Nagising ako sa malakas na buhos ng ulan. Kaya pala mainit kaninang umaga, may balak palang umiyak ang langit ngayong hapon..
Bumangon na ko mula sa pagkakahiga. Pinatay ang tumutugtog na player sa cellphone ko. Tumingin ako sa labas. Sinilip kung gano ba kadilim. Madilim. Kumukulog at kumikidlat din.
4 o’clock na sa orasan. Kinuha ko lang ‘yung twalya ko bago ko bumaba. Hindi pa kasi ko naliligo. Naabutan ako ng antok sa pagbabasa. Pagkababa ko, naabutan kong nanonood ang kapatid ko ng koreanovela.
“Patayin mo ‘yang tv. Ang lakas ng kidlat oh.” Pagsita ko sa malditang kumakain ng crackers habang nakataas pa ang paa sa sofa. Boss na boss.
Pumunta naman na ko ng banyo. Isinukbit ang twalya sa likod ng pinto. Lumabas naman ako ulit para kunin ang sipilyo’t toothpaste saka ko inilapag sa faucet.
“Chris, maliligo ka na ba?” Sigaw ni mama. Sumagot lang ako ng opo. “Walang shampoo. Mamili ka na.”
Balak ko sanang ‘di na magshampoo kaya lang malakas makadandruff kaya ayun labas ulit ako ng banyo. Kumuha ko ng payong. Ang lakas pa naman ng kidlat at kulog. Maligo na lang kayak o sa ulan kaya lang baka maletson pa ko ng wala sa oras.
----------
Tahimik ang buong kalye. Buhos lang nang buhos ang ulan at ang walang humpay ng pag-iingay ng kulog at kidlat. Pabalik na ko ng bahay matapos bumili ng shampoo sa malayong tindahan.
May natanaw naman akong babaeng sumilong sa isang waiting shed sa park. Napadaan ako sa harapan nya.
“Uy, Tara.” Tawag ko sa kanya. Sumilong naman ako panandalian sa tinatayuan nya.
“Kung iinggitin mo lang ako dahil may payong ka at hindi basang basa, mabuting umalis ka na habang di pa ko nagta-transform.”
“Grabe naman. Ang sungit.”
“Bakit hindi ako magsusungit? Nakita mong basang basa ako oh, tapos ang lakas pa ng kidlat at kulog. Ang layo pa ng tatakbuhin ko para makauwi.” Bigla naman kumulog at matapos nun kumidlat agad. Napahiyaw sya sa takot at gulat. “Haaaay. Kainis naman!!”
“Maingay na nga ang kulog at kidlat, nakikidagdag ka pa. Halika na, hated na kita.” Hinawakan ko sya sa wrist nya, at saka ko inangat ang payong. “Dapat kasi girlscout ka.” Mahinahon kong sabi sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/15877334-288-k907585.jpg)
BINABASA MO ANG
STAND BY (SHE MADE ME CRY)
General FictionNaniniwala ako na hindi lahat ng bagay dapat madaliin. Hanapan man nila ko babaeng dapat kong mahalin, ako pa rin ang may karapatang magmahal at magkagusto. Dapat 'yung mapipili ko ay 'yung panghambambuhay. Kung si Yeng ka lang e ayos na. Ang kaso h...