Rainy Wednesday.
May bagyo raw sabi sa narinig ko sa balita. Hindi nga ko makapaniwala ng marinig ko sa news na bagyo na pala ‘to. Kasalukuyan akong naghahanda ng mga dadalhin ko. Tutugtog kami mamaya. Hinihintay ko lang silang dumating para sunduin ako. Medyo ayos na sakin ngayon ang kumanta at magjam. Tama nga siguro si mama, kaysa tumunganga ako sa bahay.
Nag-itim na damit na lang ako na may malaking peace symbol sa gitna. Nagshorts na lang din tas flip-flops.
Bumaba naman na ko para dun na sila hintayin. Nakaupong mayaman na naman ang kapatid ko, ganun rin si mama. Inilapag ko lang sa sofa ang bag ko at saka ko pumunta ng kusina para manguha ng baon kong maiinom.
-----
Dumating kami sa restobar na kakaunti lang ang tao. Sabagay, maulan at kakaunti ang tao ngayon kaya siguro mabibilang mo lang ang mga nasa loob.
Dumiretso kami sa room. Inilapag ko lang ang bag ko kasama ng mga gamit nila. Lumabas na agad ako. kakasimula lang kumanta nung babaeng lagi namin naabutan ‘pag darating kami dito.
“Tol, kain muna tayo.” Pag-aya sakin ni Lance.
“Kumain na ko kanina sa bahay. Tagal nyo kasing dumating. Sige, kayo na lang.”
“Kung gutom ka, magsabi ka na lang. Do’n lang kami.” Sabay turo ni Lance sa dating table.
Naupo na lang ako malayo sa kanila. Pinakikinggan ‘yung babaeng kumakanta ng isang OPM song. Una kong narinig ‘yun sa YouTUBE. Kanta ng Iktus Band. Ala-ala.
Nagtatanong ang aking isip
Bakit ba hindi maiwaglit
Ang mga bagay ay mawawala
Ngunit hindi ang ‘yong ala-ala.
Nagfacebook na lang muna ko sa phone ko. I turned off my chat box. Baka online ang mga uhuging kong highschool classmates lalo na si Sab na hanggang ngayon malakas pa rin ang trip.
Nagbasa lang ako ng mga ilang status, naglike tapos I ended browsing my newsfeed. May babae namang naupo sa tabi ko. Nginitian ko sya matapos nya kong ngitian.
“Hi.” She waved her hand. “Kamusta ang lalaking cute. Ay no. cute? Mukhang di bagay. Pogi na lang.” she smiled widely. “Kamusta Chris?”
BINABASA MO ANG
STAND BY (SHE MADE ME CRY)
General FictionNaniniwala ako na hindi lahat ng bagay dapat madaliin. Hanapan man nila ko babaeng dapat kong mahalin, ako pa rin ang may karapatang magmahal at magkagusto. Dapat 'yung mapipili ko ay 'yung panghambambuhay. Kung si Yeng ka lang e ayos na. Ang kaso h...