Chapter 12.1

37 3 0
                                    

AN: Pasensya na po natagalan. hindi ko pa tapos itype. Marami pang typos. edit ko din agad. :) Sa ngayon ito muna. :)) Enjoy. Sorry ulit.

___________________

Ibang iba ang tono ni MJ. Siryoso. Umalis kami ng Mcdo ng hindi nya ko kinikibo. Nagtaka na lang ako kung bakit bigla naging ganun.

Para ba kong babae? Sabi nya sakin and dami ko raw arte. Shit! Lagi daw akong papilit. Fvck! Hindi naman ganun. Ugh. Pero bakit ba kasi lagi nila kong pinipilit?

Nagbisikleta tuloy kami pauwi na ang tahimik. Tinawag ko pa sya bago makauwi, di nga lang ako pinansin. Babae nga sya. Mood swing. Nakokonsensya yata ako.

Kasalukuyan akong naghihintay ng bisita. Tinanong ko si mama kung sino ba ang darating, pero wala syang binanggit na pangalan. Nakatunganga lang ako maghapon. Nagbabasa ng librong binili ko, nung kasama si Maja. Himala nga e, hindi ako inantok. Hindi rin naman kasi ko makapag-concentrate sa pagbabasa.

Wala naman akong sakit. Matagal pa rin naman akong mamamatay kaya bakit may bisitang gusting dumalaw sakin. Di kaya multo na gusting magparamdam? Tangna, pati multo dinadalaw ako. Di siguro.

“Chris,” sigaw ni mama. Bakit kaya?

Tinatamad akong bumangon. Nagsuot lang ako ng tshirt bago lumabas ng kwarto ko at bumaba.

“Ma, bakit po?” malaking boses ko.

Dumiresto ‘ko ng kusina dahil sa mga kalantog ng pinggan na narinig ko. Nakita ko bigla si Tara. Napatingin sya sakin.

“Oy sungit, nandito ka pala.” Batik o sa kanya. Umirap lang sya sakin. I sighed. “Ah ma, bakit po?”

“Bumili ka nga ng softdrinks. Hindi ako nakabili kanina.” Inabot nito sakin ang pera. Uutusan lang pala ko. Tss.

Kumuha lang nako ng payong at lumabas na ng bahay. Napaisip tuloy akong bigla. Si Tara ba ‘yung bisita? Sus. Imposible. E bakit kaya nasa bahay ‘yung pwet na ‘yun?

“Tara! Kapag hindi mo hininto ‘yan, hahalikan kita.”

 

Shet! Naalala ko na naman ‘yun. Pati ‘yun di ko maipaliwanag na pagngiti nya. Isang Segundo man ‘yun pero kitang kita ko ‘yung ngiti hanggang mata nya. Aaaaah! Tang inis lang, nakit bigla na naman kasing sumulpot sa isip ko yun?

---------

“Shet!” Binalikan ko ‘yung batong nanalisod sakin. Badtrip ‘tong batong ‘to. Pabalik na ko ng bahay . Hindi pa rin mawala ‘yung sumulpot sa utak ko. Ugh.

May natanaw akong kakapasok na mga tao sa bahay. Sila na yata ang mga bisitang sinasabi ni mama.

“Chris.” Narinig kong may tumawag sa pangalan ko. S-Si Sab? She opened the gate.

“What’re you doing here lil piglet?”

“Visiting the dinosaur?” she smiled widely. Diretso kong pumasok ng loob ng bahay. Binati pa ko nung dalawang nakaupo sa terrace. Si Nick at MJ. I greeted back.

Palabas si Tara. Taas kilay lang ampuwet. “Hwag kang iirap, mas nagiging puwet mukha mo.” Hindi ko lang alam kung narinig nya ba sinabi ko. Napangisi na lang ako.

“Tulungan mo si Tara. Ilabas mo ‘to.” Salubong na utos ni mama. Inilapag ko sa taas ng ref ang itiniklop kong paying at ang sukli. Binuhat ko ‘yung mga nakapatong na plato sa mesa at  nakapatong na tinidor.

Binuksan ni Tara ‘yung screen door. Akala ko’y pinagbuksan nya ko pero biglang kumalampag sa likuranb ko ‘yung manipis na pinto. “ Ugh. Sabihin mo kung galit ka. Hindi ‘yung idadamay mo pa pati pinto.” Sigaw ko.

“Masungit ka pa rin pala, brad.” Hirit ni Nick.

“Loko. Ibalibag ko kaya sayo tong hawak ko.” Natawa lang si Nick sa sinabi ko. Pumasok naman na ulit ako sa loob nang mailapag ko sa mesa ang bitbit ko.

Nakatingin ako kay Tara habang hinahalo nya ang pasta ng spaghetti sauce. Umupo ako sa lama kong mapapansin nya ko. “Puwet.” Bulong ko. Hindi naman sya tumingin. Patuloy lang sya sa paghahalo. “Hoy, psst. Puwet.”

Bigla na naman nag-utos si mama. Dinala ko naman s labas yung pitchel. Narinig ko pang may itinanong si mama kay Tara. “Ano yung sinabi nung puwet, inaanak?”

Hindi ko alam kung may sinabi ba si Tara kay mama. Wala rin naman kasi kong pakialam.

STAND BY (SHE MADE ME CRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon