[36]~Hangover

14.7K 246 1
                                    


Elyzza's POV,

Nag aalmusal kami ngayon sa buffet restaurant bago kami pumunta ng airport.

Hindi ako nakatulog, alam nyo na siguro kung bakit. Syempre hindi ko parin nakakalimutan yung nangyari kagabi.
Hindi ko tuloy alam kung kailan ko ulit makaka usap ng matino yung lalaking yun, kailan ba kami nag usap ng maayos?

Mabilis kaming natapos kumain kaya kinuha nanamin ang mga gamit namin at dumaretso na ko sa kotse ni Levi. Dito kasi talaga ako dapat sumakay wala akong choice.

Pagkasakay ko ay sunod naring sumakay si Levi.

"Ayos ka lang?" Bigla nyang tanong.

"Ayos lang naman" sagot ko.

"Pasensya ulit sa nangya-"

"Wag mo ng ipa alala. Ayos na kalimutan nalang natin yun" pigil ko sakanya.

"Sige" tipid nyang sagot at pinaandar na ang kotse.

"M..Masakit pa ba ulo mo?" Pag basag ko ng katahimikan.

"Medyo" sagot nya.

Kumuha ako ng candy sa bag ko. Buti meron pa kong candy.

Nakakatulong kasi 'to para mawala ang hangover.

Binuksan ko narin para hindi na sya mahirapan kasi nag mamaneho sya.

"Levi, buksan mo bibig mo" sabi ko.

Tumingin naman sya sakin ng naka kunot ang noo.

Pinakita ko sakanya yung candy.

"Ano yan-"

Sinubo ko na sakanya yung candy. Dami pang tanong obvious namang candy 'to.

"Para mawala yang hangover mo" sabi ko.

"Salamat" sagot nya.

Nakarating na kami sa airport kaya nag park na kami. Pagbaba namin ay kinuha ng dalawang lalaki sa likod ng kotse ni Levi ang bagahe namin.

"Halika na?" Tanong sakin ni Levi.

"T..teka, may souvenir shop ba dito?" Tanong ko.

"Meron, bakit?"

"Bibili ako pwede samahan mo muna ko dun? Saglit lang please?" Sabi ko.

"Sige, bilisan natin baka iwanan tayo ng eroplano" sabi nya kaya ngumiti ako ng malapad at hinila ko na ang kamay nya papasok dun sa souvenir shop na nakita ko.

Pagpasok namin ay agad akong tumingin ng mga gamit.

May nakita akong gold na Eiffel Tower key chain kaya agad akong kumuha ng isa at kumuha rin ako ng silver ibibigay ko kay Levi.

Pumunta ako agad sa cashier.

Euro nga pala pera dito, Peso lang ang dala ko ngayon.

Biglang may naglapag ng euro cash sa table ng cashier.

"Keep the change" sabi ni Levi at hinatak na ang kamay ko palabas.

"Nakalimutan mo yatang nasa Paris ka?" Sabi nya habang nag lalakad kami papuntang eroplano.

"Sorry naman, eto pambayad ko nalang sayo" sabi ko at inabot sakanya yung silver Eiffel Tower key chain.

"Hindi na kailangan" sagot naman nya.

"Tanggapin mo nalang, kinuha ko talaga yan para sayo" sabi ko.

Napatingin naman sya sakin at tinignan din nya yung key chain.

"Sweet naman ng munie ko" aniya at kinuha ang key chain sa kamay ko.

Inirapan ko nalang sya.
Bumabalik nanaman ang ugali nya.

***

Eroplano...

Nakasakay na kami ngayon sa eroplano. Inaantok nga ko dahil sa hindi ako nakatulog kagabi.

"Inaantok ka?" Biglang tanong sakin ni Levi.

"Oo puyat ako kagabi" sagot ko.

Nagulat naman ako ng pinatong nya ang ulo ko sa balikat nya.

"Matulog ka na, wag ka ng makulit" aniya kaya hindi na ko nagsalita at pinikit nalang ang mata ko hanggang sa nakatulog na ko.

Levi's POV,

Anong nangyayari sakin?
Bat ganto pakiramdam ko pag kasama ko sya?
Sa dami ng babaeng nakasama ko, sakanya ko lang naramdaman 'to.

Posible pa bang magmahal ang isang babaerong lalaking katulad ko?

Damn it, don't tell me I'm falling to this girl? Worse, did I fall already?

Maraming beses sa tuwing nagkikita kami gustong gusto ko siya halikan, mabuti napipigilan ko pa sarili ko.

She always makes me smile every day.
Kahit madalas kaming magtalo, para sakin lambingan namin yon.

Dahan dahan ko syang tinignan habang natutulog sya sa balikat ko. Napangiti ako ng makita syang mahimbing na natutulog.

Unang kita ko palang sakanya non ay nabighani na talaga ako sa maamo nyang mukha. Pero ng makita ko ang ugali nya, natawa nalang ako dahil kung ano ang ikina amo ng mukha nya, ay kabaliktaran pala ng ugali nya.

Bihira narin akong mag bar ngayon at mangbabae. Maraming lumalapit saking mga babae pero, iniiwasan ko na sila, siguro dahil kay Elyzza din yun.

Iba talaga ang epekto nya sakin, simula ng maging malapit kami, parang nag iba yung pagkatao ko.

Biglang may pumasok sa isip ko.

"Liligawan na ba kita?" Bulong ko. Alam ko namang hindi nya maririnig dahil natutulog sya.

Ewan ko, tinamaan na talaga ako sa babaeng to. Buong buhay ko hindi pa kong nangligaw sa isang babae, sya pa lang.

Marunong ako pero, babae kasi nangliligaw sakin. Wag nyong isipin na nagyayabang ako sinasabi ko lang ang totoo.

Napabuntong hininga nalang ako sa lahat ng iniisip ko at sinandal nalang ang ulo ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Hazelle's POV,

Nasa eroplano parin kami ngayon. Napatingin naman ako bigla kay Dylan na katabi ko ngayon na halos nakatungo na ang ulo habang natutulog.

Nako kakaawa naman. Sasakit batok nito pag hinayaan ko nalang syang ganon ang posisyon nya.

Dahan dahan kong nilagay ang ulo nya sa may balikat ko. Buti hindi sya nagising.

Napatitig naman ako bigla sa mukha nya. Hayy grabe angel talaga ang mukha ng lalaking to.

Napahawak naman ako bigla sa dibdib ko.

Anong pakiramdam 'to? Bat ganto kabog ng puso ko ngayon?

Uminom nalang ako ng tubig at nakinig nalang ako ng music sa cellphone ko.

Itutuloy...

I Unexpectedly Loved You (SERIES 1)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon