[67]~Goodbye

13.5K 238 8
                                    


Hazelle's POV,

Nag di-dinner na kami ngayon sa isang restaurant dito sa beach. Natigil kami sa pagkain ng may biglang nagsalita.

"Hi guys, miss me?"

"Woah bro nandito ka na pala" bati ni Levi kay Grayson at nagyakapan ang dalawa.

Agad naman akong napatingin kay Pau at kita sa mukha nya ang lungkot. Nakakaawa talaga si Pauline.

"Welcome back bro" bati ni Dylan.

"Thanks, so I assume na kayo na talaga for real?" Tanong ni Grayson.

"Syempre naman tol. Sabi ko sayo magiging kami nito bago ka bumalik" sagot ni Dylan at inakbayan ako.

Nginitian ko lang si Grayson at nginitian nya rin ako pabalik.

"There's someone I want you to meet" salita ni Grayson at nakita namin ang isang magandang babae na naglalakad papalapit sa table namin.

"Good evening everyone, im Kylei... Grayson's fiancee" pagbati nya samin.

Agad naman nanlaki ang mata ko.

Magpapakasal na ba talaga siya? Hindi na pwedeng pigilan?

"Nice to meet you Kylei" sagot nalang ni Jonathan.

"Have a sit, I o-order namin kayo ng food" sabi ni Dylan.

Tumango naman sila Grayson at umupo sa bakanteng upuan, malapit kela Pau.

"So hows states dude?" Tanong ni Jonathan.

"Its good, but I still miss staying here" sagot ni Grayson.

"Hanggang kailan kayo dito?" Tanong ni Levi.

"I think hanggang next month" sagot ni Grayson.

"Sure na ba talaga ang kasal nyo?" Biglang tanong ni Dylan.

Ilang segundo natahimik si Grayson.

"Yes, were getting married as soon as we finish this school year" sagot nya.

Bakit ba sila nagmamadali? Hindi ba niya alam kung gaano kasakit para kay Pauline na magpapakasal ang mahal niya sa iba?

"E..excuse me" biglang salita ni Pau at tumayo agad at lumabas ng restaurant.

"I'll just follow her" salita din ni Jonathan.

Biglang nagsalita si Grayson.

"Wait" salita nya at lumingon naman sakanya si Jonathan.

"Kayo ba?" Biglang tanong ni Grayson.

Nakita ko na medyo nagulat si Jonathan sa tanong nya.

"I wish, we are" sagot ni Jonathan at lumabas na ng restaurant.

Ano? May gusto ba si Jonathan kay Pauline? Bakit ganoon siya kung mag alala kay Pau?

***

Elyzza's POV,

Naka upo ako ngayon sa buhangin at pinagmamasdan ang dagat. Hindi parin ako inaantok kaya naisipan kong tumambay muna dito.

"Elyzza?" May biglang nagsalita sa likod ko.

Tumayo ako at lumingon sa taong nasa likod ko.

Sya nga.

"Bat ka nandito?" Tanong ko sakanya.

"Hindi din kasi ako makatulog" sagot ni Levi

"Papasok na ko sa loob" sabi ko at maglalakad na sana palayo pero hinawakan nya ang braso ko.

"Hanggang kailan mo ko iiwasan?" Tanong nya.

"Ewan ko, sa tuwing nakikita kasi kita, naalala ko yung mga ginawa mo noon, yung mga nagawa mo noon" sagot ko.

"I know malaki ang kasalanan ko. And I don't have an acceptable reason para mapatawad mo ko" aniya kaya napapikit nalang ako para pigilang lumabas ang luha ko.

"Kahit paulit ulit akong mag sorry sayo, I know that doesn't change the fact of what I've done to you. Pero sana palagi mo parin isipin, wala akong ibang babaeng minahal kundi ikaw. Marami man akong ginawang pagkakamali sa buhay ko, pero ang kaisa isang tama na ginawa ko, ay yung minahal kita. Sana dumating yung araw na mapatawad mo ko, sana kapag dumating na yung araw na yun, mahal mo parin ako, dahil handa akong maghintay kahit gano pa katagal. I will keep loving you, whether you love me back, or not"

Lumabas na ang luha sa mata ko. Dahan dahan nya kong hinarap sakanya at mas lalong bumuhos ang emosyon ko ng makita ko ang luha sa mata nya.

Hinawakan nya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko.

"I love you, Munie" sambit nya.

Dahan dahan nyang inilapit ang mukha nya sakin until, our lips met.

Parang lahat ng galit na nararamdaman ko ay nawala. Lahat ng sakit, naglaho.

Ang tanging nararamdaman ko lang ngayon ay ang pagmamahal namin sa isa't isa.

Nang humiwalay na sya sa halik ay mahigpit nya kong yinakap.

Hindi ko na napigilan na yakapin sya pabalik.

Humiwalay na sya sa yakap at naglakad na palayo.

Inilabas ko na ang lahat ng luha ko.

I love you too, Fifie.

***

Pagmulat ng mata ko ay agad akong bumangon at nag ayos ng sarili.

Pagbaba ko sa buffet restaurant ay nakita kong nandun ng lahat sila Hazelle, bukod kay Levi.

Umupo ako sa tabi nila Hazelle.

"Oh gising ka na pala" bungad sakin ni Hazelle.

"Si Levi nakita mo?" Tanong nya sakin at umiling ako.

"Umalis na sya" sabi bigla ni Jonathan.

"S..saan sya pumunta?" Tanong ko.

"France, doon na sya mag aaral for good"

Tila bumagsak ang mundo ko sa narinig ko.

"Kailan sya babalik?" Tanong ni Hazelle.

"We don't know" sagot ni Dylan.

"B..bat hindi man lang sya nag paalam?"

"Mas mahihirapan daw syang umalis pag nagpaalam pa sya sayo" sagot ni Jonathan.

Naalala ko ang nangyari samin kagabi. Huli na pala naming pagkikita yun. At hindi ko manlang alam.

Agad akong tumayo at tumakbo pabalik sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay kinuha ko agad ang letter na nakapatong sa side table.

Sulat nga to galing sakanya.

Elyzza,

I know wala na ko dyan pag nabasa mo to. Im sorry kung hindi na ko nagpaalam sayo. Mahihirapan akong umalis kung magpapaalam pa ko sayo, you know I always want to be beside you. First of all, I want to say sorry to you again, sa lahat lahat ng nagawa ko sayo noon. Alam kong hindi ko na kayang ibalik ang nakaraan para itama lahat ng pagkakamali ko. But for all the mistakes i've done,  I never forget to love you. Nakalimot man ako gawin ang tama, pero yung mahalin ka, hinding hindi ko kinalimutan. Sana sa pag alis ko, makatulong ito para mapatawad mo ko. I know you want time. Kaya sana pagbalik ko, mapatawad mo na ko. Don't worry, pagbalik ko, mahal na mahal parin kita. I love you munie ko.

-Fifie

Bumuhos na ang luha ko pagkatapos basahin ang sulat nya.

I'll wait till you come back, Levi.

I Unexpectedly Loved You (SERIES 1)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon