Nagpaumanhin na lang muna ko sa tiyuhin ni Lance. Hindi ko talaga gusto. Tinanong pa ko kung kelan daw ba ko available para makakausap nya pa raw ako. Sinagot ko, ‘depende’. Ayoko talaga. Nahihiya lang akong tumanggi.
Nag-usap din kami ni Lance. Humanda raw ako sa kanilang mga kabarkada ko. Kawawa na naman ako nito. Kina MJ ang meeting place. Mayayari talaga ko.
Kasalukuyan may nanggugulo sakin sa facebook. Private ako kaya kaunti lang friends ko sa fb. ‘Yung mga kakilala ko lang talaga. Gamit ko na ang laptop na pinadala ni daddy.
A message popped out.
Si Sab, short for Isabelle. Ang theater mate ko nung high school at kaklase na rin sa buong high school life ko. Kanina pa ko kinukulit ng lechon na ‘to. Nakitang online ako e.
Sab:
hoy,corte! Puro ka seenzoned. tangina mo ka! Magparamdam kang hampaslupa ka.
Sya ang tinutukoy kong nanggugulo sakin. Magreunion daw kami. Tatlong taon na rin kasi kaming hindi nagkikita. ‘Yung iba nakikita ko pa naman pero hindi frequent. Bihira lang kapag nagkakasalubong sa univ.
Sab:
HOY! CHRISOSTOMO IBARRA CORTEZ! YARI KA SAKIN KAPAG NAGSEENZONED KA ULIT. MAGREPLY KA! DAMAHIN MO ANG CAPS LOCK KO!
‘Lang ’yang Isabelle na ‘to, pati ba pangalan ko gawing karakter ng isang libro ni Rizal. Bahala ka. Isi-seenzoned ko lang mga messages mo. Mahighblood ka sa galit. Maglupasay ka na.
Scroll lang ako ng scroll sa newsfeed ko. Like kapag trip. Hindi ako nagcocomment.
Nung magsawa na ‘ko, tumingin ako sa list ng groups na meron ako. Walang mga bagong posts. Panigurado sa pasukan may bago na naman akong group. ‘Yun banag instructors nyo sa college magpapagawa ng groups. ‘Yung subject codes gagawing pangalan ng groups. Do’n mag-a-upload ng mga reviewers, mga pa-assignments, mga pa-projects o kung ano pang mga files. 75% nga yata ng groups ko dahil sa ganto. Tss.
Sa group na lang namin nang high school ako nagclick. Pagload ng page. Tangina! May halimaw na picture. Sino ‘to? Pero joke lang. nasusuka ko sa itsura ko. Taragis na Isabelle na ‘to!
Nagmessage ako kay Sab.
Chris:
HOY BABOY! DAM’HIN MO YANG ALL CAPS KO. TANGNA MO KA! BURAHIN MO ‘YUN!
Singkamas naman oh. Napagtripan picture ko. Bwisit na Isabelle-bil na ‘to. kabadingan ampotek. Napacomment tuloy ako sa picture. Nilagay ko, ‘Hindi po ako ‘yan. Hayup ka @Sab.’
A message popped out in my inbox. Tinignan ko. Si M Jang nagmessage.
MJ:
Hahahahahahahahaha…
BINABASA MO ANG
STAND BY (SHE MADE ME CRY)
Художественная прозаNaniniwala ako na hindi lahat ng bagay dapat madaliin. Hanapan man nila ko babaeng dapat kong mahalin, ako pa rin ang may karapatang magmahal at magkagusto. Dapat 'yung mapipili ko ay 'yung panghambambuhay. Kung si Yeng ka lang e ayos na. Ang kaso h...