[14]~Irritated

16.1K 273 1
                                    


Hazelle's POV,

"Akala ko ba sa dati nating school kayo mag aaral?" Tanong ko agad kela Lia.

Ito kasing mga babaitang ito, dito rin pala mag aaral at isinekreto nila sakin.

"Gusto kasi namin na isurprise ka kaya yun ang sinabi namin sayo pero nandito na kami bes kaya wag ka ng madaming tanong ang mahalaga dito kami mag aaral kasama mo buong taon!" Masayang sabi ni Lia kaya ngumiti nalang ako at tumango.

"Teka anong room nyo? Bat hindi ko kayo nakita kanina?" Tanong ko.

"ClassA2 kami hindi pala tayo magkaklase" sabi ni elyzza kaya napanguso naman ako.

Mas maganda sana kung nasa isang klase kami.

"Pero okay lang yan Hazelle, atleast magkakasama sama tayo tuwing recess diba?" Sabi naman ni Lia.

Nagpatuloy nalang kami sa pagkain at pagkekwentuhan. Pinakilala ko narin kela Lia si Melanie at mukhang nag kakasundo naman sila.

"GUYS PAPARATING DAW ANG BX5 DITO!" Rinig naming sigaw ng isang babae kaya nag kumpulan lahat ng estudyante sa may entrance ng canteen.

Kailangan pag darating sila mag kukumpulan sila ng ganyan?

"Alam mo nakita ko nga kanina yang BX5 na yan. Infareness ang ga gwapo ah kaso may Evan na ko eh" sabi ni Lia.

"Bat kasi sinagot mo agad?" Sabi naman ni Elyzza.

"Hindi ko na sya kinaya eh. Masyado kasing HOT ang Kuya mo Hazelle kaya masisisi mo ba ko?"

"Dapat kasi lagi kang may dalang yelo para hindi ka ma tostado ng Kuya ko" sagot ko naman.

"Matutunaw din sakanya ang yelo noh, freezer na dadalhin ko para sigurado" sagot naman ni Lia kaya nagtawanan kami.

Nagulat kami ng biglang mag iritan ang mga estudyante sa canteen kaya napatingin na kami dun sa mga nag kukumpulan na estudyante sa may entrance ng canteen.

"Oh Hazelle, Ayos ka lang?" Biglang tanong sakin ni Elyzza.

"Tinamaan ka na ba sa isa dyan sa BX5 na yan? Asus nakalimutan mo agad si Felix ah? Pero ayos lang yan Bes, wala namang kayo" sagot ni Lia.

Tiningnan ko naman sya ng masama at nginitian lang nya ko na parang ewan.

Hindi ko kaya nakakalimutan si Felix.
Text mates parin kami hanggang ngayon noh.

"Sino si Felix?"

Nagulat ako ng may nagsalita sa may harap ng table namin.

Dahan dahan akong lumingon at nanlaki ang mata ko ang BX5 na nasa harap na ngayon ng table namin.

"A..anong ginagawa n..nyo dito?" Nauutal kong tanong.

"Mga kaibigan mo din silang dalawa diba?" Tanong ni Jonathan at tinuro sila Lia.

"Oo bakit?" Sagot ko.

Ngumiti naman sila pwera kay Dylan.
Magkapatid ba sila ni Kuya Ethan at pareho silang hindi marunong ngumiti?

"Can they be our servant too?"

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Levi.

Pati sila Lia idadamay nila sa hindi naman makaturangan na PATAKARAN nila?

"Hell No! Hoy kayong mga lalaki, kung gusto nyo ng alipin? Wag kami dahil baka kayo ang maging alipin namin" sagot ni Elyzza.

"Kami? Magiging alipin nyo? Mukhang hindi nyo talaga kami kilala ah?" Sagot naman ni Levi.

"Bakit kami kilala nyo ba kami? Diba hindi, at wala rin kaming balak na kilalanin kayo. We don't want to waste our time to none sense people like you"

"Levi stop it, umalis na tayo" pigil ni Grayson.

"No were not leaving hanggat hindi sumasama satin ang apat na babaeng 'to" sambit naman bigla ni Dylan.

Bigla bigla siyang nagsasalita nakakagulat tuloy.

"Edi wag kayong umalis dito kami aalis na, Bye" sabi naman ni Lia at naglakad na kami palayo.

"That girls are bullsh*ts!"

Natawa naman kami ng marinig naming nag mura ang isa sakanila.

Nagulat naman kami ng may biglang isang babae ang pumunta sa may harap namin. Nginitian nya kami.

"Excuse me Ate may sasabihin ka ba?" Tanong ko.

"Nandito ako para ipakilala sa inyo ang BX5" Aniya.

"Hindi na kailangan Ate, Wala kaming paki alam sa mga lalaking yun" sagot naman ni Lia.

Umiling naman yung babae.

"I think mas may laban kayo sakanila kung kilala nyo sila diba? Alam nyo, kayo ang unang mga babaeng naglakas loob na lumaban sakanila ng ganon, kasi ako, hindi ko nagawang lumaban noon. o
Oo naging alipin na nila ako dati at nandito ako ngayon para hindi nyo maranasan ang maging alipin nila"

Nanlaki naman ang mata namin sa mga sinabi nya.

"N..naging alipin ka na nila noon?" Tanong ni Melanie at tumango naman ang babae.

"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong naman ni Elyzza.

"Pauline" tipid nyang sagot kaya tumango nalang kami.

"Anong class mo?" Tanong ko naman.

"ClassA3" Tipid niyang sagot

"Hindi pala tayo mag kaklase pero sige magkita tayo ulit mamaya dito okay?" Sabi ko at tumango naman sya.

Matatapos na kasi ang recess kaya wala na kaming time.

Nag si balikan na muna kami sa mga classroom namin.

Pagpasok namin sa classroom ay dumaretso kami agad ni Melanie sa upuan namin.

Biglang nag vibrate ang cellphone ko at agad yun tinignan, Si Lia nag text.

Lia:

Hazelle, kaklase namin ang dalawang BX5 member. Nakakainis talaga!

Nag reply naman ako.

To: Lia

Kami rin naman eh. Hayaan mo na good luck nalang satin.

Biglang dumating na ang teacher namin kaya agad ko ng tinago ang cellphone ko.

Kasabay naman ng pagpasok ng teacher namin ay ang pagpasok ng dalawa na si Dylan at Kyle.

Umiinit ang dugo ko pag nakikita ko ang mga pagmumukha nila.

Umupo ulit sila sa may likod namin.
Math class pala ngayon.

Ayoko na nga nung subject nakakairita pa yung nasa likod namin, konti nalang talaga sasabog na ulo ko.

Ilang minuto ang lumipas ng buong klase ng Math.

"Para masiguro ko na talagang nakinig kayo sa klase ko, may pasasagutan ako sa inyong dalawang problem and solve it in a one yellow paper. You may start now"

Yung feeling na hindi ka nakinig?

"Melanie naintindihan mo ba yung problem?" Tanong ko.

"Sorry Hazelle hindi ko nga rin alam isasagot ko eh" sagot naman nya kaya napapikit nalang ako.

"Need help?"

============================

Itutuloy...

I Unexpectedly Loved You (SERIES 1)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon