[59]~Operation

14.3K 281 2
                                    


Hazelle's POV,

Nasaan na kaya ang lalaking yon?

Magkaklase na kasi kami ngayon pero wala parin sya. Parati kasi ako nun sinunsundo sa bahay pero anong oras na hindi parin sya nadating sa bahay kaya ako nalang mag isa pumunta sa school.

May nangyari kaya sakanya?

***

After school...

"Huy bat absent ngayon si boylet mo?" Tanong sakin ni Lia.

"Ewan ko nga kanina ko pa sya tinatawagan hindi sya nasagot" sagot ko.

Kainis naman nag aalala na ko sakanya ah!

"Try mo kaya puntahan sa ospital. Baka nasa Dad nya malay mo may emergency" sabi ni Lia.

Oo nga. Hanggang ngayon kasi commatose parin ang Dad nya.

"Sige baka nga nandun sya, bye na" sabi ko at sasakay sana ng taxi pero parang bigla kong nakita ang kotse ni Dylan na nakapark sa may parking lot kaya agad ko yun nilapitan at hindi nga ko nagkamali, kotse nya nga yun.

Tiningnan ko ang loob at wala naman sya sa loob.

Nasaan na kaya yun?

Naisip ko na baka nasa may playground sya. Kaya agad akong naglakad papunta dun at sa wakas, nakita ko rin sya.

Naka upo sya sa isang bench habang nakatungo.

Ano yun nandito sya buong araw?
Hilig nyang tumambay dito ah.

Nilapitan ko agad sya at umupo sa tabi nya. Agad naman nya kong tinignan at nakita ko ang pagkagulat nya.

"Bat hindi mo ko sinundo kanina? Bat ka hindi pumasok? Bat hindi mo sinasagot mga tawag ko? Ano ba-" natigil ako sa pagsasalita ng bigla nya kong yakapin.

Naramdaman ko tuloy na na miss ko sya. OA na pero basta kahit yata mahiwalay to sakin ng isang segundo ma mi-miss ko na siya.

Niyakap ko nalang din sya.

"I'm sorry, m..may nangyari kasi kay Dad" sagot nya at humiwalay sa yakap.

"Anong nangyari sa dad mo?" Tanong ko.

"Nag 50-50 sya kanina, w..we almost lost him" mahina nyang sagot.

Agad ko syang niyakap.
Narinig ko ang mahihina nyang hikbi habang yakap ko sya.

"Kamusta na sya ngayon?" Tanong ko.

"He's still critical right now, kailangan syang operahan. Pero sa states lang kayang gawin ang operasyon" sagot nya.

Humiwalay ako sa yakap at nakita kong naiyak nga sya. Pinunasan ko ang luha nya.

"Kailangan namin umalis, bukas na kami lilipad papuntang US" aniya kaya napatitig nalang ako sakanya.

"Kung yan ang makakabuti sa Dad mo, go. Kailangan ka ng Mom at ng Ate mo especially your Dad. Magiging okay lang ako dito. Tatawag ako sayo" sagot ko sakanya at hinawakan ang pisngi nya.

Bumuntong hininga naman sya at hinawakan ang kamay ko.

"Are you sure?" Tanong nya.

Tumango naman ako.

"Don't worry babalik ako agad. I will call you kapag kaya kong tumawag sayo" aniya kaya medyo ngumiti ako at niyakap nya ko ulit.

"Ito pala ang last day natin na magkikita kasi baka matagalan ka don" sabi ko.

"Ma mi-miss mo ba ko agad?" Tanong nya at tumingin sakin.

"Oo, kanina nga lang miss na kita agad" sagot ko.

Inamin ko talaga eh!

Ngumiti naman sya at hinalikan ang noo ko.

"Sweet naman ng honey ko, ako rin naman miss na kita agad. Baka nga hindi ako tumagal ng isang araw dun eh kasi miss na miss na kita" aniya.

Ngumiti naman ako

"Mag ingat ka dito ah. Mawawala lang ako ng ilang araw baka pagdating ko dito, may iba ka na" sabi nya kaya napahiwalay ako sa yakap.

"Kapal mo! Hindi ako ganon noh! Baka ikaw! Baka makakita ka ng amerikana don tapos malalaman ko nalang may iba ka na don!?" Sagot ko.

"Kaya ba kitang ipagpalit sa iba?"

"Ewan ko sayo, kahit ba saksakan ako ng kagandahan eh kayang kaya mo kong palitan" sagot ko.

Natawa naman sya.

"Stop teasing me Hon" sagot nya at nag smirk. Nakita ko naman na nakatingin na sya sa lips ko.

"H..huy anong klaseng tingin y..yan?" Nauutal kong tanong.

Hindi nya ko sinagot at tumingin sya sa mata ko and he gently touch my cheeks.

In just swift move, he gently press his lips againts mine. Wala na kong nagawa kundi ipikit ang mata ko and respond to his kiss.

Damn sigurado ma mimiss ko ang mga halik nyang ganto.

Ilang segundo ay humiwalay na kami sa halik.

"Damn, bitin pa ko Hon" bulong nya kaya biglang kinilabutan ang katawan ko.

"I love you Honey, ikaw lang, wala ng ibang papalit sa posisyon mo sa buhay ko. Your the only one who owns my heart. My hearts property is only yours" aniya kaya napangiti ako.

"I love you too my one and only honey bunch" sagot ko ng nakangiti kaya napangiti rin sya.

Bat ang cheesy namin ngayon!?

"Gusto mo muna mamasyal?" Tanong nya.

"Pwede rin. Sine tayo?" Sagot ko.

"Thats a good idea sige lets go?" Sabi nya at inabot ang kamay nya. Kinuha ko naman yun at naglakad na kami papuntang kotse nya.

We enjoy the rest of the day together

***

Airport...

"Mag ingat ka dun ah. Wag mong pababayaan sarili mo. Tsaka palagi kang tumawag o magtext manlang sakin. Tsak-" pinutol nya ang sasabihin ko.

"At mag vivideo call ako sayo bago ako matulog. Got it honey. Don't worry about me, ikaw take care of yourself habang wala ako at wag kang titingin sa ibang lalaki" aniya

"Opo sir, sige na hinihintay ka na ng Mom at Ate mo" sabi ko.

Niyakap naman nya ko and niyakap ko rin sya pabalik.

"I love you" aniya kaya napangiti ako.

"Love you too, Honey" pagtapos kong sabihin yun ay humiwalay sya agad sa yakap at tiningnan ako ng malawak na ngiti.

"What did you say again?" Tanong nya nakangiti.

Agad ko syang kiniss sa lips at tumakbo palayo sakanya pero hinila nya ang braso ko at agad nya kong hinalikan.

Nakangiti kami pareho habang magkadikit ang mga labi namin.

Nang humiwalay na kami ay hinawakan nya ang pisngi ko.

"Parang ayoko tuloy umalis dahil sa sinabi mo" sabi nya kaya hinampas ko sya sa dibdib pero mahina lang.

"Ano ka ba, kailangan ka ng pamilya mo don. Sige na umalis ka na, babalik ka pa naman diba" sagot ko.

"Eto na po ma'am aalis na po ako, hintayin mo ko bumalik got it?" Sabi nya at naglalakad na palayo pero nakatingin parin sakin.

"Oo hihintayin kita, basta bumalik ka ha!? Lagot ka sakin pag hindi ka bumalik!?" Banta ko sakanya at nakita ko naman na tumawa naman sya.

"Babalik ako honey! I love you honey!" Sigaw nya kaya nanlaki ang mata ko.

Nagtinginan naman sakin ang mga tao. Tiningnan ko sya at nakita kong tumatakbo na sya papunta sa sakayan ng eroplano.

I Unexpectedly Loved You (SERIES 1)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon