Pasado alas otso na, 8:25 eksakto. Nagpaalam muna ko sa kanila. Pupunta lang ako ng 7Eleven para bumili ng maiinom, Smart C+.
Pinigilan pa ko ng tito ni Lance. Iuutos na lang daw sa tauhan nya pero ‘di ako pumayag. Ang sabi naman ni Harold ay sasamahan nya na lang ako kaya lang ang sabi ko ‘wag na.
Parang ilang hakbang lang naman ang 7Eleven mula sa bar, magpapasama pa ba ko kapag ganun. Ginawa naman nila kong bata.
Pagdating ko ng convenience store, sa refrigerator na agad ako dumiretso. Lemon flavor ang iniinom ko. Hindi ko alam pero kapag ito iniinom ko okay ang pakiramdam ko. Kalmado. Pantanggal uhaw. Pantanggal pressure. Pantanggal stress. Reliever.
Nagbayad na agad ako sa cashier. Matapos ‘yun nagdesisyon muna ‘kong maupo.
Lima lang kaming nasa loob ng convenience store, ‘yung guard, ‘yung dalawang tauhan ng store, ako at may isang babaeng nakaupo, dalawang bangko ang layo sa inuupuan ko. Tumingin sya sakin pagkaupo ko kaya nginitian ko na rin.
“Hello,” she greeted.
Napatingin naman ako sa likod ko. Baka naman hindi ako ang sinabihan nya pero ng tumingin ako sa likuran ko, wala naman tao.
“Sakin ka naghello?” tanong ko agad sa kanya matapos kong tignan kung may tao sa likuran ko. Ngiti lang ang una nyang sinukli sakin.
“Alam mo lumang style na ‘yan.” And she laughed softly. “Pero alam mo, bumenta naman sakin.”
I smirked. She’s beautiful but weird. Mukha syang anak mayaman. Nakasuot sya ng dress na kulay pula. Medyo mataas ang suot nyang sapatos.
“’Yang mga tinging ganyan, alam ko na ‘yan. Type mo ‘ko noh?” She stated confidently. I grinned. I did not expect those words from her. Then, I laughed reluctantly.
“Bakit ka andito?" Mahinahon kong tanong sa kanya. "Wala ka bang kasama?” It's better to ask her rather to answer her question. Hindi naman kasi sya ang ideal girl ko. Ang bilis rin masyado. Type na agad. LOL. ‘Di pa nga alam pangalan.
“I’m here just for some refreshing. You know.” She grinned. “I’m with few friendships.” She added.
Nagsalubong ang kilay ko matapos nyang magsalita. Napaisip agad ako sa mga sinabi nya. Hindi ko ganun naintindihan. Natatawa tuloy ako pero pinigilan ko.
“Ah. Nasan sila?”
“Ikaw naman. Why are you looking to my friends, me first before anyone else.”
I shrugged. “E babae ka. Late na masyado para sa katulad mo. Tignan mo suot mo. Baka mapagtripan ka pa dyan ng mga tricycle driver o kung sinong lalaki dyan.”
Nagdi-osto naman sya ng upo. Hindi ko alam kung umayos ba sya ng upo o hindi. Sa natatanaw ko parang hindi. Halos makita ko na ang buo hita nya. Napailing na lang ako.
“Thanks for the concern. Pero baka sila pa mabugbog ko. With this fist, I’ll knock them to the floor.” Tinaas nya pa kamao nya at nag-ala Donaire.
Naku, ewan ko sa babaeng ‘to. Ang lakas maka nanay Dionesia. Kanina disente tignan pero ngayon nagdadalawang isip na agad ako kung mayaman ba talaga sya. Kung galing ba sya sa prominent family.
“Had you understand what I’m says.” Bigla nyang tayo at lipat ng upuan. Katabi ko na sya.
Hay. Isa lang masasabi ko. Dumudugo po yata ang ilong ko.
Kumuha sya ng tissue sa bag nya. Pouch? Pinunasan nya ko. Sa may ilong. Napaurong ang mukha ko sa ginagawa nya. Baliw ba ‘to?
“Ikaw ah. Simple english, you can’t understand.”
![](https://img.wattpad.com/cover/15877334-288-k907585.jpg)
BINABASA MO ANG
STAND BY (SHE MADE ME CRY)
General FictionNaniniwala ako na hindi lahat ng bagay dapat madaliin. Hanapan man nila ko babaeng dapat kong mahalin, ako pa rin ang may karapatang magmahal at magkagusto. Dapat 'yung mapipili ko ay 'yung panghambambuhay. Kung si Yeng ka lang e ayos na. Ang kaso h...