[23]~Unexpected Confusion

15.9K 284 3
                                    


Hazelle's POV,

[FLASHBACK]:

"Bakit lagi kang napapatid?"

"Bakit lagi mo kong sinasambot?"

"Bakit hindi mo ko sinasambot?"

"Bakit nahulog ka ba?"

"Oo sa simula pa lang..."

"Saan ka naman nahulog?"

"Sayo"

Nanlaki agad ang mga mata ko.

"A..anong sabi mo?" Pagtatanong ko.

"F..Forget it!"

[FLASHBACK ENDED]

"Hazelle Lynne Mendoza gumising ka na!"

Napabalikwas naman ako sa sigaw ni Lia.

"Andito na tayo! halika na!" Sabi nya kaya tumayo na ko at dinala ang mga gamit ko.

Aish panaginip lang ba talaga yun o sinabi niya talaga?
Ano bang nangyayari sakin?
Totoo kaya yung sinabi nya!?
Imposible naman sigurong totoo yun diba?

"Hazelle sa kotse ka ni Dylan sasakay diba?" Sabi ni Lia kaya natauhan na ko.

Oo nga pala! Bakit ba kasi kailangan sa kotse niya pa?

"O..Oo nga pala, Sige" sabi ko at dumaretso sa kotse ni Dylan at pumasok agad at nakita ko naman sya na nasa loob narin.

AWKWARD.

"Y..yung tungkol sa s..sinabi ko kanina, kalimutan mo na yun" malamig nyang sabi.

Napatango nalang ako.
Hazelle kalimutan mo na daw yun. Walang ibig sabihin ang mga salitang yun. Hindi niya sinabing may gusto siya sayo.

***

Kinabukasan...

Unang umaga sa Marinduque.

Maganda naman yung hotel na tinutuluyan namin at tatlo lang ang pwede sa isang kwarto kaya kami nila Lia at Elyzza ang nagsama tapos sila Pauline at Melanie ang nagsama kasama ang isa naming kaklase.

"Gumising na kayo! Maghahanda pa tayo ng almusal" sabi ko kela Lia na tulog parin.

"H..ha!?" Pagtataka ni Lia habang nakahiga parin at ayaw bumangon sa kama.

"Wag mo kong lokohin Lia alam kung marunong kang magluto kaya bumangon ka na dyan" sagot ko naman.

Sabi kasi samin ni Ms.Solartino ay mag a-assign daw sya ng maghahanda ng almusal kada araw at kami ang in-assign nya ngayong araw.

Naligo muna kami at nag ayos saka kami dumaretso sa hinanda saming kakainan namin sa may tabing dagat. May tinayong tent don at mahabang lamesa kung saan kami kakain at meron ding ihawan, sa tabi non ay may lamesa din kung saan nakalagay lahat ng lulutuin namin.

Nagsimula na kaming magluto.
Si Elyzza ay gumagawa ng inumin at si Lia naman ay naghihiwa ng mga sangkap, ako naman nag iihaw ng barbeque at hotdog.

"Mukhang masarap yan ah?"

Napalingon naman kaming tatlo sa nagsalita at bumungad samin ang BX5.

Ngumiti nalang kami sakanila at pinag patuloy ang pagluluto.

"May maitutulong ba kami?" Rinig ko namang tanong ni Dylan kaya napatingin ako sakanya. Nakita ko na nakangiti sya.

Akala ko mag su-suplado nanaman siya sakin.

"Patapos nanaman kami. Maghintay nalang kayo dun sa may lamesa" sagot ko naman.

Tumango naman sya at bumalik na sa lamesa.

Natapos na kami sa pagluluto kaya inihanda nanamin ito lahat sa lamesa.
Yung iba rin naming kaklase ay nagising na kaya kompleto na kami sa lahat.

Na upo narin kami nila Lia at nagsimula na kaming kumain.

Napansin ko naman na ang daming nakatingin kay Dylan na katabi ko ngayon.

Bakit kahit nakain sya tinititigan parin sya?
Gusto ko rin sanang tumitig kaso wag na baka lokohin lang nya ko.

"Ayos lang kung titigan mo ko" Bigla nyang sabi.

Nanlaki naman ang mata ko.
Binabasa niya ba isip ko?

"Girlfriend naman kita" Ani pa nya at tumingin sakin at ngumiti.

Nakakainis na yang ngiti na yan.

"Sino may-" naputol na ang sasabihin ko dahil nilagay nya ang point finger nya sa labi ko.

"As the leader of BX5 Ms. Mendoza, I'm officially your boyfriend. Do you object with that?" Bulong nya.

Napatitig nalang ako sakanya dahil hindi ko mabuka ang bibig ko, Napipi na ba ko?

"I guess you are, Its ok... I'll give you more time" sagot nya at tumayo na.

Bigla namang tumunog ang phone ko at nakita kong si Felix ang tumatawag.

Tumayo rin ako at sinagot ang tawag ni Felix.

"Hello Felix, napatawag ka?"

"Kinakamusta ka lang, matagal na kitang hindi nakaka usap" sagot naman nya.

"Pasensya na, marami lang ganap sa eskwelahan" sagot ko.

"Ayos lang, nga pala nasa Marinduque ka ngayon diba?" Tanong niya

"Oo bakit?"

"Pupunta rin ako diyan bukas, mamaya ang sakay ko sa barko" Aniya na ikinagulat ko.

"T..talaga? Pupunta ka dito?"

"Oo, bibisitahin ko kasi yung kaibigan ko dyan, si Franzei"

"Franzei? Babae ba sya o lalaki?"

"Babae siya, matagal na kaming magkaibigan non tsaka madalas ko talaga syang dinadalaw dyan" sagot naman nya.

"G..Ganun ba, sige kita nalang tayo bukas itetext ko sayo mamaya kung nasaang hotel kami" sabi ko at binaba na ang telepono.

Hindi ko alam kung bakit pero, bakit parang... Nagseselos ako?

Hindi...Hindi pwede Hazelle.
Imposible namang siguro na... may gusto ako kay Felix diba?

Umiling nalang ako at babalik na sana sa may kainan pero nagulat ako ng makita sa likod ko si Dylan.

"Your jealous, Aren't you?" Seryoso ang mukha niya ng sinabi niya yun.

"H..ha? A..ako magseselos? Hindi noh kaibigan ko lang si Felix" sagot ko naman.

"Don't deny It to me, the more you deny It, the more Its obvious" Aniya kaya napatingin naman ako sakanya.

"You like him... I see it" Aniya kaya nanlaki na ang mata ko.

Bago pa man ako makapag salita ay nagsalita sya ulit.

"Hindi ka magseselos kung hindi mo sya gusto, diba?"

Napa iwas na ko ng tingin sakanya.

"B..bakit mo sinasabi sakin l..lahat to?" Tanong ko.

Hindi nya ko sinagot at tinalikuran nya lang ako.

Pero bago sya makalayo ay tumigil sya sa paglalakad.

"If you really like him... Sana sinabi mo sakin ng maaga. If I deny it to myself, the more its really true"

"A..Ano yung totoo?" Tanong ko.

"I'm denying that I like you..."

Nanigas ang buong katawan ko sa binitawan niyang salita.

"Just say the truth because there's no use of denying it" Aniya at tuluyan ng naglakad palayo.

***

Itutuloy...

I Unexpectedly Loved You (SERIES 1)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon