[52]~I'm denying that I Love You

13.5K 244 5
                                    


Hazelle's POV,

Halos ilang linggo na ang lumipas, hindi na nya ko pinapansin.

Tinupad nya talaga ang usapan namin, humingi ako ng space, binigay nya yon sakin.

Sa totoo lang, namimiss ko na sya.
Namimiss ko na yung kakulitan nya, namimiss ko na yung mga ngiti nya. Kailan ko makikita ulit ang mga ngiti na yun?

Bumalik na sya sa pagiging cold na lalaki. Bumalik nanaman ang Prinsipe ng yelo sa school na to. Wala nanaman syang pinapansin na kahit sino. Kahit ang BX5 hindi nya pinapansin. Palagi syang tahimik, walang pakialam sa mga taong nakapaligid sakanya.

Kinakabahan pa ko ngayon dahil may photoshoot daw kami mamaya.
Hindi naman ako pwedeng tumanggi, nakakontrata na ko and I can't turn back anymore.

"Hazelle, kaya mo ba talagang umattend ng shoot nyo mamaya? Gusto mo samahan ka namin?" Alok sakin ni Elyzza pero umiling ako.

"Hindi wag na kaya ko to, sige umuwi na kayo" sabi ko.

Sumakay na ko ng taxi at sinabi kung saan yung shoot.

Pero nakita kong parang ibang daan yung direksyon namin.

"K..kuya parang hindi po dito yung daan eh" sabi ko pero nagulat ako ng tinigil nya ang taxi at may tinutok na baril sakin.

"Wag kang sisigaw kundi ipuputok ko to sayo" banta nya.

"N..nagmamakaawa po ako sainyo w..wag nyo po akong patayin" sabi ko. Naluluha na ko at wala akong magawa.

Kinuha nya ang bag ko at kinuha nya sa loob non ang wallet ko at cellphone.

"Maawa po kayo wag nyo po kunin yan kailangan po namin yan!" Sabi ko

"Kailangan ko rin to pasensya na babae  may binubuhay din akong pamilya"

Biglang may nagbukas ng pinto sa may side ng driver at tinulak nya palabas ang driver.

Agad akong bumaba at nagulat ako ng makita si Dylan.

Tinutok sakanya ng driver ang baril.

"Sige lumapit ka, babarilin kita!" Banta sakanya ng driver.

Pero nakuhang kunin ni Dylan ang baril sa kamay ng driver at hinagis nya ito sa malayo. Sinuntok nya ng sinuntok ang driver hanggang sa nakita kong wala ng malay ang driver. Pero patuloy parin si Dylan sa pagsuntok dito.

"Dylan" tawag ko sakanya pero hindi parin sya tumitigil.

"Dylan tumigil ka na!" Medyo pasigaw ko ng sabi.

Nakinig naman na sya at tumayo na at nagulat ako ng sumigaw sya.

"Bat ka ba sumakay sa taxi!? Hindi mo ba nabasa text ko!? Sabi ko pumunta ka ng parking lot para sabay na tayo pumunta ng shoot!?" Pasigaw nyang sabi sakin.

"P..pasensya na h..hindi ko n..nakita yung text mo" mahina kong sabi.

"Paano kung mas may malalang nangyari sayo!? Paano kung wala ako!? Tang*na Hazelle mamamatay ako sa sobrang pag aalala sayo!"

Nakayuko nalang ako habang pumapatak ang mga luha sa mata ko.

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sayo. Oo, hindi kita nilalapitan, hindi kita kinakausap, pero hindi ibig sabihin non wala na kong pakialam sayo! You ask for space, binigay ko yun sayo. Pero, sh*t hindi ko parin mapigilan ang sarili ko na sundan ka"

Napatingin ako sakanya at nakita kong nakatingin lang sya sakin. Kita ko sa mukha nya ang pag aalala, takot.

"Stop crying, kukunin ko lang yung gamit mo, pumasok ka na sa kotse ko" malamig nyang sabi at naglakad na sya papunta sa taxi pero hinawakan ko ang kamay nya.

"Hanggang kelan ka magiging ganto?" Tanong ko.

"Hanggang mahal parin kita" sagot nya at inalis ang kamay ko sa braso nya.

Napapikit nalang ako at pinigilan ang pagpatak ng luha ko. Pumasok nalang ako sa kotse nya. Agad naman na syang sumunod at pagpasok nya ay binigay na nya ang bag ko at pinaandar ang kotse nya.

"Iuuwi na kita, ako nalang bahala mag explain kay manager" malamig nyang sabi.

Nakarating na kami ng bahay.

"S..salamat" mahina kong sabi at bumaba na ng kotse. Agad na syang umalis.

"K..kailan ko ba masasabi sayo na, mahal kita" pumatak na ang luha ko.

***

2 weeks later...

Linggo ngayon ng hapon. Katatapos ko lang magsimba. Naisipan kong daanan ang playground, kung saan kami nagkita ni dylan non.

Pagkarating ko don, umupo muna ko sa swing.

Halos isang buwan na kong hindi pinapansin ni Dylan. Nitong mga nakaraang linggo, sinunod ko ang payo sakin ni lia. I follow my heart. Pinakinggan ko ang sinasabi ng puso ko. I realize na, my heart beats not for Felix, but for him. Sya ang unang nakapag patibok ng puso ko. Maybe I was not denying that I love Felix, Im denying that I love him.

"I'm denying that I love you, Dylan Chua" bulong ko sa sarili ko.

Biglang bumuhos ang ulan kaya agad kong kinuha ang payong ko at ginamit yon. Naalala ko ang nangyari samin non.

Na-flatan kami ng gulong noon at kahit ang lakas lakas ng ulan ay lumabas parin sya para ayusin ang gulong.

Pero kinuha ko ang payong ko non at lumabas para payungan sya. Naalala ko parin ang mukha nya non.

Medyo napangiti ako ng maalala yon.
Maglalakad na sana ako pero may nakita akong isang lalaking naka upo sa bench wala syang payong at basang basa na sya ng ulan.

Agad akong lumapit sakanya pero ng malapit na ko sakanya ay napahinto ako sa paglalakad ng makita ang mukha nya.

Bat sya nandito?

Linapitan ko parin sya at pinayungan. Lumingon naman agad sya sakin at nakita kong nagulat sya.

Nabigla naman ako ng umubo sya.

Hinawakan ko naman agad ang noo nya at tama nga ang hinala ko, nilalagnat sya.

"Bakit ka nilalagnat? Kailan ka pa ba nandito?" Tanong ko.

"K..kagabi pa" sagot nya.

Ano?
Ang lakas rin ng ulan kagabi. Wag nyang sabihing nag paulan sya magdamag!?

"Nasaan ang sasakyan mo?"

"Hindi ko dinala"

Bakit ba siya nagkakaganito?

"Iuuwi na kita" sabi ko

"Ayokong umuwi"

"Magkakasakit ka lalo sa ginagawa mo!?" Medyo pasigaw kong sabi sakanya.

Umubo sya ulit at sumandal sa upuan.

"Dylan!?" Tawag ko sakanya pero hindi nya minumulat ang mata nya.

"Dylan!? Dylan wake up!?" Sabi ko at kinalbit sya.

Nagpanic ako at tinawagan agad sila Ate Drianna.

I Unexpectedly Loved You (SERIES 1)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon