Umupo ako sa mahabang upuang kahoy na nasa terrace namin. Napatingin ako kay MJ. “Bakit ganyan ka makatingin?” she asked. Then, I shrugged off. She hissed. I smiled. “What?”
“Okay na tayo?” I mumbled in the air. Tumingin lang sya sakin ng masama, then she hissed again after she blew something in the air. I read what she said. Bading raw. Nagfuck you ‘ko sa kanya. Gumanti sya ng fuck you. Hindi na yata galit. Nakangiti na e.
I started the conversation. Tinanong ko sila kung anong meron, kung bakit biglang punta nila samin.
“Tang ina neto. Kasungit pa rin. Ayaw mo ba kaming makita?” sabay hinto ng baboy sa pagseselfie. Di pa rin nagbabago ang pawalang baboy.
“’Wag kang magmura dito. Maririnig ng kapatid ko.” I hissed. Itong baboy na ‘to sarap upakan, baboy talaga. Nagsorry naman sya. Lumabas naman na si Tara na may dalang tray ng spaghetti. Inilapag nya sa lamesa.
Pinaupo na sya ni MJ. Dahil wala syang mauupuan bukod sa tabi ko e dun na sya umupo. “’Wag kang makasiksik, palibhasa walang naiipit sayo.” I murmured. Nagsumiksik pa rin sya.
“Ah pwede na bang kumain?” Sab asked. Kumuha sya ng plato at tinidor saka sumandok ng pasta.
“Hinay hinay at baka tumaba ka ulit.” Biro ni Nick.
“Okay lang ‘yun, tangna sarap kaya kumain.”
Pinagbawalan ko ulit syang magmura. Nag sorry ulit sya. Nagsimula naman na silang kumuha ng pagkain. Nagsoftdrinks na lang ako. Napag-isip isp ko kasi nab aka kulang pa kay Sab ‘yung pagkain.
“Hoy Cortez! Sasama ka talaga sa reunion!” diin na sabi ni Sab.
Tumanggi ko. Napatingin tuloy ako kay MJ. Shet, nakakatakot.
“Pumayag ka na brod.” Pamimilit ni Nick. Reunion? ‘Di naman rin magsisipunta ang iba. Nung last year. Tang ina damhin niyo. Mang-indian ba naman sila. Ayos na e. ngayon mangungulit sila.
“Ayoko. Nakakadala kayo.”
Nagpatuloy sila sa pagkain at pangungulit. Nakailan sandok rin si Sab. Dumighay pa ang baboy ng malakas. Nagwalk out pa si MJ dahil mapilit pa rin ako. Doon sa loob kumain. Pumasok ako sa loob saka kinausap sya. Ayun, napapayag tuloy ako kahit ayoko talaga. Lumabas si MJ ng bahay ng tawa ng tawa. Una, hindi ko maintindihan kung bakit pero nung huminto sya at sinabi sa tatlo ng pumayag na ko nagtawanan silang lahat habang ako naguguluhan.
BINABASA MO ANG
STAND BY (SHE MADE ME CRY)
Ficción GeneralNaniniwala ako na hindi lahat ng bagay dapat madaliin. Hanapan man nila ko babaeng dapat kong mahalin, ako pa rin ang may karapatang magmahal at magkagusto. Dapat 'yung mapipili ko ay 'yung panghambambuhay. Kung si Yeng ka lang e ayos na. Ang kaso h...