[17]~Prinsesa ng BX5?

16.7K 304 7
                                    


Hazelle's POV,

"Ano? Ikaw magiging modelo? Bago yan Hazelle ah" Komento ni Lia sakin.

Naikwento ko na kasi sakanya yung tungkol sa alok sakin ni Dylan.

"Hindi ko pa tinatanggap yung alok nya. Ano tatanggapin ko ba?" Tanong ko sakanya.

"Nasasayo yan, kakayanin mo ba ang pag momodelo o hindi? Sayang din kasi yung bayad dun" sagot naman nya.

Napabuntong hininga nalang ako.
Tulungan niyo naman ako!

***

Alas otso na ng gabi at bukas ay lunes kaya kailangan ko ng matulog ng maaga para sa pagpasok bukas sa eskwelahan. Pero dahil hindi pa ko makatulog ay nag bukas muna ko sa facebook.

Bakit ang dami kong friend requests?
Tiningnan ko lahat ng mga friend requests at nanlaki ang mata ko ng makitang in-add din ako ni Felix at ni Dylan.

Syempre in-accept ko si Felix. Pero si Dylan? Iaaccept ko ba 'tong lalaking 'to? Bigla namang nag vibrate ang cellphone ko at nakita kong may nag message sakin.

Unregistered Number:

This is Dylan. Ano tinatanggap mo na ba yung alok ko sayo?

Paano nya nalaman number ko?

To:Dylan

Paano mo nalaman number ko? Tsaka yung tungkol sa alok mo, pinag iisipan ko pa.

Ilang segundo ang lumipas ay nag reply sya agad.

From:Dylan

Wag muna tanungin kung paano ko nakuha number mo. Next week na yung photoshoot para sa magazine, kailangan mo ng mag desisyon agad.

Next week agad? Mag-isip ka na Hazelle Yes or No? Ne o Aniyo? Oo hindi? Alam ko na.... Maybe? Baka? Amado?('Maybe'in Korean)

To:Dylan

Sige na payag na ko. Sabihin mo nalang sakin kung kailan at saan.

Nag reply sya agad.

From:Dylan

Susunduin kita diyan sa inyo. Sige na goodnight.

Reply nya. Naku susunduin pa ko, Ano yun pagbibigay pugay niya sakin?

To:Dylan

Sige goodnight:)

Pag ka reply ko sakanya ay inilagay ko na sa tabing lamesa ang telepono ko at natulog na.

***

"Bunso gising na. Ma lelate ka na!"

Napa balikwas ako sa kama ng marinig ang sigaw sakin ni Kuya Matt.

"Tsaka bunso may nag hihintay sayo sa baba, Ano ulit pangalan nun 'Tol?" Bungad naman ni Kuya Evan.

"D..Dylan ba? Oo nga Dylan, kilala mo ba yun bunso?" Paglilinaw ni Kuya Evan at nanlaki naman ang mata ko.

Anong ginagawa niya dito ng gantong kaaga?

"Kilala ko sya Kuya! Sige na labas na kayo sabihin niyo mag aayos lang ako!" Sabi ko at tinulak na sila palabas ng kwarto ko.

Agad agad naman akong dumaretso sa banyo at naligo. Pagkatapos ay agad akong nagbihis at nag ayos.

Bumaba  agad ako at wala naman akong nakitang Dylan Chua. Asan na siya?

"Nasa labas sya bunso. Bilis na baka mainip tagal mo eh" sagot sakin ni Kuya Matt.

Lumabas na ko ng bahay at nakita ko nga si Dylan na nakasandal sa may sports car nya.

Napansin nya yata ako kaya umayos na sya ng tayo. Lumapit naman ako agad sakanya.

"Bakit nandito ka nanaman?" Tanong ko.

"Diba sabi ko kagabi na susunduin kita?" Aniya.

"P..pero akala ko next week pa yung shoot para sa magazine?"

"Next week pa nga. Pero diba Prinsesa ka ng BX5 kaya simula ngayon, susunduin na kita" sagot naman nya.

"Hindi nga ko pumayag tungkol sa mga patakarang prinsesa nyo na yan diba?" Pag uulit ko.

"I didn't accept your answer kaya sa ayaw at sa gusto mo at ng mga kaibigan mo, kayo ang Prinsesa ng BX5 kaya sumama ka nalang sakin ngayon dahil mahuhuli na tayo" Aniya.

"P..pero diba magiging Prinsesa lang kami ng grupo nyo kung m..magiging b..boyfriend namin kayo?"

"I've change the rule. Pwede na ba tayo umalis?" Paliwanag niya.

Agad niya kong pinasakay sa kotse nya at umikot sya agad papunta sa kabilang side at pumasok na rin sa loob.

Teka nananaginip bako ngayon?
Ako at kami nila Elyzza... Prinsesa ng BX5? Pumasok kami sa FEU para makapag aral hindi para kilalanin ng lahat bilang Prinsesa ng mga lalaking hinahangaan ng lahat na BX5.

Tahimik lang kami sa buong byahe hanggang sa makarating na kami sa school.

"Wag ka munang bababa" malamig nyang utos at bumaba na sya ng sasakyan. Umikot sya sa may side ko at nagulat ako ng binuksan nya ang pinto.

Bumaba nalang ako at nanlaki ang mata ko ng nakita kong lahat ng estudyante ay nakatingin samin at nag sisigawan.

Bigla namang hinatak ni Dylan ang kamay ko at dali dali kaming pumasok sa school kahit ang daming estudyanteng nag sisigawan at nag kakagulo sa dinadaanan namin.

Dumaretso naman kami agad sa classroom namin. Pagkapasok naman namin sa room ay biglang tumahimik lahat ang mga studyante sa loob.

Tiningnan ko ang kamay namin ni Dylan na mag ka holding hands parin pala hanggang ngayon.

Agad kong binitawan ang kamay nya at dumaretso nalang sa upuan ko. Ganun din ang ginawa ni Dylan.

Nakakahiya nakita pa kami ng lahat na mag kahawak ang kamay naming dalawa, baka ang isipan agad ng iba ay boyfriend ko na talaga si Dylan.

Pumasok na sa room si Ms. Solartino kaya nag si tahimikan na kaming lahat.

"Today ay ipapaliwanag ko sa inyo ang about sa group project nyo. Dalawa lang ang pwedeng mag kapares at ako ang nag pares sa inyong lahat kaya makinig kayo kung sino sino ang makaka partner nyo" paliwanag ni Ma'am.

"Mr. Elfanco and Ms. Gandanez, Mr. Chua and Ms. Mendoza"

Sabihin niyong nagkamali lang ako ng rinig? Sa dami ng kaklase ko siya pa talaga naging ka grupo ko?

"Ang project nyo ay gagawin nyo while were in Marinduque. Pupunta tayo ng Marinduque for a school trip activity next next week. And i want you to describe about there culture and what you think about their living"

Pupunta kami marinduque?

"Isang linggo tayo don and I'm sure you will have fun so be ready" ani Ma'am.

Magiging masaya nga ba ko kung si Dylan naman ang halos kasama ko sa buong linggo na 'yon? Goodluck nalang talaga sakin at sa magiging grado naming dalawa.

***

Itutuloy...

I Unexpectedly Loved You (SERIES 1)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon