[13]~BX5

16.2K 285 2
                                    


Hazelle's POV,

Pagkatapos naming magpakilala ni Melanie sa harapan, ay nagsimula ng mag discuss si Ma'am about school rules and regulations everything about guidelines and etc.

Since inaantok ako ay nag susulat nalang ako ng kung ano ano sa notebook ko, kesa naman matulog ako edi magsusulat nalang ako ng kung ano mapagalitan pa ko ni Ma'am pag tinulugan ko lang siya.

Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pintuan ng classroom namin at bumungad samin si Dylan kasama ang isa nya yatang kaibigan.

"Mr. Chua and Mr. Elfanco, first day of class late kayo pumasok sa klase? Hindi talaga kayo nagbago" sabi ni Ma'am pero hindi yun pinansin nila Dylan at dere deretsong naglakad papunta sa likod namin at umupo.

Luh may upuan pa pala sa likod namin?
Hindi ko na siguro napansin kanina.

"Bukas nga pala ay ang nomination ng class officers so better make sure na karapat dapat na mga tao ang iboto nyo. That's all for today. Class dismiss" sermon ni Ma'am at nag si tayuan na ang mga kaklase ko.

Tumayo narin kami ni Melanie at inayos ang mga gamit namin.

Lalabas na sana kami ng classroom pero may biglang humawak ng braso namin ni Melanie.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ng isang lalaki kay Melanie.

"Sa canteen bakit?" Sagot naman ni Melanie.

Nagulat naman kami ng may pumasok pang tatlong lalaki na ang alam ko ay ka tropa din nila at ni lock ang pinto.

Anong balak nila samin?

Tinanggal naman na nila Dylan ang pagkakahawak nila sa mga braso namin.

"Kayo yung dalawang transfer student diba?" Tanong ng isang lalaki. Grabe ang tatangkad nilang lahat at masasabi kong may angking kagwapuhan na walang hulas, hindi ko naman akalain na may mga gantong kaga gwapo na estudyante dito. Hindi mga GWAPONG estudyante ang pinunta ko dito ah nililinaw ko lang, tsaka scholarship ang nagdala sakin dito swerte ko lang talaga, dami ko nanaman sinasabi.

Dahan dahan naman kaming tumango ni Melanie bilang sagot.

"I'm sure hindi nyo pa kami kilala right?" Sagot naman ng isang lalaki.

"Kilala kaming lahat ng estudyante dito sa school bilang BX5 short for BoyXtremeFive. Para hindi na kayo mahirapan na kilalanin kami, mga nicknames nalang namin ang sasabihin namin" sabi ng isa pang lalaki kaya tumango kami.

"Kyle" sabi samin nung isang lalaking nagsalita kanina.

Si Kyle yung lalaki na humawak sa braso ni Melanie kanina.

"Levi" sabi naman nung isa at kumindat pa samin.

Mukhang chickboy itong isang toh ah?

"Grayson" sabi naman ng isa at ngumiti pa samin.

Mukhang mabait naman sya.

"Jonathan" sabi nung isa at kumaway samin.

Nalipat na ang tingin naming lahat kay Dylan na tahimik lang habang nakalagay sa tenga ang earphones nya.

"Ayos lang kilala ko na siya" sabi ko at nakita ko ang pagkagulat nilang lahat.

Ngumiti nalang ako sakanila.

"Dylan Chua pangalan nya diba? Mahabang kwento kaya wag nyo ng tanungin kung paano kami nagkakilala" sabi ko nalang.

"Ganun ba? Eto talagang si Dylan, hindi sinasabi samin. Anyways aware na ba kayo sa patakaran namin dito?" Sabi ni Jonathan.

Nagkatinginan naman kami ni Melanie at dahan dahan na tumango.

"Good...Do you have any questions about that?" Tanong naman ni Levi.

"Actually meron, kami lang ba ang babaeng transfer student dito?" Tanong ko.

"Hindi pero kayo yung nagkataon na kaklase namin na transfer students so... kayo ang magiging alipin namin or maybe soon to be Princess of our group. Actually meron pang dalawa rin na kaklase naming transfer student kaso nakatakas kaya hindi namin na isama dito." paliwanag naman ni Grayson.

Tumango tango naman kami ni Melanie.
Anong gagawin namin? Basta nalang ba kami papayag sa patakaran nila bilang alipin o posibleng maging Prinsesa ng grupo nila? Kailangan ba talaga ng ganitong batas sa eskwelahan na to?

"Paano kung h..hindi kami pumayag sa patakaran nyo?" Tanong ni Melanie.

"Wala pang tumututol sa patakaran namin but its still your choice" sagot naman ni Kyle.

WALA PANG TUMUTUTOL?
Ganon ba sila kinatatakutan at hindi nila kayang tumanggi sa mga patakaran na sinsabi ng mga lalaking to?

"No, We oppose your policy. Pwede na ba kami umalis?" Deretso kong sabi at nakita ko sakanila ang pag kagulat.

"And why are you opposing our policy?" Biglang tanong ni Dylan.

May oras pa pala siya magsalita?

"First of all, hindi kami pinag aaral ng mga magulang namin dito para lang maging mga alipin nyo. Oo alam kong scholar lang ako dito pero, hindi naman ako makakapasok dito kung hindi parin dahil sa mga magulang ko. Hindi ako makakapag tapos ng high school kung hindi dahil sakanila. Alam kong mayayaman kayo pero baka nakakalimutan nyo, pare pareho tayong mga tao dito kaya pantay pantay lang tayong"  Buong tapang kong katwiran sakanya.

Muli ay nakita ko ang panlalaki ng mata nila na tila ba gulat na gulat.

"You don't want to be our servant, Yun ba ang pinaglalaban mo hindi ba?" Paniniguro niya at nanatili lang akong matalim na nakatitig sakanya.

"Be the Princess of our group then"

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.

P...PRINSESA NG GRUPO NILA?

"Yun ay kung maging boyfriend nyo ang isa samin" dagdag ni Levi.

Nanlaki nanaman uli ang mata ko.

"And sa tingin nyo liligawan namin kayo!? In your dreams. Hindi kami katulad ng milyon milyong babae na nagkakandarapa sa inyo. Bat hindi nalang kaya sakanila kayo mamili ng princess of the group nyo? Aalis na kami ginugutom nyo kami eh" sagot ni Melanie at hinila na ko palabas ng classroom.

Pero nagulat kami ng makitang ang daming tao sa may labas ng pinto ng classroom namin.

Bakit sila nandito lahat? Kahit saan ba talaga sinusundan ang mga lalaking to?

"Can't get out?" Rinig kong sabi ni Dylan sa may likuran namin ni Melanie.

"Sorry to say girls but, you can't get out of here ng hindi kami kasama" sabi ni Levi.

"Anong gagawin natin Hazelle?" Bulong sakin ni Melanie.

Napapikit naman ako at dumilat ulit.

ISIP... ISIP...ISIP

Dali dali kong binuksan ang pintuan at...

"PWEDE BANG PADA ANIN NYO PO KAMI!?" Sigaw ko sakanilang lahat.

Agad agad naman silang nag bigay ng daan samin ni Melanie kaya ngumiti naman ako sakanilang lahat.

"Pasensya na po kung sumigaw po ako and salamat po sa pakikinig" sabi ko at hinila ko na palayo si Melanie hanggang sa makarating kami sa canteen.

Ang laki ng canteen nila.

"Buti nakatakas tayo dun ah!" Sabi agad sakin ni Melanie at hingal na hingal.

"Oo nga eh halika na kain na tayo" sabi ko at pumila na kami para bumili ng pagkain.

Nagulat naman ako ng may biglang kumalabit sakin kaya nilingon ko naman kung sino yun.

Nanlaki ang mata ko ng makita si Lia at Elyzza.

"LIA...ELYZZA?" sabi ko at agad silang niyakap.

_________________________

Itutuloy...

I Unexpectedly Loved You (SERIES 1)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon