AN: Hindi ko na natapos ang pagtatype. Pasensya po. Nagpaenroll kasi ngayong araw. Babawi ako sa next update. Papasayahin ko po kayo. Promise po yan. :)) Salamat po sa pagbabasa. Nga po pala gusto ko pong palitan 'yung title nung story na 'to. Yun lang kung okay lang po sa inyo? message nyo po ako sa facebook. :) ENJOY. :)
--------------------
Sunday
Late na naman akong nagising. Hindi na ‘ko nakakapagjogging. Tataba ako nito. ‘Wag naman sana.
Tumayo na ko. Naghikab. Nag-inat bago tuluyang mag-ayos ng hinigaan. Tumunog naman phone ko.
“Hello. Oh bakit?” tinatamad kong sabi.
“Bumaba ka na dyan. Nandito kami sa sala nyo. Kasama ko si Tito Jim.”
“Oh bakit raw?”
Binaba na ni Lance ang tawag. Ang aga-aga naman may bisita agad. Naghikab naman ako ulit. Kumuha muna ko ng towel sa cabinet.
Pagsara ko ng pinto I shouted the word ‘mom.’ Finding her. No one answers. I repeated while I’m stepping down the stairs.
“Wala sina Tita. Mamamalengke, gisingin na nga lang daw kita. Kasama ‘yung maarte mong kapatid.” Nakasandal si Lance sa pader habang nakatayo. Tumingin ako sa lalaking nakaupo sa sofa. Si Tito Jim.
“Good morning po.” I greeted while my right hand was in a half raise.
“Bro, ayusin mo muna sarili mo.”
Nagpunta na ko ng CR. Humarap sa salamin. Umihi muna bago naghilamos at nagsipilyo.
Lumabas na ko after that. Kumuha ko ng baso at naglagay ng tubig na galing sa ref. Uminom ng kaunti. Nakasabit naman sa balikat ko ang towel.
Tinignan ko kung may laman ang coffee maker, wala. I checked the thermos, buti meron. Kumuha ko ng tatlong coffee cup. Tinimplahan ko ng kape. Nilagay sa tray at dinala sa sala.
“Kape muna po kayo.” Nilapag ko sa mesa ang tray.
“Tito, sabihin mo na.” nakaupo na si Lance sa office chair. Patungan ‘yung ng electric fan.
“Chris.” Paunang sabi ni Tito Jim. Kinuha ‘yung isang baso. Nilapag sa mesa. Hindi humigop. “Kasi ano.”
Nakatulala lang ako. Nag-aabang ng sasabihin ng tito ni Lance.
“Ano kasi? Kukunin sana namin ang banda nyo for regular. Para tumugtog sa bar.”
Sabi na nga ba. Kaya una pa lang, ayaw ko na. Ito kinakatakot ko baka magsunod-sunod na ‘to. Humigop muna ko ng kape. Tumingin ako kay Lance pero nakatalikod sya sakin. Naglalaro sa upuan. Binalikan ko ng tingin si Tito Jim. Alam kong naghihintay sya ng sagot ko.
Humigop ulit ako ng kape. “Excuse lang po ah.”
Tumayo ako. Hinatak ko si Lance papunta ng kusina.
“Bro, ano naman ‘to?” pabulong kong pagtatanong sa kanya. Sumandal naman sya sa lababo.
“Relax lang. Tensionado ka ay.”
I gave him a deadly glare. “Hinaan mo boses mo.” Sinilip ko naman si Tito Jim. Umiinom sya ng kape.
“Chris, wala rin akong alam. Kagabi nya lang sinabi. Nagulat nga din ako. Alam mo bang samin pa natulog ‘yan para maaga kang makausap.”
“E pa’no na ‘to?”
“Anong pa’no na ‘to?” napakamot sya ng ulo nya.
“’Di ba ‘yung napag-usapan natin isang beses at isang gabi lang? tapos ngayon, ano? For regular. Shit brad, ayoko.”
“E pa’no naman si Tito?”
Hinatak ko ‘yung isang upuan at doon ako umupo.
“What-a-great Sunday morning.” I sighed.
“Bakit ba kasi ayaw mo?”
“Wala lang.” maikli kong sagot kay Lance. May dahilan naman talaga ‘ko. Alam kong pagtatawanan nya lang ang mga reasons ko kaya ayoko sabihin sa kanya.
Napayuko na lang ako. Tinitigan ang sarili sa reflection mula sa glass table. Nakalagay sa batok ko ang mga kamay ko.
“Anong wala?” Narinig kong hinatak ni Lance ang isang upuan. Umupo sya. “Brad, sabihin mo na kung bakit ba ayaw mo.”
“Basta!” madiin kong sabi.
“Ewan ko sayo. Kung ayaw mo sabihin bahala ka magreason out kay tito.” Mahinang sabi ni Lance. Tumayo naman na sya. Iniwan ako.
Sinilip ko silang dalawa. Nagkakape. Si Lance kakaupo lang. Shit naman oh. Pa’no ba ‘to? Lord, magsisimba naman po ako mamayang hapon, please tulungan nyo po ako.
Huminga muna ko ng malalim. “Bahala na nga.” mahina kong sabi sa ere.
Tumayo na ko. Naglakad pabalik sa sala. Nanlilisik na nakatingin sakin si Lance. Tumingin ako sa tito nya. Nagsmile lang sakin.
Umupo na ko ulit sa sofa. Humigop ng kape. Nakangiti pa rin ang mukha ni tito Jim. Alam kong nag-aabang sya ng isasagot ko.
“Pasensya na po kung naghihintay kayo ng isasagot ko.”
“Okay lang.”
“Nakausap nyo na po—“
Pinutol nya ang sasabihin ko. “Kagabi kausap ko sila. Pinuntahan ka namin kagabi, ang sabi ng mama mo tulog ka na raw. Alas diyes na siguro nun. Ayaw mo raw kasi ng ginigising ka kaya hindi ka na namin pinagising.”
“Ganun po ba.” Yan na lang nasabi ko.
“Sabi kasi nila, ikaw daw tanungin ko.” Referring to my friends.
Tinignan ko si Lance. Umiwas ng tingin. Mga barkada ko nga naman. Arg. Pa’no ba ‘to. Batman na lang. Huminga ko ulit ng malalim.
“Ganto na lang po. Pwede po bang...” Tinanggal ko ang towel sa balikat ko. “Text ko na lang po kayo.”
BINABASA MO ANG
STAND BY (SHE MADE ME CRY)
General FictionNaniniwala ako na hindi lahat ng bagay dapat madaliin. Hanapan man nila ko babaeng dapat kong mahalin, ako pa rin ang may karapatang magmahal at magkagusto. Dapat 'yung mapipili ko ay 'yung panghambambuhay. Kung si Yeng ka lang e ayos na. Ang kaso h...