero, may mas malalim na siguro siyang dahilan o nararamdaman kung sakaling umabot na ng ganoong katagal ang panliligaw niya. Bago kasi naging babaero si kuya Evan, nagka girlfriend na siya. Niligawan niya 'yon ng 2 taon" sagot ko.

Nanlaki naman ang mata nya.
Malamang nagulat sya. Ngayon ko lang nasabi sakanya na may dating karelasyon si Kuya Evan.

"Oo nagka girlfriend na si kuya. Kaso, hindi nagtagal ang relasyon nilang dalawa dahil nag ibang bansa yung babae. Sinubukan ni kuya na pigilan siya umalis pero tumuloy parin. Kaya ayun... simula noon naging babaero na si kuya. Sa tingin ko, minahal nya talaga ang babaeng na 'yon" Pagkwento ko sakanya.

Nakita ko naman ang pagka tulala ni Lia.

"Huy Lia ayos ka lang?" Tanong ko na may medyo pag alala sa boses.

Natauhan naman sya ng nagsalita ako ulit.

"H..ha? Ah Oo... may na alala lang ako" sagot nya.

Tumango na lamang ako at nagsimula na siyang magkwento tungkol sa ibang bagay.

I Unexpectedly Loved You (SERIES 1)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon