AN: SANA PO MAGUSTUHAN NYO 'TONG CHAPTER NA 'TO. :)) ENJOY. HEHE
---------------------
Nag-aya naman na syang lumabas ng café after namin magpababa ng kinain. Nagpapicture pa kami sa guard. Nung nasa mesa pa kami, nagselfie pa kami. Trip nya e. Okay lang naman sakin. Nakakahiya pa nung una kay manong guard kasi ako nagsabi na kung pwede kaming picture-an. Si Maja kasi makulit, gusto pa ng whole body.
Tinanong nya pa ‘ko kung may IG or FB daw ba ko para naman daw maitag nya sakin ‘yung picture. Sabi ko wala. Meron lang google mail, tumblr, ask at yahoo. ‘Yun lang mga social media accounts na sinabi ko kay Maja. Ang hinirit nya na lang, sayang naman daw ang picture.
Kinukulit nya pa ko hanggang sa paglalakad. Imposible daw na wala akong fb. Natawa na lang tuloy ako ta’s hinampas nya ko sa braso ko. Kinukuha nya rin ulit cell number ko, pero hindi ko binigay. Inaya nya pa kong magKTV kahit thirty minutes lang. Sabi ko next time na lang. Hashtag lang. #medyomasama.
Ayun nagpasundo tuloy. Naglakad kami hanggang sa malapit sa terminal. Sabi ko dun na lang sya magpasundo. Twenty minutes namin hinintay ‘yun susundo sa kanya. Nangulit lang sya ng nangulit. Picture ng picture. Nakakatuwa rin naman sya kasi ang lakas ng amats sa buhay.Nung may humintong pulang kotse sa harap namin nasabi ko na lang na mayaman nga sya. May driver sya e. May kotse pa.
Nagsorry ako kay Maja bago sya sumakay ng kotse. Ang sabi nya sakin ay may next time pa. Dapat raw bumawi ako.
Matapos ang what-a-date, ang pagkain namin ni Maja at pagsama sa kanya sa bookshop at mall, hanggang sa paghihintay ng sundo nya, ang pagpi-picture, ay naglakad na ko pabalik. Dumaan muna ko ng drugstore, nagpahabol ng pabili si mama. ‘Yung gamot nya raw sa high blood. Lahi na talaga namin ang may high blood, kaya sana wag mapasa sakin.
Nang makabili na ko, nagdesisyon na kong umuwi.
“Alam mo ‘di ko talaga sure kung malas ba talaga ko ngayong araw.”
“Naniniwala ka kasi sa malas kaya siguro minamalas ka. O baka naman may kung ano ka sa p’wet mo.” Sabi ko sa babaeng kasabay ko maglakad. Malamang pauwi na rin ‘to.
“’Wag mo ngang madamay dito ang toot ko.”
Naglakad sya ng mabilis. Naglakad din ako ng ganun. Iinisin kita ngayon Tara. Gaganti lang.
“Masama bang idamay ang puwet mo.” Binagalan ko sabihin ang salitang ‘puwet’. “Ah kasi nga may mark ka pala talaga sa p’wet mo.” Tumawa ko. Tawang ‘di naman makakaagaw ng publiko. Huminto sya sa paglalakad. Napahinto rin ako. Tumingin sya sakin. Nakapamewang sya. “Oh bakit ganyan ka makatingin? Miss Pu--.”
Hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin ko ng hinarang nya sa nakanguso kong labi ang hintuturo nya. “Sige, ituloy mo lang. Gusto mo yatang makakita ng stars sa tanghali.”
Tinalikuran nya agad ako ng sabihin nya ‘yun. May kasama pang irap at pagsusungit sa tono ng boses nya. Naglakad na ulit sya kaya naglakad na rin ako. Nasa likuran nya ‘ko. “Hindi ka nakakasindak?” pabulong kong sabi sa likuran nya. “Stars? Panong mangyayaring may stars sa tanghali. Star lang dapat. Ang laki kaya ng araw. Miss P’wet.”
Padiin kong sinabi ang huling salita. Napahinto ulit sya. Muntikan pa kong mabangga sa kanya buti na lang nakapagpreno agad ang mga paa ko. Hindi ko na sya pinansin. Naglakad na lang ulit ako.
“Hoy bakla!” Sigaw nito. “’Wag mo nga ‘kong talikuran!” Akala mo tandang sa pagputak. Hindi ko alam kung sino bang bakla ‘yung tinatawag o sinisigawan nya.
“Sya yata ‘yung tinutukoy ni ate.” Sabi nung babaeng nakatayo sa labas ng pawnshop na dinaan ko.
“Pare bakla pala ‘yan.”Sabay tingin sakin nung dalawang lalaki. Teenagers.
“Sisterette, beki ka rin pala. Sayang ka.” Sabi nung bading na naninigarilyo sa labas ng parlor. Hindi ko na lang sila pinagpapansin. Pero saglit nga lang. Napahinto tuloy ako. Tumingin ako sa likuran ko. Nakatayo pa rin si Tara sa hinintuan nya kanina.
Tinitigan ko sya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang napako bigla ‘yung paa ko. Si Tara, dahan dahan syang naglakad papalapit sakin.
Ugh. ‘Di ko magalaw mga paa ko. Para ‘kong istatwang nakatayo sa paligid ng parlor, tindahan ng mga pirated tapes at pawnshop. Nasa harapan ko na si Tara.
“Ang sabi ko ‘wag mong idamay ang toot ko.” Mahinang sabi nito sakin. Hindi pa rin ako makagalaw. “Gusto mo ng star ah. I’ll give it to you.” Pinitik nyang bigla ang dalawa kong pisngi.
“Aw!” biglang reaksyon ko. Shit. Masakit ‘yun ah. Try nyo.
“Ano? Masakit ba? Teka, mukhang kulang pa, e. lagyan natin ng bigat. ‘Yung mala-asteroids para naman bagay sa nag-iinit mong pisngi.” Bigla nyang tinakpakan ang mga paa ko.
“Shit!” sigaw ko. Natawa sya sa reaksyon ko.
“Ba-bye bading.” Diin nyang sabi sa salitang ‘bading’.
Naninigas pa rin ako na parang yelo. Ang bigat ng pagkakatapak nya. Masakit ‘yun. Tss. Dahan-dahan syang naglakad. Chris, magtimpi ka. Babae sya. Hay. Huminga ko ng malalim. Oh Holy Tentacles of Squidward. “Tara!” mahina kong sabi sa pangalan nya.
Napahawak muna ko sa noo ko. Nawala na ang paninigas. Tumalikod ako. She’s hopping foot by foot like a kangaroo. I heard something. She’s saying ‘bading’ in melodious way. Repeating that single word.
“Tara!” I shouted. However, I think she ignores it. She continued what she’s doing. That voice that keeps me irritated. Pakiramdam ko para na ‘kong kamatis na namumula sa kinatatayuan ko. I need to do something just to stop this creepy witch.
“Tara!” I repeated. “Kapag hindi mo hininto ‘yan, hahalikan kita.”
Sigawan kong sinabi ‘yun. Hindi ko alam bakit lumabas sa bibig ko ang mga salitang ‘yun. Huminto naman bigla ang lahat. Nanahimik ang buong paligid. Limang segundong nakahinto.
Ang puting usok na lumalabas sa bibig ng parloristang naniningarilyo.
Four seconds. Tara turned half-around and looked at me. Three. Two. And one. Everything are already moving but before that, something noticed me. In the last three seconds.
Three, I saw her wide smile.
In two, she turned back.
Then in the last second, I realized that I was moving and walked five steps towards to her.
Parang ang tagal pero alam kong limang Segundo lang ‘yun. Aakalain mong walang nangyari. Parang ‘di na kami pinansin ng mga taong nasa paligid namin. Natakot tuloy akong bigla.
--
Magkasabay na kaming ni Tara sa byahe pauwi. After that five seconds, hindi na sya nagsalita. Walang nagsasalita saming dalawa. Tahimik. Nagpapasalamat na rin ako sa limang segundong ‘yun kahit medyo nakakakilabot.
Nang makarating kami sa subdivision, nauna kong bumaba ng tricycle.
“’Wag ka ng magbayad.” I articulated.
“Thanks.” She said shortly. Naglakad na sya. Ako naghihintay ng sukli.
Tumakbo ko papalapit sa kanya matapos iabot ni manong tricycle driver ang sukli ko. Nakapamulsa lang ako. Tumingin ako sa kanya. “Sorry kanina ah.”
She looked up on me. Sabay naman kaming umiwas ng tingin. “Tse!!” Pagsusungit nyang muli. “Sorry mo mukha mo. Bak—“
“Oops, what are you going to say? I dare you. Stop that thingy.”
“Bak—bakulaw.” Mahina nyang sabi tapos bigla syang tumakbo.
Bakit tumakbo ‘yun? Naku, bahala nga sya. Naglakad na lang akong pakanta-kanta habang pauwi. That witch.
BINABASA MO ANG
STAND BY (SHE MADE ME CRY)
Ficción GeneralNaniniwala ako na hindi lahat ng bagay dapat madaliin. Hanapan man nila ko babaeng dapat kong mahalin, ako pa rin ang may karapatang magmahal at magkagusto. Dapat 'yung mapipili ko ay 'yung panghambambuhay. Kung si Yeng ka lang e ayos na. Ang kaso h...