PROLOGUE

449 11 8
                                    

Ang pagmamahal ay hindi natitimbang kung ilan taon ka na, kung nakailan syota ka na, kung virgin pa ba sya o hindi na, kung nagtitinda ba sya ng bargain sa Divisoria, kung maganda ba sya, kung mahaba ang buhok, kung maputi, kung may lahing taga-ibang bansa, kung beauty queen, kung snatcher sa Trinoma, kung humihithit sa bangketa sa may Quiapo, kung chef ba sya, kung banal at balak magmadre, kung kagaya ng nanay ko at nanay mo o kaya ng nanay ninoman, kung kagaya ng mga karakter sa libro o kaya sa mga penikula, kung dating mangkukulam o aborsyonista, kung pareho kayo ng gender, kung kababata mo sya, kaklase ng elementary o katrabaho o kaya nang kung anu-ano pang meron sa mundo.

Ako? Dating bata at taon-taon tumatanda. Tumatangkad at hindi lumiliit. Normal minsan, minsan hindi. Tanga din minsan. Mabait. Walang girlfriend at never pang nagkagirlfriend pero sana ngayon na nakatayo ako dito at naghihintay sa babaeng darating e, sana sa malamang baguhin nya na relationship status ko.

“Brad, stand by ka lang dyan! Darating ‘yun.” Sigaw nung manong na inuto ako para bumili ng ice cream na tinda nya dahil wala pa raw kasi syang napagbebentahan pero nang silipin ko naman ang galon ng ice cream nya e kalahati na. Nakipagkwentuhan pa hangang mamili ulit ako ng tinda nya. Pero buti pa ang nagtitinda ng sorbetes, tiwala na darating sya kahit dalawang oras na kong nakatayo, minsan uupo, minsan maglalakad ng paikot-ikot. Advance naman kasi ko masyadong dumating. Okay lang na maghintay ako dito Tiwala naman ako, tiwala rin katulad ni manong sorbetero na darating talaga sya. STAND BY lang, alam ko darating sya at hindi nya ko bibiguin.

AN: INIBA KO PO ANG PROLOGUE. DI KO ALAM KUNG BAKIT PINALITAN KO. :) HAHA. BALAK KO NA RIN IBAHIN ANG TITLR NITO. PAKITIGNAN KUNG OKAY LANG. :) YUNG COVER NASA GILID. PACOMMENT NA LANG PO SA MGA SUGGESTIONS. SALAMAT :))

STAND BY (SHE MADE ME CRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon