[64]~Batangas Day 2

14.1K 268 2
                                    


Hazelle's POV,

Wow ang daming pagkain na pinahanda itong lalaking to ah.

Nasa isang restaurant kami ngayon para kumain. Jusko po hindi naman kami gaano kadaming lahat pero doble dobleng pagkain ang pinahanda nila. Buhay talaga ng mayayaman.

Kumain nalang kami ng kumain pero syempre hindi namin naubos lahat.
Kung pwede lang ipa ideliver kela Mama sa bahay.

"Anong gagawin natin ngayon? Swimming? Sight seeing?" Tanong ni Lia.

"Mag gagabi narin eh, tingnan nalang natin yung sunset sa may tabing dagat" suggest ko at umagree naman silang lahat.

Pumunta na kami sa may beach at kitang kita don ang sunset, ang ganda talaga.

Yumakap naman sakin mula sa likod si Dylan.

"Alam mo Hon, parehas kayo ng sunset. Parehas kasi kayong maganda titigan" aniya.

"So hapon lang pala ako maganda?" Sarkastic kong tanong.

Narinig ko naman ang tawa nya.

"Syempre hindi. You are my sunrise and sunset Hon, and also my full moon" sagot nya kaya napangiti ako at hinawakan ang kamay nya na nasa bewang ko.

This is the best feeling ever. Seeing the sunset with the one I love.

"Parang sunset at sunrise ang pagmamahal ko sayo Hon" bigla nyang sabi.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Kasi, kahit nakikita nating unti unting bumababa ang sunset, makikita naman natin ulit ang sunrise kinabukasan. Katulad ng pagmamahal ko sayo, my love for you always shines brighter morning till evening"

"Pero sana, hindi tuluyang maglaho ang pagmamahal mo sakin, gaya ng sunset. Dahil ang sunset, unti unti yan nawawala hanggang sa magdilim na" sagot ko.

"Sunrise and sunset for me is just the same Hon. Dahil parehas lang naman sila nagbibigay ng liwanag satin sa umaga. You are my both sunrise and sunset, dahil hindi kumpleto ang araw ko kung wala ka. Kasi hindi magkakaroon ng liwanag ang buhay ko kung wala ka. You are my sun Hazelle"

"I love you Hon" mahina nyang sabi sakin at naramdaman ko ang paghalik nya sa ulo ko.

"I love you too" sagot ko at pinikit ang mata ko habang dinadama ko ang yakap nya sakin at ang simoy ng hangin.

***

Morning...

Pagmulat ng mata ko ay bumungad agad sakin ang sikat ng araw.

Naramdaman ko naman na may nakapulupot na kamay sa bewang ko. Agad naman akong humarap sa katabi ko na ngayon ay tulog na tulog parin. Hihihi minsan lang to lulubusin ko na.

Tinanggal ko ang nakaharang nyang bangs sa mukha nya para mas lalo kong makita ang gwapo nyang mukha, kinikilig nanaman ako.

Kung gantong mukha ba naman ang lagi mong makikita hindi pa ba makukumpleto ang umaga mo?

"Wag mo kong masyado tignan, mahahalikan kita kahit hindi pa tayo nag to-toothbrush" aniya kaya nanlaki ang mata ko.

Minulat na nya ang mata nya at agad kong nakita ang ngiti nya.

"Kaaga aga umaandar agad yang pagka feelingero mo?" Palusot ko.

"Hindi ako feeling Hon, sadya talagang totoo ang sinasabi ko, baka nakakalimutan mo kung nasan ngayon ang kamay mo" sagot nya at tumingin sa baba nya.

Nasaan nga ba?

"Lamog na yung abs ko dahil sayo Hon, buti pala may t shirt ako, paano pa kaya kung wala" aniya ng nakangisi

Bakit ba masyadong tsansing yung kamay ko, putulin ko na kaya?

Agad ko naman inalis yung kamay ko na nasa na nasa abs nya pasensya naman hindi ko napansin.

Bumangon naman agad ako at dumaretso sa cr.

Naligo na ko at nag ayos ng sarili, buti nandun sa loob ng cr yung maleta ko kaya agad akong nakapag bihis.

Paglabas ko ay nakita ko si Dylan sa may balcony at nakatingin sa labas, at bakit sya topless?

Narinig nya yata yung pagsara ko ng pinto ng cr kaya agad syang lumingon.

"Ayos ka lang Hon?" Tanong nya at naglakad papalapit sakin.

"H..ha? Oo naman, sige na ligo ka na hintayin nalang kita dito" sagot ko.

Tumango nalang sya.

"By the way you look really obvious, you know what I mean Hon" bulong nya bago sya pumasok sa cr.

Ano daw?

Obvious ba talagang pinagpapantasyahan ko sya? Lah bat inamin ko? Okay lang hindi ko naman sakanya inamin. Aish kahit na nakakahiya talaga ako ngayon.

Jusko naman kasi sino hindi kayang titigan ang nakakahimatay nyang katawan, sama mo na mukha nya jusko!

***

Hotel restaurant...

Pagkatapos ng nakakahiyang eksena namin sa kwarto ay nandito na kaming lahat para mag breakfast.

"Uy Hazelle ano kamusta naman kayong dalawa kagabi ha!? May nangyari bang milagro!?" Tanong ni Lia.

"Aray para saan yon Evan!?" Tanong ni Lia. Pinitik kasi ni Kuya evan yung tenga nya.

"Ikaw talaga Lia babes, hindi pa pwede si bunso noh, atat ka na bang gumawa tayo ng milagro Lia babes? Ok lang naman sakin game na game ako" sagot naman ni Kuya Evan.

Binatukan naman sya ni Lia.

"Gusto mong makatay ka ng tatay ko ng buhay?" Banta ni Lia.

"Patay ka sakin pag napakasalan na kita, 10 beses sa isang araw, depende sa mood ko kung umaga o gabi pero para maiba, tanghali kaya? Para ikaw nalang tanghalian ko" ani Kuya Evan

Napaka maniac talaga.

Agad naman syang nakatanggap ng batok kay Lia.

"10 beses pinagsasasabi mo dyan? Oo 10 beses kitang patitikman ng kamao ko gusto mo gawin nanating 20? Para sure na isang linggo kang hindi makakalabas ng bahay dahil puro pasa yang mukha mo" banta ni Lia.

Hay nako naman rin talaga ang babaeng to.

Hanggang sa matapos na kaming kumain ay nagbabangayan parin ang dalawa. Buti nga hindi sumasabay yung dalawang sina Levi at Elyzza. Teka bat nga ba hindi nagpapansinan ang dalawang yon?

"Guys swimming tayo sa beach bili! Gusto ko ng magbabad eh!" Aya ni Lia.

"Lia babes naman di ka ba nagsasawang titigan at lamugin yung abs ko? Pwede- Aray bakit ba!?" Sabat naman ni Kuya Evan.

"Sawang sawa na ko dyan sa abs mo noh! Kaya kung hindi ka pa titigil, baka pati ikaw mismo pagsawaan ko!" Banta ulit ni Lia.

"Hazelle, ganyan ba talaga yang dalawang yan? Parang hindi mag jowa eh, parang magkaaway na ewan" komento ni Jonathan.

"Naku pagpasensyahan nyo na yang dalawang yan ganyan talaga sila. Kaya wag na kayo magulat isang araw mababalitaan natin break na yang dalawang yan" sagot ko.

"Baka kayo maghiwalay diyan!" Sigaw ni Lia at Kuya Evan sakin.

"Tumahimik kasi kayo kahit isang minuto pwede ba!? Tanggalan ko kayo ng bibig eh" sigaw ko sakanila pabalik.

"Wow kaya mo? Sige nga try mo?" Hamon ni Lia.

"Oh sige halika... Hoy Dylan ibaba mo ko tatanggalan ko pa ng bibig yang babaeng yan!"

Bigla kasi akong binuhat ni Dylan buset!

Naglakad naman sya papalayo kela Lia habang buhat parin ako.

"Huy ibaba mo nga ko saan mo ko dadalhin?" Pagpupumiglas ko.

"Sa kwarto, papagurin kita sa kama para dun ka mag inggay" sagot nya at ngumisi.

LORD!







I Unexpectedly Loved You (SERIES 1)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon