Chapter 8.1

62 5 1
                                    

Naging mahaba ang gabing iyon sa akin. Hindi naman kami nag-usap ni Maja ng matagal. After kasi ng conversation namin kung san kami magkikita umalis na ko. Hindi ko na natanong mga kaibigan nya para naman masecure sya.

Lumabas ako ng bar around 10pm. Naiinitan ako. Bigla ngang sumakit ulo ko pero hindi ko na pinansin.

Pinapakanta pa kami ni tito Jim pero ‘di ako pumayag. Trip ko lang. Next time na lang ka ‘ko. Kaya ayun babalik pa ko dito next time kahit isang beses lang dapat e. Si M Jang kumanta. Silang tatlo nila Lance at Harold. Si Karl, dinamayan ako. Sa labas kami nag-inom.

“Ma, ano pong breakfast.” Late na kong nagising dahil sa sakit ng ulo ko. Hang over yata ‘to. Sa pagkakabanggit sakin ni Karl kagabi, strong beer daw ininom naming. Kaya siguro gan’to kasakit ulo ko. Ito talaga problema kapag nainom.

Mayro’n scrambled egg at ham. May fruit juice sa ref. Pinaggawa kita.” Mama shouted. They’re watching a talk show in a local channel.

Kumuha na ko ng almusal ko at pumunta ko sa sala para do’n kumain habang nanonood. Naka-Indian seat pa ‘ko sa sofa.

Enjoy na enjoy silang dalawa ni Tara sa kadaldalan ng host at ako pinipilit enjoyin. Gustuhin ko man ilipat, wala ‘kong karapatan. Ang rule sa bahay naming kung sino ang nagbukas ng tv sya ang may karapatan. Astig no.

“Ma, ano pong ginawa nyo ni daddy nang una nyong labas?” Napatingin sakin si mama. She’s smiling weirdly. I think she lost her focus watching the talkative host. Yeah, it’s a talk show, off course the network needs a voluble host in order to make the show interesting and catchy to the viewers. Tss.

“Hindi ko alam kung ano ‘yung first date namin.” Inemphasize nya pa ang mga salitang first date sa malambing na tono. “Ah. Kumakain kami ng sabay kapag lunch. Wala pa namang fastfood dito satin dati. Ay meron pala ‘yung DenBell’s. Dun siguro ang una naming kain sa labas. Teka lang bakit mo natatanong ‘yan?”

“May isang babaeng, hindi ko po alam kung weird lang ba talaga o may pagkabaliw, ang nagyaya sakin kagabi.”

“Nagyayang?”

“Magpasama. Pakiramdam ko, gusto nyang makipagdate? Hindi ko po alam. Mga naiisip ko lang na date ‘yun. Umoo po ako kahit napipilitan lang. Buti na lang nga po may bibilin ako ngayong araw. Isasabay ko na.” Totoo naman ang sinabi ko. Pero ‘yung may bibilin ako? Joke lang ‘yun. Dinahilan ko lang. Baka itukso na sakin ni mama yung babaeng ewan. At gusto ko din gumala at makaiwas ng utos.

“Naku mama, ‘yan si kuya aalis na naman. Tumatakas lang ‘yan s autos mo. Date pa raw. Kailan pa nagkaroon ng ganyan sa dictionary ng isang torpe.” Tinignana ko lang ng masama si Jane. Panghabambuhay na yatang kontra bida sa buhay ko ang kapatid kong ‘to. Tss. Inirapan nya naman ako habang naka-cross arm pa.

Hindi ko talaga maintindihan kung sa’n nagmana ng kaartehan. Wala naman gan’to sa’min nila mama.

“Ikaw Chris, bago ka pumayag sa mga bagay bagay, e, alamin mo muna kung dapat ka ba talagang umoo o hindi. Hindi lahat ng bagay dapat sang-ayunan. Don’t play safe in every game. Play with your heart at use your knowledge.”

“Opo.” I declared. Nasermunan ba ko? Hay, makakain na nga lang.

--

“Sa dami ng pwedeng makasabay sa byahe, tikbalang pa. E kung ‘di ka naman ba minamalas.”

Ako pa ngayon ang mukhang tikbalang. Bukas kaya anong nilalang na ‘ko? Bakulaw. Halimaw. Kapre. Baka sa susunod shokoy, taong ahas o pugot ulo na itawag sakin ng babaeng ‘to.

“Alam mo Tara, wala ‘kong ginagawang kung ano sa’yo. E anong magagawa mo kung makasabay mo ‘ko. Kung makapagsalita ka sakin parang sinaktan kita ka ah. Ano ba talagang problema mo sakin?”

STAND BY (SHE MADE ME CRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon