Special Chapter [02]

14.3K 242 10
                                    


Authors Note:
Kamusta po ang special chapter nina Ethan at Drianne?  Kinilig po ba kayo? Sana po nagustuhan nyo ang special chapter nila:) Ngayon naman po ay tunghayan natin ang special chapter ni Lia at Evan, The Lia babes and Evan babes edition.

___________________________

Special Chapter [02]:

Dahlia Doringuez and Evan Mendoza

Lia's POV,

"Evan san ba talaga tayo pupunta?" Pangungulit ko kay Evan. Ba naman kasi tong lalaking to! Bigla nalang ako pinag impake at sabi daw ay may pupuntahan kami. Ilang beses ko na sya tinatanong kung saang parte ng pilipinas o ng mundo kami pupunta pero ayaw akong sagutin!

"Lia babes hindi mo ba alam ang salitang surprise? Hindi ko pwedeng sabihin sayo dahil nga SURPRISE yung pupuntahan natin" sagot nya.

"Eh kahit clue lang naman bilis na" sabi ko.

"Lia babes mamili ka, isang clue isang halik?" Tanong nya.

"None of the above" sagot ko at ngumuso naman sya.

Sobra kasi talaga akong curious kung saan kami pupunta eh! Sino ba namang hindi eh halos nanghiram pa sya ng isang sasakyan ni Dylan para lang dito surprise na sinasabi nya!? Nakakahiya kaya kay Dylan!

"Kung iniisip mo na hiniram ko to kay Dylan, pwes mali ka, binigyan nya talaga kami nila Ethan ng tig isa isang sasakyan, nung una syempre tumanggi kami pero sabi nya magkakatropa narin naman daw kami kaya parang welcoming gift na nya samin tong sasakyan sa tropa nila, astig noh" paliwanag nya. Sorry naman wala akong alam eh.

"Wow ang ganda naman" sabi ko habang tinitingnan ko ang napaka gandang dagat, sobrang blue ng dagat at napaka linis nitong tignan, idagdag mo pa ang napakagandang sunset at ang mga candles at mga ilaw na makikita mo sa mga kubo na nakapalibot sa isang mahabang tulay patungo sa dagat, may nakahalera ring mga kandila roon.

"Sabi ko na magugustuhan mo dito" sabi ni Ethan kaya napalingon ako sakanya.

"Huh? Ito yung surprise na sinasabi mo?" Tanong ko. Ngumisi sya at tumango.

Wow ang ganda!

"Thank you pero hindi mo naman kailangan gawin to eh" sabi ko. Hinawakan naman nya ang kamay ko.

"Lia second anniversary natin tapos hindi ko paghahandaan? Special tong araw na to kaya dapat icelebrate natin to ng engrande" sagot nya kaya napangiti ako.

Alam ko ang bilis ng araw noh? Akalain nyo yun 1st year collage na ko sa susunod na pasukan at ito namang lalaking to ay graduate na, actually silang dalawa ni Ethan malamang kambal nga eh. Ngayon ay summer vacation namin at ito second anniversary nanamin, hindi ako makapaniwala na natiis ko ang kakulitan ng lalaking to.

"Ikaw talaga lika na nga nagdidilim na eh" sagot ko kaya tumawa sya at sabay na kaming lumabas ng kotse.

Kinuha nya muna sa likod ang mga gamit namin bago kami pumunta sa counter table, ba bigatin ang boyfriend ko ah, three nights pala kami dito?

Kilig naman ako pinaghandaan nya talaga anniversary namin.

"Miss isang cottage nga" sabi ni Evan sa babae sa counter. Wow makangiti naman tong babaeng to, hello nandito ako oh!

"Sir isang cottage lang po talaga? Pano po yung kasama nyo?" Tanong ng babae sa counter.

"Asawa ko sya actually honeymoon namin ngayon, diba Lia babes"

"A..Ah ganon po ba, pasensya na po sige po enjoy your stay" sabi nalang ng babae at binigay na yung e card para sa cottage namin.

Bale kasi ang mga rooms nila dito ay bay cottage ang cute nga eh parang maliit na kubo yung style ng mga cottage nila tapos kita mo pa yung napaka gandang view ng dagat.

I Unexpectedly Loved You (SERIES 1)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon