Isa talaga sa pinakamagandang tinititigan ay ang sunset. ‘Lang’ya ‘tong mga kupal kong tropa, ‘di man lang ako inabisuhan na mag-oovernight pala kami. Itetext ko na lang si mama para ‘di mag-alala.
“Hey bro, why are you here?” Lance says while holding a san mig light.
“Maingay bro. Kanina pa ko nabibingi sa videoke,” I explained. “Lasing na yata si Harold, e. Lakas magwala.”
Natawa lang si Lance. May dala din akong san mig. Mauubos na nga, e. Kanina ko pa kasi ‘to iniinom pero parang ngayon pa lamang mauubos. I am a drinker of alcohols, but I don’t drink a lot. Depende kapag may get together and party.
“Bro, pasensya ka na samin kanina. Ikaw lang kayang pagtripan ng barkada,” he snapped.
“Siraulo. Sanay naman na ‘ko.” I grunt to Lance. Natawa pa ang bugok sabay inom ng san mig.
“Why don’t you try? Tama nga yung sinabi nung girlfriend ni Harold, try lang bro,” pang-aasta ni Lance.
“Bro, ayoko talaga.”
Itong mga ‘to ‘di makaintindi. Kahina makapick up, e ‘di ko talaga gustong maggirlfriend. Potek. Pilit ng pilit.
“That’s why people around you keep on judging who you really are, dude. Di ka ba nagsasawang tuksuhing bakla ng tropa. Lakas makalalaki ‘yun bro,” Lance explains while looking at the sunset too.
“’Yun na nga, e, angst nyo kasi. Alam nyo rin naman na ‘di ako bakla, tapos kung makasulsol kayo, matindi. Pati tuloy si mama tinanong ako kung bakla daw ba ‘ko.”
Natawa na lang ako sa nasabi ko.
“Cheers.” Sabi ni Lance.
“Pero pare, pa’no nga kaya kung subukan ko?” Biglang tanong ko sa kanya. Natawa si Lance sa sinabi ko. ‘Di man lang nagulat ampota. Sira ulo talaga.
Bigla naman nya ‘kong inakbayan. Tinitigan ako.
“Shit bro. Tigilan mo ko. Hindi ako bakla. Tang’na neto.” Then I removed his arms on my shoulder.
“Are you sure for that? Woah bro, lalaki ka na,” he laughs loudly, “Gusto mo na talaga i-try?”
“Sabi nyo wala naman mawawala.”
Natahimik si Lance bigla. ‘Di umimik. Medyo nawawala na ang araw. Nahiga na ‘ko sa buhangin. Ubos na ang iniinom ko. Maraming tao sa beach ngayon pero buti na lang di gan’on kaheavy unlike last year puno ang mga beaches.
“Bro,” he speaks up. “I need to teach you some techniques before you try to date girls. Watch me. Tumayo ka dyan. Bilis,” he continues.
Tumayo ako. Hawak nya ‘yung iniinum nya pero ubos na. “Hey bro, siguraduhin mong ‘di kahiya-hiya ‘yang gagawin mo.”
“Watch and learn.” He declares proudly.
Inabot ni Lance sa’kin ‘yung bote. Tinignan nya ang mga tao sa paligid. Para bang nililitis ng mata ni Lance ‘yung mga babae. Iniisa isang i-judge. After a minute, lumakad na sya. Tinuon ko kung saan direksyon sya papunta. Papunta sa mga babaeng naka shorts and bra lang. Shit. Loko-loko talaga amputa.
Nakita kong inabot nya ‘yung kamay nya sa mga babae. Nagpakilala siguro. After that, nagtatawanan na ‘yung mga babae. Ano kaya sinasabi ng mokong?
Nakafocus lang ako sa kanila. Lights are suddenly open. Gabi na pala. I saw the right hand of Lance on the waist of the girl wearing a blue top. Ambilis didiskarte ng loko.
After a moment, binalikan na ko ni Lance. “Did you see what I did,” he says.
“Ganun ba talaga?”
“That’s the first move, bading. You need to greet girls’ first, and then magpakilala ka. Ask them. And go with the flow na.” he explicates. “Ngayon, you need to find a girl.”
“Wait lang bro,” I mumble, “Kinakabahan ako.”
“Shit ka naman oh. First move pa lang.”
Nakakahiya man pero kinakabahan talaga ‘ko. Natatakot ako baka masampal ako. O kaya pa’no kung ‘yung lalapitan kong babae, e, may boyfriend na. How would I know? Baka bigla na lang ako masapak.
“Oh bro, before you go. Remove this.” Hinawakan nya sando ko.
“Is it necessary need to remove it? Ayoko bro. Makikita ang tabs ko.”
“Dagdag pogi points ‘yun.”
Wala na ‘kong nagawa but to follow him. Siya ang expert not me. And by the way, bakit ko raw itatago ‘yung ganda ng katawan ko, sabi ng loko-loko kong kaibigan.
Kinakabahan pa rin ako. Tangna, ‘di pala madali ‘to.
Nagmasid-masid na ‘ko sa mga taong dumadaan sa palagid. Medyo kaunti na ang nagswiswimming. Gabi na rin kasi. Mas lumakas ang tugtugan sa mga cottages. Hindi tuloy ako makapagfocus.
“Chris, you see that girl.” Sabay turo nya sa babaeng nakabikini. “That girl, it’s better to try it to her. Try your charm, dude.”
“Ayoko dun. Mukhang matanda na, e.”
“Choosy mo bro.” naupo sya sa buhangin. Banggitin mo na lang pangalan ko if you’re ready. Mukhang matatagalan pa ‘to.”
Hindi naman kasi madali ‘tong pinapagawa ni Lance. Nakakaawa ‘yung babae kung pagtitripan lang. This is such a fucking idea. Bakit ba kasi ita-try ko pa?
“Chris, how many more years? Ang tagal mo naman. Kahit sino na lang dyan.”
“Saglit lang, Lance. Pinagpapawisan na ‘ko sa kaba, e.”
“Easy. Magpapakilala ka lang. Wala pa tayo sa date. Knowing the name pa lang bro.”
“Bro, mukhang ayoko na. Next time na lang. Tara na balik na tayo sa cottage.” Pag-aya ko sa kanya.
“Tangna mo! Pinapunta mo pa ‘ko sa mga babaeng ‘yun kanina, ‘di mo din pala susubukan.”
“Wait bro. Easy lang,” pigil ko sa kanya, “Ito na gagawin ko na po, master.”
Naghanap na ulit ako. Baka tuluyang magalit ‘tong si Lance. After those things na ginawa nya para turuan ako ‘di ko sya susundin. Baka ‘di na ‘ko makapag-ask ng favor kapag ‘di ko ‘to sinubukan.
Before I go, huminga muna ‘ko ng malalim. I relaxed myself.
Dahan-dahan akong lumapit sa babaeng nakaupo malapit sa pwesto nu’ng lifeguard. Mag-isa lang sya. Drinking a beer, I guessed. She wears a short and a bra on top. Naka-ponytail sya. Nakatalikod sya sakin kaya ‘di ko alam kung maganda ba sya o hindi kagandahan, mukhang maganda naman ang katawan.
Tinignan ko muna si Lance before I continue walking. Then Lance gave me thumbs up sign.
Kinulbit ko ‘yung girl. Humarap sya sakin. ‘Di sya nagsalita. Ini-scan nya ko. From head to my chest down to my junior, I thought, then she stop to that. Tinignan nya ‘ko ulit sa mukha. And she smiles at me so I smile to her. Tumayo sya.
“Hi. My name is Chris. How about yours?” I speak nervously.
Tinagilid nya ‘yung ulo nya. Then nag-scan ulit sya. Tinignan nya ‘ko ulit from my head down to my chest and suddenly she stop again. Nagulat ako ng pindutin nya ‘yung chest ko.
Tumingin sya ulit sakin at nagsmile. Nagsmile ulit ako.
“Hello.” Sabi nya sakin. Nagulat ako after nya magsalita ng Hello. Napatakbo ko papunta kay Lance.
“Shit pare tara na. Bakla amputa.”
![](https://img.wattpad.com/cover/15877334-288-k907585.jpg)
BINABASA MO ANG
STAND BY (SHE MADE ME CRY)
Narrativa generaleNaniniwala ako na hindi lahat ng bagay dapat madaliin. Hanapan man nila ko babaeng dapat kong mahalin, ako pa rin ang may karapatang magmahal at magkagusto. Dapat 'yung mapipili ko ay 'yung panghambambuhay. Kung si Yeng ka lang e ayos na. Ang kaso h...