[51]~Space

13.1K 241 6
                                    


Hazelle's POV,

It's been a week since nag usap kami ni Dylan sa ospital. His dad is still in comma and his  getting weaker. Isang linggo na ring hindi pumapasok sa school si Dylan. Sabado ngayon at nagdadalawang isip ako kung pupunta ba ko sa ospital.

Biglang may kumatok sa pinto kaya pumunta ako dun at pagbukas ko ay nanlaki ang mata ko ng makita si Ate Drianna.

"Hi Hazelle, pasensya ka na biglaan ang pagpunta ko" sabi nya.

"Ayos lang po Ate sige po pasok po kayo" sabi ko pumasok naman sya at umupo sa may salas.

"Bakit po kayo napadaan dito?" Tanong ko.

"Ano ka ba wag ka nga mag po sakin, para namang ang laki ng age gap natin, pero I like that your really respectful" aniya

"Pasensya na, ano gusto mo itawag ko sayo? Ate?"

"Drianne nalang that's my nickname" sagot nya.

"Okay, Drianne" sabi ko.

"Kaya ako napapunta dito dahil, Dylan needs you" aniya.

"A..anong nangyari sakanya?" Agad na tanong ko.

"N..na ospital sya"

Napatayo ako sa sinabi nya.

"B..bakit po sya na ospital? Ayos lang ba sya? Kamusta lagay nya ngayon? Bat ngayon nyo lang sinabi sakin?"

Pina upo naman ako ni Ate Drianne.

"I'm sorry kung ngayon ko lang sinabi sayo. Sya mismo nagsabi na wag ko sabihin sayo dahil ayaw ka nyang mag alala. Pumunta kasi sya sa bar para maglasing nanaman and we don't know kung bakit umiinom nanaman sya. Sa sobrang kalasingan nya, may nakaaway syang limang lalaki sa bar at, pinagtulungan nilang bugbugin si Dylan, he has a lot of bruises at marami rin syang pasa kaya dinala nanamin sya ni Mom sa ospital"
Paliwanag nya.

"T..teka lang, magbibihis lang ako saglit pupunta ako ng ospital"

"Sige sumabay ka na sakin" sagot nya kaya agad na kong tumaas para magbihis.

***

Ospital...

Agad akong pumasok sa kwarto nya at nakita ko syang nakahiga sa isang kama at kita ko ang mga sugat sa mukha nya at mga pasa sa braso nya.

"Maiwan ko muna kayong dalawa" sabi ni Ate Drianne. Tumango ako at lumabas na sya ng kwarto.

Lumapit ako sakanya at umupo sa silya na katabi ng kama nya.

Hinawakan ko ang kamay nya.

"B..bakit hindi mo sinabi sakin agad? Alam mo bang, ilang araw ako nag alala sayo kung bakit hindi ka pumapasok? Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko, yun pala nandito ka, nakahiga. Tsaka, bakit ka nanaman umiinom? Akala ko ba tumigil ka na sa pag inom? Bat hindi ka lumaban sakanila? Bat hinayaan mo silang bugbugin ka? Kaya mo naman lumaban diba? B..bat hinayaan mong mangyari sayo? Gumising ka na nga dyan at sagutin mo ko?" Sabi ko at tumulo na ang luha ko.

"I..im sorry, alam kong, nahihirapan ka dahil sakin. A..alam kong, ang hirap hirap kong intindihin, kahit ako hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, gulong gulo ang isip ko. P..pero bakit ganon, ang pakiramdam ko, higit sa kaibigan ang nararamdaman ko sayo. Importante ka sakin Dylan. S..siguro, kailangan ko ng space. Para makapag isip, para maintindihan ang lahat. Mabuti siguro kung, wag muna natin kausapin ang isa't isa at wag muna tayo magkita. I need answers Dylan, I need answers to myself. I need to answer all of my questions. I want to answer my confusions. I want to answer my heart. I promise, pag nahanap ko na lahat ng sagot ko sa sarili ko, i'll come back to you, goodbye for now Dylan. Please take care of yourself, ma gpaggaling ka. I'm stopping the deal, for now"

Pinunasan ko ang luha ko at tumayo na. Bibitawan ko na sana ang kamay nya pero nagulat ako ng hawakan nya ito.

Nakita kong dahan dahan nyang dinilat ang mata nya.

"I..is this really what you want?" Mahina nyang tanong habang nakatingin sakin.

"Y..yes"

"Then the deal is off, were over, Hazelle"

***

"Hazelle, okay ka lang ba talaga? Sigurado ka ba sa desisyon mo?" Tanong sakin ni Lia.

"Sigurado na ko Lia, ayoko na syang masaktan uli. Marami akong tanong sa sarili ko na hindi ko mahanap ang sagot. Hindi ko mahahanap ang mga sagot na yun kung magpapatuloy pa kaming dalawa. Panahon lang hiningi ko sakanya Lia. I just need time para makapag isip"

"Kung yan ang desisyon mo, susuportahan kita. Pero Hazelle, hindi mo masasabi kung hanggang kailan ka nya hihintayin. Paano kung mapagod na sya kakahintay sayo? Hazelle, wag laging isip ang paganahin mo, sundan mo rin ang sinasabi ng puso mo. Hindi naman parang mga tanong sa exam ang mga tanong na nasa isip mo ngayon. Wala kang dapat sauluhin, wala ka dapat hanapin, wala ka dapat basahin na mga libro. Kailngan mo lang makinig, pakinggan mo ang puso mo Hazelle, you'll find the answer there"

"Pag nakikita ko kayong dalawang magkasama, hindi mawala ang ngiti nyong dalawa sa isa't isa. You are both happy together. Si Dylan, he's so understanding na kahit alam nyang may gusto kang iba, iniintindi ka pa rin nya. He even helps you move on. Handa syang masaktan para sayo. He loves you so much Hazelle"

Napaluha nanaman ako sa sinabi ni Lia.
Oo, mahal nya ko, pero ako, hindi ko maibigay sakanya ang pagmamahal na binibigay nya sakin.

"Alam ko kung bakit ka naguguluhan ngayon Hazelle, hindi mo alam kung mahal mo sya o hindi, diba?"

Napatingin ako sakanya sa sinabi nya.

"Ano ba ang nararamdaman mo sa tuwing magkasama kayo?"

"L..laging bumibilis ang tibok ng puso ko. Lagi akong excited na makita sya. Makita ko lang sya, napapangiti na ko. Sa tuwing malungkot ako o may problema, hindi sya umaalis sa tabi ko"

"I think, your inlove Hazelle, I'm sure of it. Nakikita ko sa mga mata mo habang kinukwento mo sya sakin. Sa tuwing magkakasama tayo nila Elyzza, sya laging bukang bibig mo. Hazelle, mahal mo sya, your just denying it"

Biglang bumalik sa isip ko ang sinabi nya noon.

"If you really like him? Sana sinabi mo sakin ng maaga. If i deny it to myself, the more its really true"

"A..ano yung totoo?"

"I'm denying that I like you"

"Just say the truth because there's no use of denying it"




I Unexpectedly Loved You (SERIES 1)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon