[10]~Bisikleta

17.5K 323 8
                                    


Hazelle's POV,

Kasalukuyan parin kami nasa gitna ng ulan ni Mr. Chua habang siya ay inaayos ang flat niyang gulong at ako naman ay nasa loob ng kotse nakatunganga.

Teka... ang lakas ng ulan ah?
Bat hinayaan ko lang syang maligo sa gitna ng ulan?

Agad agad kong kinuha ang payong ko sa bag at lumabas ng kotse, Agad ko naman siyang pinayungan.

Napa angat naman siya ng tingin sakin at kumunot ang noo niya ng makita ako.

"B..baka kasi mag kasakit ka tapos ako pa sisihin mo kaya pinapayungan na kita" Pagdadahilan ko at umiwas na ng tingin sakanya.

Nakita kong bumalik na sya sa ginagawa nya kaya tumingin naman na ulit sa ginagawa niya. Grabe pati yung likuran niya well defined nakakahimatay na.

Hanga ako sakanya sa ginagawa niya ngayon, mukha kasi siyang anak ng mayaman kaya hindi ko inakala na marunong siya magpalit ng gulong.
Kahit sabihin natin na minsan ay may pag ka suplado at masungit siya, parang may nakikita parin akong angkin na kabaitan sakanya.

Ilang minuto ang lumipas ay sa wakas natapos na syang mag palit ng gulong. Kaso itong ulan ang lakas lakas parin hindi manlang naawa sakin na ilang minuto rin kaya ako nakatayo dito habang pinapayungan ang lalaking to, nakaka ngalay kaya.

Tumayo na sya kaya tinaas ko pa ang kamay ko na hawak ang payong.
Ang tangkad nya eh.

"Pumasok ka na sa loob. Ilalagay ko lang ito sa likod" Utos niya at naglakad na sa likod ng kotse nya.

Kaya sinunod ko nalang sya at pumasok na ulit sa loob ng kotse nya.

Ilang segundo ang lumipas ay pumasok narin sya sa loob.

May kinuha syang towel sa may likod ng kotse nya tapos pinunas nya sa basang buhok niya. Bukas ba aircon dito, ang init parin kasi?

"Saan ka nakatira?" Bigla nyang tanong habang sinusuot na nya ang polo shirt nya.

Pwedeng wag mo na suotin?
Charot kalandian Hazelle wag pairalin nakakahiya.

Sinabi ko na ang address ko tapos pinatakbo na nya agad ang kotse nya.
Tahimik kami habang nasa byahe.
Napatingin naman ako sakanya ulit.

Grabe bakit may gantong ka gwapong lalaking linikha si Lord? Itinadhana ba kaming dalawa ni Lord? Sabihin mo po sakin Lord please? Pakakasalan ko po agad agad ang lalaking ito as in ngayon na.

"Are you one of my fans?" Bigla nyang tanong kaya umiwas agad ako ng tingin sakanya.

"H..hindi noh. Ngayon lang nga kita nakilala eh" sagot ko naman.

"Good to know" sagot naman nya ulit tapos tinigil na nya ang kotse.

Nandito na pala kami, gusto ko po sana makipag kilala ng mas matagal sakanya.

"S..sige salamat sa paghatid" pasasalamat ko at ngumiti sakanya.

Tumango lang sya pero hindi sya lumingon sakin.

Suplado talaga.

Lumabas na ko ng kotse nya at deretsong pumasok sa loob ng bahay.

Pagpasok ko ng bahay ay naabutan kong naka upo ang tatlo kong Kuya sa salas.

"Sino yun?" Tanong agad sakin ni Kuya Evan.

"Huh? S..Siya ba Kuya? Wala yun Kuya wag nyong intindihin yun sige akyat na po ako ha!" Agad agad akong tumaas sa kwarto ko at nilock ang pinto.

Napabuntong hininga naman ako at hindi ko maiwasang ngumiti.

Bakit ako ngumingiti? Kinikilig ba ko? Bakit?

"Hoy Hazelle buksan mo itong pinto!
Sino yung lalaking naghatid sayo kanina na sinasabi ng Kuya mo ha?" Nagulat naman ako ng marinig ang boses ni Lia.

Ang bilis at kumalat ng balita sakanya?

"Pwede bang bukas na Lia? Pagod ako matutulog na ko!" Sigaw ko at humiga na sa kama ko.

"Ikaw talaga sige na nga bukas ha?" Rinig kong sigaw nya tsaka lang tumahimik.

Biglang naisip ko na wala pa nga pala akong uniform.

Nakalimutan ko bumili ng uniform ko!

****

Kakagising ko lang at bumaba agad ako para maghanda ng almusal.

Pagkatapos kong magluto ay kumain agad ako.

"Oh bunso, nagmamadali ka yata? May lakad ka nanaman ba?" Bungad sakin ni Kuya Matt.

"Opo Kuya, nakalimutan ko pong bumili ng uniform" sagot ko at uminom ng tubig. Tumango nalang sya at kumain narin.

Umakyat na ko sa kwarto tsaka naligo at nag ayos ng sarili. Madaling madali na ko para hindi ako abutin ng traffic at hindi matagalan sa labas.

Nagpaalam na ko sa mga Kuya ko at pagkalabas ng bahay ay sumakay sa aking bisikleta. Malapit lang naman ang school sa bahay namin kaya nag bisikleta nalang ako.

Habang umaandar ang bisikleta ko ay nagulat ako ng may isang aso na humarang sa daan ko.

"AHHHHHH!"

Napapikit nalang ako at mahigpit na hinawakan ang preno ng biskleta ko. Kaso bigla akong nawalan ng balanse kaya tumumba ang bisikleta at tumumba din ako.

"Aray! ano ba yan ang sakit!" Sigaw ko at tiningnan ang paa ko.

Dahil parang nabalian ang paa ko ay parang hindi ko magagawang tumayo at maglakad manlang.

Nagulat naman ako ng lumapit sakin yung aso na muntik ko ng masagasaan.
Malaking aso sya. Tsaka kita mo talaga na alagang alaga sya ng amo nya.

Ang cute niyang aso mukhang imported. Hinawakan ko ang balahibo nya. Ang lambot ng balahibo niya.

"Ikaw talaga, bakit tumatawid ka nalang ng ganun sa kalsada? Paano kung nasagasaan kita? Edi lagot ako sa amo mo?" Para akong tanga dito na kinakausap ang aso.

"Hazelle?" Napatingala naman ako sa taong nagsalita at nanlaki ang mata ko ng makita kung sino yun.

"D..dylan?"

Kinuha nya ang tali ng aso at hinawakan ito.

Teka sakanya itong asong to?

Sinubukan kong tumayo kaso natumba ulit ako.

"Ouch!" Pag iinda ko nanaman ng sakit.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ni Dylan.

"Bigla kasing tumawid sa harap ko yang aso mo kaya ito, nawalan ako ng balanse" sagot ko.

"Manong, ikaw na muna bahala kay Handsel" cold na utos ni Dylan.

Bigla namang may isang lalaking na lumapit sakanya na mukhang bodyguard nya at kinuha si... Handsel?

Nagulat naman ako na yumuko sakin si Dylan at binuhat ako?

"H..huy bat mo ko binubuhat? Ibaba mo nga ko?" Pagpupumiglas ko.

"Kaya mong maglakad? Diba hindi" cold nyang sagot at lumakad na sya ng buhat buhat parin ako.

Binuksan ng isa pa nyang bodyguard ang pinto ng kotse nya at duon ako binaba ni Dylan.

Isang artistahing lalaki binubuhat ako ngayon? Ang swerte ko naman ako kaya ang unang babaeng binuhat niya?
Sumakay na ang driver nya sa driver's seat at si dmDylan naman ay sa likod din sumakay kung nasaan ako naka pwesto.

"Sa condo ko po tayo dumaretso manong" utos ni Dylan.

SA CONDO NYA?

"T..Teka bakit sa Condo mo?" Tanong ko.

"Wag ka na magtanong dyan" cold nya ulit na sagot.

Hindi naman siguro siya rapist diba? Diyos ko po gabayan niyo po sana ako, mabait naman po ang kasama ko ngayon diba? Wala naman po siyang balak na gawing masama sakin, nag mamagandang loob lang po siya na tulungan ako tama po ako hindi ba?

I Unexpectedly Loved You (SERIES 1)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon