Chapter 8.2

60 5 4
                                    

AN: Magsosorry ako kasi nalate ako sa pagpost ng update. -_- SORRY.

Inaya nya ‘ko sa isang cafeteria, mala-Starbucks. Mag-e-eleven thirty na. Medyo nainip ako kanina habang namimili sya ng damit. Lahat yata nagustuhan. Ako pa ang tinatanong kung okay lang daw ba sa kanya. Wala naman akong alam sa mga napipili nya. Ang sinasabi ko lang ng paulit-ulit e, dapat disente kang tignan.

Pagdating naming sa kainan, napansin ko agad na kakaunti lang ang tao. Naupo kami sa may corner.

“Anong gusto mo?” tanong nya sakin habang nakatitig sa mga mata ko. Nagsmile muna ko.

 “’Di porke’t mas mayaman ka sakin, ikaw na ang gagastos. Ako na bibili.”

“Chris, sometimes girls need to pay.”

“Mukhang ‘di ako papayag ng ganyan.” Tumayo ako mula sa pagkakaupo para ako na talaga ang umorder. Hinawakan nya pa ang kanang kamay ko na nakapatong sa mesa. Ginawa nya para pigilan ako pero ‘di talaga ko papayag na sya ang dapat magbayad at umorder. Tinanong ko agad sya kung ano ba ang gusto nya.

--

Habang hinihintay ang order naming, nagsimula na naman syang magsalita.

“In fairness, mas bagay sayo ang blue kaysa sa suot mo kagabi.  Mas may dating or should I say na mas gwapo ka.” Sus, mapagbiro pala. Dinaig pa ko. Bolera na rin pala mga babae.

“San mo naman nahugot ‘yan?” Nakikinig lang ako sa mga sinasabi nya, inabala ko sarili ko sa pagbra-browse sa phone ko. My peripheral vision is active. Pakiramdam ko nakatingin sya sakin.

“Ala lang, pansin ko lang. Nakakainis nga kanina nung nasa mall tayo. Grabe ‘yung mga babaeng nakakasalubong natin. Grrr.” Naasar na sabi nito. Sandali akong tumingin sa kanya.

“Bakit naman?”

“E pa’no ba naman kung makairap, hay naku. Iba talaga kapag may gwapo kang kasama.” Napabugtong hininga naman sya. “Lalo na ‘yung sales lady kanina. Kainis.”

Binalik ko na ang sarili ko sa pag-iinternet. “Dapat ‘di mo na lang sila pinapansin.”

“Pa’no ko naman gagawin ‘yun? Basta mainggit sila.” Tumawa naman sya. Itong si Maja, ‘di ko talaga naiintidihan. Mood swing. Naiinis biglang tatawa. “Ah Chris, can I ask something.”

“Go ahead.”

“So pwede nga?”

Binulsa ko na phone ko. Umayos naman sya ng upo. Sumandal naman ako. “Ano ba itatanong mo?”

Lumapit ang mukha nya sa center ng table. Nakapatong ang dalawa nyang braso sa mesa. Ginamit nya ang kanyang hintuturo para sabihing ilapit ko ang sarili ko sa kanya. Lumapit naman ako.

“V-vi.” She sighs. “Virgin ka pa?”

Nagulat ako sa tanong nya. Nanlaki yata mga mata ko. Hindi ako chinito, medyo lang pagnangingiti. Napasandal na lang tuloy akong bigla sa pagkakaupo. Tumingin ako ng malayo. Basta maiwas ko ang tingin ko sa kanya.

Alam kong nag-aabang sya ng isasagot ko. Urgh. Pakiramdam ko namula kong bigla. “Saglit lang. CR lang ako.” Tumayo na ‘ko. Dumiretso sa CR. Sa lahat ba naman ng itatanong virginity pa. Virgin pa ko. Lalaki kaya ang tumitira. Shit. Guyth, sorry about my words. Peo ayoko pinag-uusapan kapag may, ugh, pag may halong sex ang usapan o pag-uusapan. Nahihiya ako.

Afterward, bumalik na ‘ko sa table. Inayos ko sarili ko. Pinakalma sarili. Lemon. Malayo palang nakita ko na syang nakangiti sakin habang naglalakad ako pabalik sa lugar namin.

“Sorry sa question ko.” Kipit balikat na sabi nito. “Tara kain na lang tayo.”

Umupo na ’ko at agad uminom ng lemonade. Inabutan nya ko ng spoon and fork.

“Pansin ko lang, parang ang hilig mo sa lemon.”

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang isang pangungusap na hindi naman tanong. Pinunasan ko na lang ng tissue ‘yung utensils na inabot nya sakin. Pupunasan ko rin dapat ‘yung sa kanya kaya lang sya na ang gumawa.

My dad said to me na kapag may like daw akong lalaki, it’s better to ask him kung virgin pa so I would know kung dapat ko bang ipagpatuloy ang paglike ko sa kanya. That’s makes me weirder, right?”

Tumango na lang ako, tapos nagstart na kong kumain. Hindi ‘ko nga maintindihan kung bakit ba ‘ko nahiya sa kanya bigla. Mukhang may split personality nga itong si Maja.

“Pero alam mo, sa lahat ng inaya at nag-aya sakin para kumain. Sa’yo ko naattract. I don’t know why.” Napatingin naman ako sa kanya. She smiled widely. “At sa lahat ng mga lalaki at may tomboy pa nga e, lima lang sa kanila ang ‘di pa nakikipagtoot, the rest may experience na. Kaya ayun, I hate them na.”

Uminom naman ako ulit ng lemonade. Tumingin ako sa kanya. “When a guy learns how to jerk off, that’s the time na para na kaming nagkaroon ng experience. Hindi nga lang in a wild one but it’s just a way of a guy to express the lust within ourselves. Sabi samin ng isang brother, during my mid school years, that masturbation is a form of sex because we’re imagining that we’re having an interaction with someone.”

Sabay iwas ko na tingin sa kanya. Hindi dapat ako magsasalita pero just to shut her up, nagsalita na ko. Siryosong pagsasalita.

“Ganun pala ‘yun.”

Natahimik naman sya after that. Nilabas nya phone nya. ‘Di ko alam kung nagtetext sya or nakikisagap ng wifi sa café.

“Ano nga palang surname mo?” Binaba nya ‘yung phone nya sa table. She’s eating. Lasagna lang kinakain nya, ayaw nya raw magkanin.

“Cortez.” Maikli kong sagot sa tanong nya.

Nagsmile sya. Binaba nya ‘yung tinidor na hawak nya. At hinawakan ulit ‘yung phone nya. ‘Di ko na itatanong kung bakit nya natanong apilyido ko. Kumain na lang ako ng kumain. Nagsiryoso.

STAND BY (SHE MADE ME CRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon