[33]~Paris Day 1

15.3K 259 5
                                    


Hazelle's POV,

Kakagising ko lang ngayon at 7am na ng umaga dito sa Paris.

9am ang photoshoot namin ni Dylan at aayusan pa daw kami kaya kailangan pumunta kami agad sa shoot ng maaga.

Sinabi na daw kay Dylan kung saan ang shoot kaya handa na kami mag shoot.

Naligo muna ko at nag ayos ng sarili tsaka sa may buffet restaurant sa baba daw kami magkikita kita nila Lia at ng ibang lalaki para mag umagahan.

Lumabas na ko ng kwarto ko at deretso sakay sa elevator pababa sa buffet restaurant.

Pagkarating ko dun ay nakita kong nandun na sila Lia kaya tumabi na ko sakanila.

Kasabay ko din pala bumaba ang BX5 at ang mga Kuya ko.

Si Levi dahil sa BABAERO ay may nakita kaming kasama nyang babae na mukhang may lahi pa at parang sweet yung pinag uusapan nila.

Tinignan ko naman si Elyzza at nakita kong parang nagseselos at nalulungkot ang mukha nya.

"Elyzza ayos ka lang?" Tanong ko sakanya at nakita kong parang natauhan na sya.

"H..ha? Oo naman ang sarap ng pagkain nila diba?" sagot nya.

***

Pagkatapos naming kumain ay sabay sabay na kaming lahat pumunta sa shoot.

Hindi na nga pala sa van kami mga sumakay kundi sa tig iisang mga sasakyan ng BX5. Meron daw pala silang sasakyan dito na iniiwan nila dito sa hotel kapag pumupunta sila dito.

Sila Kuya pinahiram din nila ng extra nilang sasakyan. May mga lisensiya naman yang mga yan kaya marunong silang mag maneho

"Kamusta nga pala yung pagtulong mo kay Felix?" Biglang tanong sakin ni Dylan.

"Ayos lang naman, mabait at maganda si Franzei kaya walang duda na nagustuhan sya ni Felix" sagot ko.

"Ikaw, ayos ka lang?" Tanong nya uli.

"Sa totoo lang, hindi ko alam. Masaya ako dahil masaya si Felix pero, hindi ko maiwasan na masaktan na, masaya sya sa iba"

Sakanya lang talaga ako nakakapag open up ng ganito kasi alam kong naiintindihan nya ko.

"Kung nasasaktan ka na, bakit tinutuloy mo parin?" Tanong nya.

"Dahil, ganon sya ka importante sakin, hindi ko nga alam pero parang, mahal ko na ata sya. Alam kong mali p..pero hindi ko mapigilan" pumatak na ang luhang kanina ko pa pinipigilan pagkatapos kong sabihin yun.

Naramdaman kong huminto ang kotse at hinawakan ni Dylan ang kamay ko.

"I know how you feel. I think what's best for you to do is, move on. Alam kong mahirap gawin pero, I'm here to help you. I will always be here for you."

Dahan dahan akong tumingin sakanya at nakita kong nakatingin rin sya sakin at pinunasan nya ang luha sa mata ko.

Bakit hindi nalang sya yung minahal ko?
Lagi syang nasa tabi ko pag kailangan ko ng karamay.
He always makes me laugh and happy everyday.
He always makes me feel that I'm special to him.
Laging ako ang first priority nya. Laging ako ang inuuna nya bago ang ibang bagay.
Lahat na nasakanya, wala na kong mahihiling pa.

I smiled weakly to him and wiped my tears.

"Umalis na tayo, baka mahuli tayo sa shoot" sabi ko.

"Are you sure kaya mo? Pwede naman na-" pinutol ko na ang sasabihin nya.

"No kaya ko" sabi ko at ngumiti ulit sakanya. Tiningnan nya ko at tumango nalang at nagpatuloy sa pag mamaneho.

***

Nakarating na kami sa shoot pati sila Lia nandito narin.

"Mr. Dylan and Ms. hazelle, handa na po ba kayo?" Tanong samin ng stylist namin at ngumiti naman ako at tumango.

Pumunta na ko sa tent ko kung saan ako aayusan at pumasok rin sila lia dun.

Sinimulan na kong ayusan ng stylist habang sila Lia ay nag kekwentuhan.

"Hazelle naka make up ka palang ang ganda mo na, kahit hindi na ayusan yung buhok mo ang ganda mo na!" Puri sakin ni Lia.

"Totoo ba yan o binibiro mo lang ako?" Sagot ko naman.

"Nasasayo kung maniniwala ka o hindi" sagot naman ni Lia kaya nagtawanan kami.

Pagkatapos akong ayusan ay binigay na sakin ang damit na isusuot ko.

Spring ang theme namin ngayon kaya simple lang ang pinasuot sakin.

Lumabas na ko ng dressing room ko at tinignan naman ako agad nila Lia.

"Wow ang ganda mo talaga bes how to be you po?" Sabi naman ni Elyzza umiling nalang ako.

"Labas ka na bes excited ka ng makita ni, alam mo na kung sino siya diba?" sabi naman ni Lia.

"Tigilan nyo nga ko" sabi ko nalang.

Lumabas na ko ng tent at nakita ko agad si Dylan suot nya rin ang spring outfit nya.

Gwapo talaga ng lalaking 'to.

Ang venue namin ay ang isa sa pinaka sikat na cafe dito sa Paris. Labas palang ng cafe maganda na kaya siguro dito kami mag sho-shoot.

Pina upo kami ng photographer sa bench na nasa harap ng cafe at iba't ibang pose naman ang ginawa namin ni Dylan.

Nag picture din kami sa loob ng cafe na napaka ganda rin ng loob. Kung ano ang ikina ganda nito sa labas ay ang dobleng ganda nito sa loob.

Pumwesto kami sa may counter ng cafe at kakaibang mga posing naman ang ginawa namin.

Salamat natapos din kami. Kaso may napansin ako kay Dylan. Ang tahimik nya simula nung pagdating namin dito at ang seryoso nya sa mga shots namin pero gwapo parin syempre. Mas nakakakilig nga sya pag fierce yung poses niya.

Nag shot rin pala kami sa may harap ng cafe yung kita yung buong cafe na nasa likod namin tapos nakatayo kami and ayun pose ulit.

Bilang pasasalamat kay Dylan sa pag comfort nya sakin kanina, bumili ako ng coffee para saming dalawa. Tiningnan ko sya sa tent nya pero wala sya dun.

Hinanap ko sya sa ibang lugar na malapit sa cafe pero hindi ko sya nakita.

Pero bigla ko syang nakita sa may fountain na malapit sa cafe. Naka upo sya dun habang may kausap sa telepono.

Lumapit ako sakanya at hindi ko sinasadya na marinig ang pinag uusapan nila sa telepono.

"Ma ilang beses ko ba sinabi sa inyo na ayokong umalis?... Ano naman kung para sa kompanya yan? I don't care!... hindi ko kayang iwan si Hazelle Ma!...I love her more than my life!... Sabihin nyo na kung anong gusto nyong sabihin pero hinding hindi ako papayag sa gusto nyo" binaba na nya ang telepono.

Gulat na gulat parin ako sa lahat ng sinabi nya.

Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko na ang kapeng hawak ko at dahil dun ay napalingon sakin si Dylan. Kita ko sa mukha nya ang pag kagulat.

"H..Hazelle? K..kanina ka pa dyan?" Tanong nya.

"H...hindi kakarating ko lang. Wag kang mag alala w..wala akong narinig sa pinag usapan nyo. N..na tisod lang ako kanina kaya natapon ko yung kape" palusot ko.

"S..sigurado kang wala kang narinig?"

Tumango naman ako kahit ang totoo ay narinig ko ang lahat.

Itutuloy...

I Unexpectedly Loved You (SERIES 1)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon